"PUMAYAG kang makipagkita dun sa ka-match mo sa app?" gulat na tanong ni Karen kay Cassandra nang sabihin niya sa kaibigan ang napag-usapan nila ng ka-chat niyang estranghero sa Sugardolls app.
Dito rin kasi siya humingi ng tulong. Manghihiram kasi sana siya ng damit na maisusuot para sa 'dinner meet-up' nila ng ka-chat niya. Wala naman siyang pambili ng presentableng damit kaya manghihiram na lang siya.
"K-Kailangan na kasi namin ng pera. Wala na rin kasi akong naiisip na ibang paraan para bayaran yung mga nagkakapatong-patong na utang namin." mariin niyang pinisil ang palad habang nakayuko.
"Cassandra naman. Paano kung masamang tao pala yung ka-chat mo? paano kung may gawin siyang masama sayo? Kahit pa sabihin nating AFAM yun, hindi mo pa rin siya kilala. Ako ang natatakot para sayo niyan eh."
"Una at huling beses ko na naman gagawin 'to. K-kapag nakakuha ako ng pera, iba-block ko na agad siya dun sa app. Sigurado ako na hindi na naman kami magkikita pagkatapos ng dinner na 'yun. Atsaka sinabi ko naman na sa public place na lang kami magkita."
Inirapan siya ni Karen bago ito naglakad papunta sa kusina ng condo unit nito at uminom ng tubig. Sinundan niya ito, napabuntong-hininga siya. Parang tunay na magkapatid na ang turingan nila ni Karen kaya naiintindihan niya kung gaano ito nag-aalala para sa kanya.
"Karen, sige na. Tulungan mo na ako. Promise, ibabalik ko rin agad sayo yung damit na hihiramin ko." pinagsalikop pa niya ang mga kamay habang nakikiusap dito.
"Cass, hindi naman yung damit ang inaalala ko, ikaw mismo. Ayaw ko lang mapahamak ka. Ako na nga ang nagbigay sayo ng idea tungkol sa app na yun, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sayo. Bakit kasi hindi ka na lang mangutang sa akin?"
"Sinabi ko na diba? Masyado na akong maraming utang sayo. Ayoko nang dagdag pa 'yun at isa pa, alam ko na magpapadala ka ng pera sa pamilya mo sa probinsya para doon sa lupa na sinasakahan niyo diba?" nai-kwento rin kasi ng babae na hinuhulugan nito ng pera ang lupang sinasaka ng pamilya nito para maging sa kanila na nang tuluyan.
Ilang sandaling katahimikan pa ang namayani sa kanila bago tila sumusukong napabuntong-hininga ang kaibigan. "Fine. Tutulungan na kita, ako na rin ang mag-aayos sayo. Kelan ba raw kayo magkikita nung Mr. Z.A mo?"
"Sa sabado. Sabi ko alas sais ng gabi para medyo maaga pa, pumayag naman siya. Teka alam mo ba kung saan yung Peccati Di Gola?"
Literal na nasamid naman si Karen dahil sa sinabi niya.
"Peccati Di Gola?" tila hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.
"Oo, alam mo ba kung saan yun? Sabi niya doon raw kami magdi-dinner." parang familar nga sa kanya ang pangalan ng lugar, hindi lang niya maalala kung saan niya narinig o nakita.
"Gosh bes, mukhang bigtime nga iyang Mr. Z.A mo. Alam mo ba yung La Capitale? Malapit lang doon yung Peccati Di Gola, iyon 'yung high-end restaurant na nadadaanan natin Cass! Kadalasan puro VIP ang customers nila."
Natutop niya ang bibig nang maalala ang restaurant na tinutukoy ng kaibigan. Ngayon naalala na niya! Nakikita nga nila ang Peccati Di Gola kapag pumupunta sila sa La Capitale, ang pinakamalaking mall sa bansa, ni Karen kapag sinasamahan niya ang kaibigan mag-shopping.
Hindi pa siya nakapapasok doon dahil nga sa mukhang mamahalin ang mga pagkain, wala rin naman siyang pera pambili. Pero nangangarap din naman siyang mailibre sa ganoong uri ng restaurant ang pamilya niya.
"Teka, diba may trabaho ka sa sabado? Paano pala yun?" untag sa kanya ni Karen.
"'Yung sa coffee shop, nakipagpalit ako ng shift. Sa Dionysus naman nagpaalam na ako sa manager namin na hindi muna ako makakapasok."

BINABASA MO ANG
Zeus' Possession
RomansaDesperate for money, Cassandra found herself compelled to sign up for an app in search of the perfect 'sugar daddy' to fulfill her financial needs. What she didn't realize was that she would end up becoming the property of a ruthless bachelor tycoo...