"Ate May, I never thought you're that good." Biglang bait ni Yuki na inulan ako ng papuri. Nasa hapag ulit kami.
He was so proud. He shared post the videos with caption.
Bravo sa unang video, Wow emoticon sa second video and Amazing sa pangatlong video.
Proud na proud talaga sya.
Inadd friend din pala ako ng tukmol.
"Te May, where did you get your talent?." Pag uusisa ni Yuki.
Si Donny ay nakain at nakikinig lang sa amin.
Nagkita na din kami sa wakas.
Tatlo pa rin kaming nakain.
"Sa Inay ko daw." Sagot ko naman.
"You're not sure?"
"I mean. Namatay kasi si Nanay ko nung pinanganak ako." Paliwanag ko sa bata.
"So you did not see your mother?" Usisa pa ulit nito.
Napatango ako ng malungkot.
"That was sad." Tunog nakikisimpatya na wika ni Yuki sabay bumahing ito.
Kanina ko pa napapansin ang pag ubo ni Yuki at pagsinghot nito.
"You okey bro?" Concerned na tanong ng kapatid nito.
"I think I'm having colds."
****
So ayun na nga.May lagnat si Yuki.
Si Manang Rose ay umuwi sa kanila kanina lang tanghali at nag file ng leave ng tatlong araw sa pag aakalang uuwi ang mag asawa bukas. Huli na din nito nalaman na sa sunday pa sila makakauwi.
Si Aling Lagring naman ay pagkatapos magluto ng dinner ay umuwi na din.
Bukod tanging kaming tatlo lang ang nasa bahay ngayon.
"Inumin mo to bunso." Malumanay kong sabi at iniabot yung gamot na iinumin ni Yuki. Naitawag na namin ni Donny kay Manang Rose at nagtanong na kami sa pwedeng ipainom sa bata.
Ang magulang naman nila ay out of coverage area ang mga phone.
Sumunod naman na nun si Yuki at ininom na yung gamot.
Si Donny ay nakatunghay lang.
"Should we take you to the doctor?" Anito. He sounds concerned.
"No bro please, I hate doctors." Reklamo ni Yuki sa pagitan ng pagsinghot nito.
"Ok, pero pag di pa mawala lagnat mo bukas. Dadalhin ka na namin sa doctor." Saad ko.
Yuki nodded.
Inakay na din namin si Yuki sa kwarto nya.
Napagpasyahan kong sa kwarto na nya matulog para mabantayan ito.
May oras kasi ang iniinom nitong gamot.
Nakatulog naman na nun si Yuki kaya sumaglit muna ako sa kwarto para kumuha ng mahihigaan.
Balak ko sa sahig matulog.
Nung makuha ang kylangan ay lumabas na din ako.
Nabungaran ko si Donny na may bitbit dn na mga comforter.
Di yata ay balak din dun matulog.
Shems.
"I'll join you." Anito.
"Dun na lang ako sa sofa." He suggested.
"Sige. Sa sahig na lang ako maglalapag."
Pumasok na kami pareho sa kwarto ni Yuki.
Si Yuki nun ay mahimbing pa rin ang tulog.
Inayos na namin ang mga higaan.
"Kasya ka ba dyan?" Nag aalalang tanong ko.
Sa tangkad kasi ni Donny ay feeling ko sasakit katawan nito doon.
"I think so." He answered at sinubukan humiga. Napangiwi ito.
"I guess not."
"Dito ka na lng din sa sahig." Suhestyon ko.
Napatitig sya skin.
"I mean, hindi tayo magtatabi. Dito ako, jan ka." Turo ko nman sa medyo isng metro ang layo sa kinaroroonan ko.
Ang pwesto ko naman ay malapit sa kama ni Yuki na single bed lang.
Si Donny ay sa katapat ng kama malapit sa sofa.
Nakaset na din ang alarm clock ko para sa gamot ng bata.
Nakainom sya kanina ng gamot ng alas syete.
Napagkasunduan namin ni Donny na sya magpapainom mamayang alas onse at ako naman sa alas tres ng madaling araw dahil every 4 hours iyon.
Pumwesto na ako sa higaan ko at ganun din si Donny.
Hindi din ako matulog dahil sa presensya ng lalaki na kasalukuyang naglalaro sa cellphone nito kaya sinaksak ko na lng sa taynga ko yung headset at nagpatugtog para di marinig ang malakas na kabog ng puso ko.
Kalaunan din naman ay nakatulog na ako.
Nagising lang ako ng may mag alarm na phone pero hindi ko idinilat ang mga mata.
Kay Donny ang phone na nag alarm.
Nakita ko syang tumayo at pumunta sa kinaroroonan ni Yuki. Kunyari ay nag iba ako ng pwesto at tulog pa rin.
Mukhang di pa ito natutulog base na rin sa itsura nito. Nasisilip ko sya ng panakaw.
Ginising nito ang bata at ibinangon.
"Here take your medicine." Malumanay nitong wika sa kapatid.
Pinainom din nito si Yuki ng tubig.
Nang matapos ay walang ano anong bumalik ulit sa pagtulog si Yuki.
After nun ay pumikit ako ng mariin dahil ramdam kong nakatayo lang si Donny pero di unaalis sa kinaroroonan. Para bang nakatitig sya skn.
Feeling ko lang naman.
Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito.
Minutes later ay kumilos na rin ito papunta sa higaan nito.
Pinapakiramdaman ko sya dahil tila wala yata itong balak matulog dahil hawak hawak pa rin nito ang cellphone. Nakaharap na ako sa direksyon nya.
Kung ano ano na lng din pumasok sa utak ko at nakatulugan ko na yun.
Nagising naman ulit ako ng alas tres at yung aking cellphone naman ang nag alarm.
Sa sobrang antok ng diwa ko.
Pinipilit ko idilat ang mata ko habang nagpapainom kay Yuki ng gamot.
Kinuhanan ko din sya ng temperature.
Mabuti naman at bumaba na ang lagnat.
Nang matapos ay ibinalik ko sa side table ang gamot at tumayo na para bumalik sa higaan.
Pakiramdam ko nalutang ako sa sobrang antok.
Para akong nag sleep walk at wala sa maayos na pag iisip.
Hindi ko na namalayan na sa ibang higaan ako pumwesto.
Napangiti pa ako sa sarili dahil parang lumambot ung unan ko sa ulo at mabango ung kayakap kong unan.
Pagkatapos ay nilamon na ako ng dilim ng tuluyan.
***
Pls watch Maymay Official MV Di Kawalan
BINABASA MO ANG
Confession
RomantizmMarydale Entrata aka Maymay has a huge crush on Donny Pangilinan. Wag nyo ng tanungin kung bakit. Malalaman nyo din naman. Given the chance, she confessed her feelings to him in public. Unfortunately, he rejected her. Paano kung sa hindi inaasahan...