MARAHANG pinunasan ni Cassandra ang pawis sa noo gamit ang panyo na dala. Araw ng linggo, wala siyang pasok sa school kaya ginugol niya ang oras sa paghahanap ng trabaho. Si Karen muna ang nagbabantay sa kapatid niya sa ospital kasama ang Papi niya.
Umupo muna siya sa bangketa matapos bumili ng bottled water. Inabot na siya ng tanghali pero wala pa rin siyang makitang trabaho. Sinubukan na rin niyang mag-aaply sa ilang bar bilang waitress pero bigo siya. Napagkamalan pa siyang mag-a-apply bilang nagbebenta ng aliw.
Sinubukan din niya sa mga fast food chains pero tatawagan na lang raw siya. Ultimong pagiging janitress sa isang kompanya sinubukan niyang mag-apply pero wala raw job hiring.
Nawawalan na tuloy siya ng pag-asa.
'Yung sa Sugardolls app naman, wala pa siyang ka-match. Halos mapudpod na nga ang daliri niya kaka-pindot sa 'find my match' button pero wala pa rin. Sabi naman ni Karen baka daw nagka-glitch lang, pero kahit anong hintay niya, wala pa rin.
Marahang ipinilig niya ang ulo nang makaramdam ng hilo. Inubos niya ang natitirang tubig sa bote na hawak niya, sinaid ang laman 'non. Pinagpagan niya ang pantalon ma suot, atsaka siya tumayo.
Kailangan niya magpatuloy sa paghahanap ng trabaho. Hindi siya pwedeng tumigil lalo na at siya lang ang inaasahan ng pamilya niya. Hindi pa nakakalayo si Cassandra mula sa bangketang inupuan nang mas tumindi ang hilo na nararamdaman niya.
Para siyang nanlalambot. Hindi na niya alam ang sunod na nangyari, umikot ang paningin niya, saka siya tuluyang nawalan ng malay.
-
Nagising si Cassandra sa hindi pamilyar na silid. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Doon niya napansin na may dextrose na nakakabit sa kanya. Nagtataka siyang inilibot ang tingin sa paligid. Puti at itim ang kulay ng wallpaper ng buong silid. Hindi naman iyon mukhang clinic o ospital.
Gawa sa salamin ang isang parte ng dingding ng kwarto kaya kita niya ang mga nag-tataasang gusali sa labas. Maliban sa kama, couch at sidetable, wala nang ibang gamit na nandoon sa kwarto.
"I'm glad that you're awake."
Napaigtad si Cassandra sa gulat, lalo na nang makita niya ang isang lalaki na kahuli-hulihang gusto niyang makita ulit.
Si Zeus Abraxas.
Nakapamulsa ang isang kamay nito habang nakasandig ang katawan sa bukas na pintuan. He's wearing a white long sleeve shirt na tiniklop nito hanggang siko ang mga manggas, bukas ang tatlong butones ng shirt nito kaya hindi mapigilang sumilip ang malapad na dibdib ng lalaki, he's wearing also a black pants and leather shoes. A usual office outfit.
"A-anong ginagawa ko dito?" ang huling naalala niya, bigla na lang siya nahimatay sa daan habang naghahanap siya ng trabaho.
"I'm on my way here in my office when I saw you fainted. Dito na lang kita dinala sa private room ng office ko since ito ang mas malapit, besides, may resident doctor at nurse naman kami dito na titingin sayo."
"Salamat. Babayaran ko na lang sa susunod iyong pinangpagamot mo sa akin. Idagdag mo sa utang ko sayo." napangiwi siya nang sapilitan niyang tanggalin sa kamay ang dextrose na nakakabit sa kanya. Bahagya pang nagdugo iyon.
"Peismatáris lagoudáki." he lowly chuckled. "Ganyan ba talaga kasama ang tingin mo sa akin? Lahat na lang ng ginagawa ko para sayo kailangan bayaran?"
"Bakit, hindi ba?" parehas silang natahimik. She cleared her throat, hinanap niya ang sapatos niya sa ibaba ng sahig. "Aalis na ako."
"Let's eat lunch first." maagap na saad ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Zeus' Possession
RomanceShe needs money. So Cassandra had no choice but to register on an app to find a suitable 'sugar daddy' for her needs. Little did she know, she will become the ruthless bachelor businessman's possession. She's Zeus Abraxas possession. - warning: R1...