AGAD na nag-iwas ng tingin si Cassandra kay Zeus. She gathered all her strength to get off him, hanggang sa pakawalan nga siya ng binata. Umupo siya sa shotgun seat at inayos ang damit. "Paki-unlock ang pintuan, uuwi na ako. Saka na tayo mag-usap."
Pagak na tumawa si Zeus, he even raked his hair. "Fvck, there you are, you're getting stubborn again." saad nito. He opened the window of his car on his side. Kumuha ito ng sigarilyo, saka iyon sinindihan. "Gusto mong makipagmatigasan? Fine, I'm giving it to you. Hindi talaga kita papauwiin hangga't hindi mo sinasagot ang tanong--"
"May nakita akong picture mo, may kasama kang ibang babae. Kaya ba hindi mo ako nasundo sa café kagabi dahil busy ka sa kanya?" hindi na niya napigilan ang sarili. Pero parang pinagsisihan niya iyong sabihin nang nakakalokong ngumisi ang lalaki sa kanya. She can feel her face turning red. Parang gusto niyang lamunin ng lupa sa kahihiyan.
Tumikhim siya, muling nag-iwas ng tingin. "A-ang ibig kong sabihin, i-iyon nga, kung meron ka naman palang ibang babae, baka tama lang na itigil na natin ang deal natin. You're free to bed every woman you want if that happens."
Namayani ang katahimikan sa pagitan nila ng lalaki. Nang tignan niya ito, patuloy lang ito sa paninigarilyo, nakatukod ang isang siko sa hamba ng bintana habang nakatingin ito sa labas ng sasakyan nito. Wala na ang ngisi sa mga labi nito.
"Yes, I admit, I tried to fvck that woman, but--" he paused, tila iniisip ang susunod nitong sasabihin. Para namang may libo-libong karayom na tumusok sa puso niya sa narinig. Pinigilan niya ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. Nakakainis, why she even felt so hurt that moment?
"Damn it. Walang nangyari okay? Like I said, I tried pero walang nangyari. And I'm... I'm sorry if I failed to fetch you last night. Did you wait for me?"
"H-ha? Ano, h-hindi. Nang hindi ko makita yung sasakyan mo sa labas ng coffee shop umuwi na lang ako." pagsisinungaling niya.
"Nag-commute ka?" salubong ang mga kilay na tanong nito.
"Oo. K-kasabay ko naman si Louie."
"Fvck?! You're with him again? Remember the rule that--"
"You know what? Ang unfair mo. Ikaw free makipag 'almost sex' sa ibang babae habang ako kaibigan ko lang si Louie tapos pagbabawalan mo pa ako dahil lang sa rules mo?" gusto niyang palakpakan ang sarili at nasabi niya iyon sa lalaki ng hindi siya nauutal at hindi nai-intimidate rito.
"K-kung gusto m-mo na ituloy pa natin itong set-up natin, g-gusto ko na maging applicable rin sayo lahat ng rules mo na ibinigay sa akin. Just to be fair." dagdag pa niya.
Zeus stared at her. She doesn't know what's going inside his mind. Wala rin kasi siyang kahit anong emosyon na mababakas sa mukha nito. Bigla siyang napaisip, iyon na kaya 'yon? Tatapusin na kaya nito ng tuluyan ang deal nila dahil sa sinabi niya?
"Fine, as you wish baby." he finally said.
At hindi niya alam kung bakit parang nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang sagot nito.
-
"Kaninong bahay 'to?" tanong ni Cassandra kay Zeus. Akala niya dadalhin siya ng lalaki sa bahay nito pero mali siya, nagulat na lang siya nang pumasok ang sasakyan nito sa isang gate ilang bloke ang layo mula sa bahay nito.
Iginala niya ang tingin sa paligid. Pinaghalong kulay ecru at puti ang pintura ng bahay. Hinila siya ni Zeus papasok. Maganda ang interior, very cozy. Mayroon na ring ilang gamit doon tulad ng air-con, sofa set, flat screen television at iba pang furnitures.
She was almost startled when Zeus hugged her from her back. Ipinatong nito ang baba sa balikat niya.
"You like it? Ito 'yung house and lot na binili ko para sayo. Pinaayos ko lang ng kaunti para mas lalong gumanda." he said while started planting soft kisses on her neck.
BINABASA MO ANG
Zeus' Possession
RomanceShe needs money. So Cassandra had no choice but to register on an app to find a suitable 'sugar daddy' for her needs. Little did she know, she will become the ruthless bachelor businessman's possession. She's Zeus Abraxas possession. - warning: R1...