CASSANDRA was enjoying her fruit salad when she saw Mika. Taas-noong lumakad ang babae patungo sa kinauupuan ni Zeus. She's wearing a moss green swimsuit top and denim shorts exposing her perfect sun-kissed skin and long legs.
"My, oh, my, nagsisimula na naman siya." nabaling ang tingin niya kay Lorna na nakatingin din pala kina Mika.
"Who's that girl, ate Lorna?" tanong naman ni Karen.
"Si Mika iyan, the bitch on programming department. Patay na patay iyan kay Mr. Abraxas, hindi naman siya pinapansin. Diba Cass ka-teammate mo siya sa team building?"
Alanganin pa siyang tumango. Nang tumingin siya ulit sa table nila Zeus, nakaupo na si Mika sa harap ng binata. May sinasabi ito pero parang hindi naman nakikinig si Zeus. Si Ellis lang ang kumakausap sa babae.
"Balita sa akin ni Dennis, pinag-iinitan ka raw niyan. Baka threatened sa'yo." sabi naman sa kanya ni Robert.
"Pinag-initan ka bes? Anong sinabi sa'yo? Gusto mo resbakan natin?"
"Hindi na Karen. Maliit na bagay lang 'yun, wag na natin palakihin." pagkatapos nila kumain, nagdecide sila na lumabas na ng hotel at mag-swimming sa dagat. Sakto dahil kahit tanghali ay medyo makulimlim at hindi tirik na tirik ang araw.
"Take that off, bes. Kukunan kita ng picture, i-post mo sa IG mo." excited na sabi sa kanya ni Karen habang nakasilong sila sa sun lounger.
"Suot ba niya yung two-piece na binili natin, Karen?" tanong ni ate Susan. Malawak na ngumiti naman dito ang babae. Nice, mukhang pinagkakaisahan siya ng mga ito na hindi niya alam. Mukhang kahit si Lorna may alam tungkol sa swimsuit na suot niya.
"Yes ate. Bagay na bagay nga sa kanya eh. Siguradong maraming malalaglag ang panga."
"Tara na! Swimming na tayo!" yakag sa kanila ni Robert. Nauna pa itong tumakbo papunta sa dagat matapos magpahid ng sunscreen. She deeply sighed again, then started to take off her clothes, leaving her two-piece swimsuit. Nahihiya pa siya habang tumatawa nang sabay-sabay na pumalakpak ang tatlong babae.
"Sexy! Let's take a groufie." inilabas ni Karen ang cellphone nito para makapag picture sila. Sabay-sabay silang naglakad sa dalampasigan. Parang nawala ang kaba niya nang makarating sila sa tubig. Nagtampisaw sila sa tubig, sa mababaw na parte lang siya lumangoy dahil natatakot siya magpunta sa malalim.
Pagkaahon niya sa tubig, nagulat na lang siya nang may robang pumatong sa balikat niya. Her eyes widened when she saw Zeus. Madilim ang mukha ng lalaki, wala rin siyang kahit anong emosyon na mabasa sa abuhing mata nito.
"We will talk later, baby." bulong ng binata. Mabilis pa siya nitong hinalikan sa sentido niya bago naunang umalis.
"Lagot, mukhang may mai-spank later ah? baka mabuntis ka niyan ng wala sa oras ha? di pa tayo guma-graduate."
"Karen!" saway niya sa kaibigan. Tumawa lang ang babae at nanakbo pabalik sa sun lounger nila. Nahihiya lang siya na baka may ibang makarinig sa kanila at isa pa, alam naman ni Karen na naka-contraceptive shot siya. Trip lang talaga siya asarin ng kaibigan. Siya naman ay sa halip na kabahan, hindi niya mapigilang ma-excite. Parang hindi na siya nakapaghintay sa sinabi ng lalaki na 'later'.
-
Sumapit ang gabi. Nagdecide sila ni Karen na sumali sa bonfire ng mga kasali rin sa team building. Hindi naman siya uminom ng alak, juice lang hangga't maaari. Wala rin siyang nagawa kundi sumali lalo na nang maglaro ng spin-the-bottle ang mga kasama nila. Ayaw naman niyang matawag na killjoy lalo pa at mababait naman ang mga kasama nila, maliban na lang siguro kay Mika na matalim na naman ang tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Zeus' Possession
RomanceShe needs money. So Cassandra had no choice but to register on an app to find a suitable 'sugar daddy' for her needs. Little did she know, she will become the ruthless bachelor businessman's possession. She's Zeus Abraxas possession. - warning: R1...