20

71.7K 1.8K 184
                                        

DALAWANG linggo. Masasabi ni Cassandra na matagumpay na naiwasan niya si Zeus sa loob ng dalawang linggo. She ignored his text messages and calls. Kahit noong pinasundo pa siya nito kay Ellis sa department nila para pumunta sa opisina nito ay hindi niya ginawa.

Naiinis na nahihiya siya sa binata. Naiinis siya dito dahil sa mga sinabi nito sa kanya noong huli silang nag-usap at nahihiya naman siya dahil rin sa mga nasabi niya at pagkakasampal niya dito. Kaya hindi pa niya alam kung paano ito haharapin ng maayos.

Napaigtad siya sa gulat, mariing napakapit sa strap ng bag niya nang bumusina ang isang kotse sa harap niya habang naghihintay siya ng masasakyan sa waiting shed. Kakatapos lang kasi ng shift niya sa café kaya ginabi na siya ng uwi. Nagulat pa siya nang makita ang lalaking ilang araw nang laman ng isip niya nang bumaba ang bintana ng kotse.

"Can we talk?" tanong sa kanya ni Zeus. "Please?" dagdag pa nito. Bumaba ito sa sasakyan nito at saka siya pinagbuksan ng pinto. Nagdalawang isip pa siya kung sasama ba siya dito hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na naglalakad papasok sa shotgun seat ng sasakyan.

Parehas silang walang imik habang nasa biyahe. Hindi na siya nag-abala na magtanong kung saan siya nito dadalhin para raw kausapin. Hanggang sa makarating sila sa Peccati Di Gola, ang restaurant kung saan sila unang nagkita ng binata. Inakay siya nito papasok sa loob, they occupied a VIP room.

Hindi siya mapakali sa inuupuan niya dahil sa titig ni Zeus. Ni hindi nga niya ito masalubong ng tingin kaya mas pinagtuunan na lang niya ng pansin ang magandang panggabing tanawin sa labas ng glass wall ng restaurant.

"I'm sorry."

Bigla siyang napalingon kay Zeus. Bakas ang gulat at pagtataka sa mukha niya. Tumayo ang binata mula sa kinauupuan nito bitbit ang kopita ng alak sa kanang kamay nito, nakapamulsa itong tumingin sa tanawin na tinitignan niya kanina.

"I sincerely apologize for everything I said to you last time; I know I hurt you. I shouldn't have said those things. I even compared you to my despicable mother." bakas ang hinanakit sa boses ni Zeus sa huling mga sinabi nito.

"Z-Zeus..."

"I have to admit that I lied to you. I didn't actually come from Greece years ago to take care of my father before settling here in the Philippines. The truth is, Uncle Martin brought me here when I was just ten years old after he found me wandering around in Greece. This happened after my father took his own life due to depression, following the failure of his business and because my gold-digging mother left us for her new wealthy boyfriend."

Hindi alam ni Cassandra kung namamalikmata lang ba siya nang makita na dumaloy ang mga luha mula sa mga mata ni Zeus. Mabilis nitong pinalis iyon, saka diretsong tinungga ang laman ng baso na hawak nito.

He's deeply wounded. Ramdam niya ang hinanakit sa boses ng binata sa bawat salita na binitiwan nito. Lumapit siya sa kinatatayuan ng lalaki at walang pagdadalawang isip na niyakap niya ito mula sa likod.

"I'm sorry." anas niya. Humarap ito sa kanya at niyakap din siya nito ng mas mahigpit. Naramdaman pa niya na pinatakan siya nito ng halik sa ulo niya.

"I'm not sharing this to elicit your sympathy, o para patawarin mo ako sa mga nasabi ko sa'yo noong nakaraan. I'm sharing it because I want you to understand me better, especially during those times when I might come off as difficult. Uncle Martin wanted me to meet her, but I declined. I just really don't want to talk about or see that woman-my mother. I'm not ready for that yet."

"Naiintindihan ko na." Tumingala siya at sinalubong ang tingin nito. "Atsaka h-hindi naman ako n-naaawa sa'yo, nagso-sorry ako sa pagiging insensitive ko last time."

Zeus' Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon