NAPABUNTONG-hininga si Cassandra habang nakatingin sa mga resibo at listahan ng mga kailangan niyang bayaran na nasa mesa. Paulit-ulit na ang ginawa niyang pagku-kwenta at pagba-budget pero nanlumo siya nang makitang kulang na kulang pa rin ang magiging sweldo niya sa mga part time jobs niya sa mga kailangan niyang bayaran na utang, isama pa ang mga gastusin sa mga susunod na araw.
"Lalim 'non bes."
Napaangat ng tingin si Cassandra, nakita niya ang kaibigan na si Karen. May dalang tray ang babae na may mga lamang mga pagkain. Inilapag nito ang tray sa mesa, ibinigay ng babae sa kanya ang isang sandwich at juice bago ito umupo sa katapat niyang upuan.
"Kumain ka muna, kanina ka pa namomorblema dyan." saad ni Karen sa kanya.
"A-ano, sana hindi mo na ako nilibre, busog pa naman ako eh."
Inikutan lang siya ng mga mata ni Karen. "Bes, ako nga huwag mong pinagloloko, kilalang-kilala kita, I'm one hundred one percent sure na hindi ka na naman nag-almusal kanina. Kainin mo na yan at may klase pa tayo mamaya."
Nahihiya man, binuksan na ni Cassandra ang sandwich, tutal gutom na rin naman talaga siya. Pagkatapos niya kasi mag-asikaso sa bahay nila, agad na siyang dumiretso sa university kaya hindi na siya nakakain ng almusal. Ni hindi nga rin siya bumili ng pagkain niya dahil nagtitipid siya.
"So, ano na naman ang problema mo? Ay mali, ang tamang tanong pala eh kelan ka ba mauubusan ng problema?" tanong ng kaibigan habang kumakain sila. Tama naman ang babae, kahit kailan talaga hindi siya nauubusan ng problema.
Noong nagpaulan kasi ata ng mga problema ang Diyos, nasa ulanan siya at may dala pang balde pangsahod.
Muli siyang napabuntong-hininga, napahinto rin siya sa pagkain. Mapait siyang napangiti sa kaibigan. "Hindi ko rin alam Karen."
"Ano bang problema?"
"Hindi pa rin kasi ako bayad sa tuition fee natin for this sem, alam mo naman na hindi pwedeng makapag-OJT next sem yung kulang pa sa bayad. Nakailang promissory note na ako. Yung landlady din namin, sinisingil na ako sa limang buwan na utang namin sa renta. Kailangan ko na rin bumili ng mga gamot na pang maintenance ng Papi ko. Idagdag mo pa yung pang-tuition fees ng mga kapatid ko."
Twenty-three years old na siya at kaunti na lang makaka graduate na siya sa college. Ilan taon din kasi siya nahinto sa pag-aaral. Business Management ang course niya at next sem mag-o OJT na sila pero hindi pa rin siya bayad sa tuition fees niya, may utang pa nga siya last sem, buti na lang at mabait ang may-ari ng La Croix University at pinagbibigyan ang mahirap na estudyante na katulad niya.
Dati talaga siyang scholar, nawala lang ang scholarship na iyon simula nang bumaba ang mga grades niya dahil na rin siguro hindi niya natuunan ng pansin ang pag-aaral. Marami rin kasi siyang pinasukan na part-time jobs.
Pang-umaga ang schedule ng pasok nila sa school. Half-day lang iyon kaya pagkatapos ng klase ay dumidiretso na siya ng pasok sa isang coffee shop na isa sa mga part-time job niya. Pagkatapos ng shift niya sa coffee shop didiretso naman siya sa Dionysus, isang kilalang high-end bar sa Metro, waitress siya doon.
Kapag day-off naman niya sa coffee shop, suma-sideline naman siya sa isang pizza parlor bilang kitchen staff. Sayang din kasi ang kikitain niya.
Ayaw naman niyang lumipat sa pang publiko na university dahil sigurado siyang mas lalo lang siyang mahihirapan lalo na sa pag-a-adjust ng schedules niya sa trabaho.
Malaking factor din kasi kapag sa maganda at kilalang school siya naka graduate kapag nag-apply siya ng trabaho. Lalo na kapag mapili ang company na pag-a-apply-an niya.
BINABASA MO ANG
Zeus' Possession
RomanceShe needs money. So Cassandra had no choice but to register on an app to find a suitable 'sugar daddy' for her needs. Little did she know, she will become the ruthless bachelor businessman's possession. She's Zeus Abraxas possession. - warning: R1...