Chapter 9

1.1K 46 0
                                    

Mga two minutes na yata ang lumipas nung lumabas ang magkapatid pero nakatayo pa rin ako s pinag iwanan nila.

Ano na nga ba ulit gagawin ko?

Parang bigla nablanko yung utak ko e.

Ayun.

Naalala ko na.

Lumapit agad ako dun sa computer ni Donny.

Pero bago pa yun ay pinagsawaan ko muna yung computer desktop background nya.

Ang pogi nya sa picture nya.

Akala mo ay model ng bench.

Pagkatapos magsawa ay binuksan ko na yung software na itinuro nya sa kin kanina.

Thank God.

Naalala ko pa naman yung tutorial nya sakin.

After maiset ang dapat maiset ay tumayo na ako.

Bago naman lumabas si Donny ay naiayos na nya ang mga gagamitin ko.

Kinuha ko sa bulsa yung nakatiklop na papel na sinulatan ko ng lyrics ng kanta at pati ballpen.

Napansin ko pa parang panay ikot yung mga camera sa kwarto.

Bawal ba magkamot ng pwet dito o kaya mangulangot?

Napatawa ako sa naisip.

Bawas na ang 5 hours ko.

Bago kumaskas ay kinanta ko muna ulit ung lyrics ng kanta at nagscratch ng kaunti.

Nung matapos na ang pagkanta ko ay sinimulan ko na ang pagtugtug.

Inuna ko ang Acoustic guitar. Dun kasi ako pinakakomportable.

Sinunod ko yung Piano.

Hindi nman ako expert pero may alam ako dahil naturuan naman ako nung pianista sa church namin.

Sinunod ko yung Drum set.

As I've said. I'm no expert pero dahil matyaga ako sa panunood ng video sa youtube kaya may alam pa rin.

Ginamit ko lang yung instrumentong alam kong babagay sa kanta na sinulat ko.

Nagkacram pa ako nun dahil minuto na lng 5 hours na.

At di masyado kabisado yung software.

Very basic lang ang naituro sakin ni Donny kanina.

At talagang inexplore ko pa.

***
"Sa wakas." Napahikab kong saad sa sarili.

Napagod ako dun ah.

Nababad pa ang mata ko sa computer screen.

Gutom na din pati ako.

Paano ko kaya maisasave ito?

Wala kasi ako dala USB eh.

Alanganin na tumayo ako at lumapit sa pintong pinasukan namin kanina sabay kinatok.

"What?" Donny answered.

"M-may usb ka?" Nag aalangan kong tanong.

Hindi nman ito sumagot. Idinikit ko lalo ang taynga ko sa pintuan.

Ilang sandali pa ay biglang bumukas ito dahilan para ma outbalance ako at mapayakap dito at mapasandig ang ulo sa dibdib nito.

Para ngang tumigil ang mundo ko at tanging naririnig ay ang tibok ng puso ko.

"What are you doing?" Nakakunot ang noong wika ni Donny.

Paano'y inamoy amoy ko pa.

"Ang bango mo lang kasi." Wala sa sariling sagot ko.

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon