Chapter 4

108 5 1
                                    

Escape With Idols Season 1 [Survival Series]

Chapter 4

Warning: Typographical and Grammatical Errors.
RATED M (MATURE +17). May Contain Intense Violence, blood and gore, Sexual Content And/Or Strong Language
______

Andrea's Point Of View

Napatingin lang ako sa mga lalaking nagiisip ng plano ngayon. Nandito kami sa isang van na nahanap namin kanina paglabas namin ng Arena.

Sunod namang dumapo ang tingin ko kay Stell na tulalang nakatingin sa bintana.

Alam ko sa kanilang lima siya talaga ang matatakutin at kabado. Kaya medyo natatakot ako na baka ikapahamak niya 'yang takot niya.

Lumipat ako sa tabi niya at kinalabit siya.

"Stell?" Wika ko na ikinabaling ng attensyon niya sa'kin. Ngumiti ito ng bahagya kaya nginitian ko rin siya pabalik. "Ayos ka lang?" Tanong ko. Hindi ko naman pinansin ang ibang mga matang nakatingin na ngayon sa'min.

"Actually... Hindi sobra akong natatakot na baka may mangyari sa'kin, sa'tin." Takot na saad nito. Niyakap ko naman siya. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko lang siyang yakapin kahit mali pa yung ginagawa ko. Isang kalapastanganan ang yakapin ang isang Stell Ajero ng bigla bigla.

"Wag ka magalala, nandito ako para protektahan ka.." Wala sa sariling saad ko. Napabitaw naman ako sa yakapin ng mapagtanto ang sinabi ko. "I mean. Nandito ako para protektahan kayo." Ani ko. Nakita ko naman na tumawa siya kaya napangiti ako. "Ayieee napatawa kita." Madayang saad ko.

"Salamat." Ani niya. 'Yan dapat ngumiti ka lang ayaw na ayaw kong nalulungkot ka o natatakot. Ayaw ko sumimangot ang mukha mo gusto ko lagi kang nakangiti Ajero.

"You're welcome." Nakangiting saad ko naman.

Napatingin naman ako sa mga kasama namin na nakatingin lang din sa'min. Tinaasan ko naman ng kilay sina Cass, Francine, Wendy at Xiane. Hah! Ano papalag kayo? Gumalaw din kasi kayo.

Nagpatuloy naman sa pagpaplano ang mga lalaki na nakisali na rin si Stell.

"Siya nga pala. Pwede ba tayong pumunta sa bahay ko? May mga baril ako do'n na maari nating gamitin." Nabaling ang attensyon ng limang lalaki sa'kin.

"Talaga? Marami?" Tanong ni Josh. Tumango lang ako.

"Marami akong collection sa bahay lahat ng 'yon nakatago. Maari nating gamitin 'yon pati yung Humvee ko." Nakangiting wika ko sa kanila. Si Josh naman parang nanalo sa lotto sa mga ngiti niya.

Excited palibhasa baril ang pinaguusapan.

"Sige bahay niyo ang una nating pupuntahan." Wika ni Pablo. Tumango lang ko.

"May mga bala pa ba mga baril niyo?" Tanong ni Ken. Tinignan ko naman ang ammu ng baril ko. 6 Bullets left.

"Apat nalang yung akin." Ani ni Josh.

"Apat din akin." Ani ni Cassandra.

"Sa'kin anim pa." Ani ko naman.

"Lima pa bala nitong." Si Pablo.

Tumango tango naman si Ken.

"Ibigay ninyo ang iba niyong bala sa mga sharp shooter." Anito. Tumango naman sina Pablo at Josh tapos ay binigay sa'kin ni Pablo ang tatlo niyang bala bale dalawa nalang ang bala sa baril niya. Binigyan din ako ni Ken ng tatlo rin at iilan kay Cassandra. Si Josh naman binigay ang apat niyang bala kay Cassandra.

Escape With IdolsWhere stories live. Discover now