11

70.9K 2K 238
                                    

"CONGRATS sa atin bes! At last! Road to on-job training na natin next sem!"

Natawa na lang si Cassandra habang yakap siya ng mahigpit ng kaibigan. Kakatapos lang kasi ng final defense nila para sa kanilang thesis. A few weeks later, mare-release na ang final grades nila. Then, short vacation bago ang

panibagong semester at umpisa ng OJT nila sa company na napili nila.

Sobrang saya nga ni Karen nang sinabi niya dito ang sinabi sa kanya ni Zeus na sa company na lang sila nito mag-o-OJT. Ayaw pa nga niya talaga noong una pero wala na siyang nagawa nang fill-up-an ng kaibigan ang form ng pangalan ng company kung saan nila napili mag-OJT ng hindi niya alam.

Sinabi na lang nito sa kanya ang tungkol doon nang maipasa na nito ang form sa adviser nila. Luka-luka talaga ang kaibigan niya. Na-pressure rin siya lalo na nang ma-approved at ma-finalized ang application nila.

Pero hindi bale, pagsusumikapan na lang niya. Ilang buwan lang naman iyon pagkatapos ay ga-graduate na sila.

"H-hi Cassy, ah, congrats pala sa final defense niyo."

Napangiti si Cassandra nang makita ang isa sa mga classmates nila ni Karen. He's nice, isa rin ito sa pinakamatalino at approachable sa lahat ng mga kaklase nila, kaya rin siguro magaan ang loob niya sa lalaki. "Salamat, Rob. Kayo rin, congrats sa inyo ng partner mo."

"'Naks naman Rob, may pa-congrats ha? Ako? Hindi mo babatiin? Partner kaya kami ni Cass doon sa thesis." pasimpleng siniko ni Cassandra si Karen, nakakalokong nginisian lang siya ng babae.

"Congrats din Karen." May inilabas si Rob na paperbag mula sa bag nito at iniabot sa kanya. "Para pala sayo Cass."

Alanganing inabot naman niya ang paperbag na ibinigay nito, nang silipin niya, puro iyon chocolates. And it looks expensive. "P-para saan 'to Rob?"

"H-ha? Kasi, kasi, galing ang mom ko sa Thailand and Singapore. She bought so many chocolates when she came home and I remember you, baka lang gusto mo ng chocolates?"

"Salamat dito."

"Ako, Rob? Wala ba akong chocolates? Bakit si Cass lang meron? Crush mo siya 'noh?" pinanlakihan niya ang mga mata nang kaibigan, ang lakas kasi mang-asar.

Napakamot sa batok nito si Rob, saka ulit ito nahihiyang tumingin sa kanya. "S-salamat. Ahm, Cass, may...may gagawin ka ba later after class? Maybe we can eat lunch together? P-pwede mo isama si Karen if you want?"

"H-ha? Kasi--"

"She can't. And she will never go out with you."

Sabay pa silang napasinghap ni Karen nang makita si Zeus na nasa likod nila. He looks like a model na naligaw sa loob ng university nila. He's wearing a black v-neck shirt na halos humakab sa matipunong katawan nito. He's also wearing a black pants that defining his thick thighs and long legs, with a pair of black leather shoes. Nakasampay naman sa balikat nito ang coat nito.

At kahit nakasuot ito ng shades, ramdam niya ang init ng tingin nito sa kanya. A loopside grin appeared to his lips. Lumapit ito sa kanya. His huge and calloused hands wrapped her waist.

Napaawang ang mga labi niya nang walang babala nitong patakan ng mabilis na halik. "Let's go, baby. I've missed you." anas nito. "Where's her things?" tanong nito kay Karen. Itinuro naman ng babae ang mga gamit niya na nasa bangko.

"Fvck off." matigas nitong sabi kay Rob nang mapadaan sa harap ng lalaki.

Kinuha nito ang bag niya at saka siya nito hinila palabas university. Dire-diretso lang ito sa paglalakad at hindi pinapansin ang mga estudyante na nakatingin sa kanila.

Zeus' Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon