Chapter 1

215 7 0
                                    

Escape With Idols Season 1 [SB19 Survival Series]

Chapter 1

Warning: Typographical and Grammatical Errors.
RATED M (MATURE +17). May Contain Intense Violence, blood and gore, Sexual Content And/Or Strong Language
____

Author's Point Of View

"Get in the zone, break! Hi we are SB19!" Sigaw ng limang lalaking nagpapakilala sa malaking stage dito sa loob ng isang Arena. Humiyaw naman ang mga fans sa baba ng stage at sinimulang iwagayway ang isang bagay na umiilaw. Lightstick.

Nagsimula ng sumayaw ang mga ito at mas lalong umingay sa loob ng stadium.

"Let's go Jah!" Sigaw ni Xiane na iwinawagay way din ang kaniyang Lightstick. Katabi niya ang mga kaibigan niya na todo rin sa pag cheer sa limang lalaking nagpeperform.

"Ang ingay ng A'Tin." Sigaw naman ni Andrea. "Go Stell!" Sigaw pa nito.

"Iba talaga A'Tin! Wooohh!" Sigaw din ni Wendy.

Iwinawagay way lang nina Cassandra at Francine ang kanilang mga lightstick habang nakatingin lang sa mga idols nila.

"Nagustuhan niyo ba 'yon A'Tin?!" Tanong ni Josh. Tapos na sila sa pagpeperform at nakikipagusap na lamang sila sa nga fans nila.

Sumagot naman ang mga fans ng "Oo" "Ang gwapo niyo" "I love you SB19"

Isang ngiti lang ang binigay nila sa mga fans.

"Mahal na mahal din namin kayo!" Sigaw ni Stell.

Lumapit naman si Tatang Robin sa mga lalaking nasa stage at may ibinulong sa kanila. Tila napalitan ng takot ang mga mukha nila.

Tumango tango naman ang limang lalaki.

"A'Tin. May problema po tayo. Sabi sa media may kumakalat na epidemya sa buong maynila ngayon. Wag kayong magpanic at dahan dahang lumabas sa buong stadium." Ani ni Pablo na may hawak na mic.

Agad na nabahala ang mga taong nandito sa loob. Maging sila Cassandra, Francine, Andrea, Wendy at Xiane ay bigla ding kinabahan. Agad na naglakad ang mga ito at sumunod lang sa mga guard na umaalalay sa iba pang mga fans.

"Z-zombie!" Umalingaw-ngaw ang sigaw ng isang naturang lalaki sa loob ng Arena.

Nabahala ang lahat kaya nagsitakbuhan naman paatras ang mga tao kasabay ng pagsigaw nila dahil nasa entrance mismo ang alingaw-ngaw at maaring mapunta na dito.

"Sumunod kayo sa'kin." Ani ni Cassandra sa mga kaibigan niya. Tumango naman ang mga ito. Tinulak ni Cassandra ang nga harang at sinunod naman ito ng apat.

"Sa pagkakaalam ko madaming exit ang buong lugar na ito. Kaya madali tayong makakalabas kung walang mga nakaharang sa mga dadaanan natin." Wika ni Cassandra. Tumatakbo na sila ngayon at may mga iilang tao silang kasabay sa dinadaanan nila.

Huminto si Andrea at kinuha ang isang baseball bat na mukhang nahulog nang kung sino.

Huminto rin ang apat niyang kasama at tinignan siya.

"We need weapons. Ugh! Kung sana dala ko lang ang mga baril ko." Ani nito. Si Andrea ay isang police at retired sa pagiging sundalo. Madami itong mga baril, dahil sa pangongolekta niya. Yup this is illegal pero lahat ng baril niya ay nakatago talaga sa isang tagong kwarto na siya lang ang may alam.

"You have guns?" Taong ni Cassandra.

"Of course I'm a police Cass. Kaya may baril ako." Sagot lang nito. "Here." Hinagis ni Andrea ang baseball bat kay Cassandra na agad naman niyang nasalo.

Escape With IdolsWhere stories live. Discover now