"PAPI, kanino ho galing iyan?" gulat na tanong ni Cassandra sa ama nang makita ang napakaraming paperbags sa sala ng bahay nila. Sumaglit kasi siya sa bahay para sana kumain ng tanghalian bago ang shift niya sa coffee shop.
Maaga kasi silang na-dismiss sa klase dahil wala ang dalawang professor nila sa huling magkasunod na subject.
"Oh buti at nandito ka anak, eto nga't may nagpadala na naman ng mga gamit dito. Para raw sayo."
Halos manlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa paperbags nang malapitan ang mga iyon. Puro branded kasi iyon kagaya ng bags, damit, sapatos at make-up. Mas lalo siyang nagulat nang makita ang price tags ng bawat items na nadoon. Halos libo-libo ang halaga!
"Kanino raw ho galing Papi?"
"Hindi ko alam anak, pero eto may card na kasama." agad niyang kinuha ang card na inabot ng ama.
I can give you more than that. Agapiménos.
Walang nakalagay kung kanino nanggaling pero may hinala na siya. Sinasabi na nga ba niya at ang poncio na iyon ang may pakana.
Sigurado siya na sa lalaki rin galing ang lahat ng mga naunang pinadala sa bahay nila, pati na rin ang nagbayad ng tuition fees niya. Bakit ba hindi niya pinakinggan ang unang hinala niya? He's a billionaire! Kayang kaya nito gawin anuman ang gustuhin nito.
Agad niyang sinearch sa internet kung saan niya makikita si Zeus Abraxas, walang siyang nakita kung saan ito nakatira pero nakita niya ang kumpanya nito na nakabase sa Pilipinas. Kinuha niya ang address ng office nito.
"Aalis na ho ako, Papi." kinuha niya ang mga paperbags, kahit mabigat pinilit niya iyong binuhat.
"Teka, hindi ka ba muna kakain anak? Papasok ka na ba sa coffee shop?"
"Hindi na ho, isasauli ko lang ang mga 'to."
"Ha? Kanino? Kilala mo na kung sino ang nagbigay?"
"Oho pero saka ko na ho ipapaliwanag. Aalis na ho ako." bitbit ang mga paperbags ay lumabas na siya ng bahay nila. Buti na lang talaga at washday sa LCU kaya naka-jeans siya, hindi siya gaanong mahihirapang kumilos.
Pumara siya ng taxi dahil medyo may kalayuan ang pupuntahan niya, at isa pa, hindi siya pwede mag-commute dahil masyado siyang maraming dala. Hassle kung sasakay pa siya ng bus o jeep.
Ilang sandali pa huminto ang taxi sa isang mataas na building, matapos niya magbayad sa driver bumaba na siya. Pinasadahan niya pa ng tingin ang building bago pumasok sa loob.
Kimi pa siyang ngumiti sa guard bago siya dumiretso ng lakad sa reception desk. "Excuse miss, saan ko ho ba pwede makausap dito si Mister Zeus Abraxas?"
"May appointment ho ba kayo, miss?" balik tanong ng babae sa kanya. Sinuyod pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Pakiramdam niya tuloy bigla siyang nanliit. Isang simpleng itim na spaghetti strap sando na pinatungan niya ng long sleeve checked blouse at jeans ang suot niya. Idagdag pa ang madumi niyang shoes rubber shoes na pasira na rin.
"K-Kailangan pa ho ba 'nun? Sandali lang naman ako, may ibabalik lang akong mga gamit."
"Miss hindi pwede eh. Lalo na at yung CEO pa ang kailangan mo."
"Sige na ho sandali lang po talaga ako. May kailangan lang talaga akong ibalik sa kanya."
"Hindi talaga pwede miss, kung gusto mo magpa-appointment ka na lang pero hindi ko lang alam kung makakasingit ka sa schedule ni Sir."
Bumagsak ang mga balikat ni Cassandra sa narinig. Iniisip niya kung paano maibabalik sa lalaki ang mga binigay nito sa kanya.
Tawagan na lang kaya niya sa cellphone nito? Pero wala siyang number ng lalaki, naalala niyang iniwan niya ang calling card ni Zeus kay Karen. Tatanungin na lang niya siguro ang kaibigan kung naitabi pa nito ang numero ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Zeus' Possession
RomanceShe needs money. So Cassandra had no choice but to register on an app to find a suitable 'sugar daddy' for her needs. Little did she know, she will become the ruthless bachelor businessman's possession. She's Zeus Abraxas possession. - warning: R1...