21

66.8K 1.5K 158
                                    

CASSANDRA chuckled when Zeus suddenly snaked his arms on her waist and claimed her lips. Nasa labas sila ng kotse nito sa parking lot. Zeus insisted on taking her to the café, where she had her part-time job, so she just let him.

"At last, I already taste these luscious lips. I missed you, hindi mo ako sinabayan mag-lunch kanina." paghihimutok ni Zeus sa kanya. Pabiro niyang piningot ang ilong ng binata.

"Sorry na. Nagtatampo na kasi si Karen, ang tagal na kasi nung huli ako nakasabay ng lunch sa kanila."

"Then let's early dinner, magpa-take out na rin tayo para sa family mo. Is that okay with you?"

"Okay." She smiled. Maaga pa naman para sa shift niya sa café dahil maagang nagpauwi ng mga tauhan si Zeus sa office. Mabilis ulit siya nitong hinalikan sa labi bago siya pinagbuksan siya ng pintuan ng kotse. He started the engine of his car, then hold her hand, intertwine to hers.

Sa Pecatti de Gola ulit siya dinala ni Zeus. Sa Greek cuisine floor siya nito dinala that time. Ito na rin ang nag-order ng mga pagkain.

"You should try this marinated Greek beef souvlaki skewers, baby. It's my favorite dish here." sabi ni Zeus habang inilalagay pa siya sa plato ang pagkain. "Also this Makaronia Me Kima, it's actually, a Greek style spaghetti bolognese."

Hindi niya tuloy mapigilang matawa sa kakulitan ng binata. She doesn't know that he has a side like that. Para itong food critique slash historian. Ipinapaliwanag talaga nito sa kanya kung ano ang ingredients ng mga pagkain na in-order nito.

Napansin din niya na mula nang mag-confess ang lalaki sa kanya tungkol sa nakaraan nito, mas naging open sa kanya si Zeus. Mas naging smooth ang pagsasama nila, he became more sweet but possessive and clingy at the same time but she likes it.

"By the way baby, get ready for Thursday."

Napaangat tuloy siya ng tingin sa lalaki mula sa kinakain. "Bakit? Anong meron?"

"We're having a team building. Actually, ibibigay ko pa lang yung memo bukas since kakaayos lang namin ni Ellis ng schedules. Tatlong department ang naka-schedule kasama ang department niyo."

"Hindi ba nakakahiya? Intern lang naman kami, kailangan pa ba namin sumama?"

"Of course. Three days and two nights tayo doon. Nakapagpa-book na kami ng private resort. May shuttle na maghahatid sa kanila papunta doon sa resort."

"Sila?"

"Yes agapiménos, sila lang. Sa akin ka sasabay pagpunta doon." hindi na siya umimik dahil sigurado naman siya na hindi siya mananalo sa lalaki. Pagkatapos nila kumain, nagpa-take-out si Zeus ng mga pagkain. Inihatid siya nito sa bahay nila para ihatid sandali ang mga pagkain sa Papi at mga kapatid niya saka siya ulit inihatid ni Zeus papunta sa café kung saan siya nagta-trabaho.

"Call me when you're going home. I'll fetch you." bilin pa ni Zeus bago siya bumaba sa kotse nito.

"Cass!"

Napalingon siya sa likod nang may tumawag sa kanya. She gasped when she saw Louie, smiling while waving at her. Patakbong lumapit sa kanya ang lalaki.

"Louie? Hindi ka pa nakakauwi? Tapos na yung shift mo ah?"

"Ah, nagka-problema kasi sa schedule namin sa internship, kaya iyon, napilitan ako na rin ako makipagpalitan ng shift dito sa café. Pasok na tayo?"

Hindi pa siya nakakasagot nang may braso na pumaikot sa bewang niya. Nakita niya si Zeus na masama na naman ang tingin kay Louie. "Z-zeus, a-akala ko nakaalis ka na.." pasimple pa niyang nilingon ang kotse nito na maayos nang naka-park. Kinabahan siya dahil baka biglang manapak na naman ito.

Zeus' Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon