Escape With Idols Season 1 [Survival Series]
Chapter 3
Warning: Typographical and Grammatical Errors.
RATED M (MATURE +17). May Contain Intense Violence, blood and gore, Sexual Content And/Or Strong Language
_____Cassandra's Point Of View
"Sana talaga dala ko baril ko para may panlaban din ako..." Walang ganang wika ni Andrea.
Naglalakad nalang kami ngayon, malayo pa ang lalakarin namin para makarating sa Exit nitong Arena. Puro mga fast food restaurant ang nandito at may mga clothes shop.
"Magaling ka rin bang bumaril?" Napatingin ako sa katabi kong si Josh. Hala katabi ko pala siya kanina pa. Tumango naman ako sa kaniya
"Medyo, nag training din kasi ako kung paano humawak at gumamit ng baril dati doon sa training site nila Andrea." Sagot ko naman sa kaniya.
"Ahh siguro pro ka pagdating do'n 'no?" Tanong niya pa natawa naman ako.
Oo nag training ako pero medyo bano pa rin ako sa pag gamit no'n. Marami din akong alam na iba't ibang klase ng baril dahil din 'yon kay Andrea.
"Hindi naman. Gaya mo lang ako bano haha joke." Ani ko natawa rin siya sa sinabi ko.
"Hoy hindi ako bano ah nakasali na nga ako ng Competition eh 'di ba? And nanalo team namin." Pagmamayabang niya.
Naalala ko tuloy last month naglaro siya sa isang competition and nanalo ang team niya. Ang mas maangas pa do'n MVP siya ugh ang angas niya.
Bawat laro niya lagi siyang MVP pero minsan natatalo din siya pero hindi naman siya nagagalit or something.
Naalala ko tuloy nung 2020 yata 'yon birthday niya sabi nung lalaki na nagguest sa birthday niya. Magiging isa siyang Successful E Sport player soon at magpeperform daw sila Internationally. Nagkatotoo ang lahat ng 'yon. Naging professional E sport player siya at sumikat ang SB19 sa buong bansa.
I'm proud of them. Naalala ko rin yung first ever concert nila internationally umatend ako kasama sila Andrea sa U.S yata 'yon grabe naiyak ako ng sobra sobra do'n.
Nung time na 'yon sobrang proud akong naging pilipino ako at naging proud akong iwagayway ang Philippine Flag na dala ko no'n.
And they are the first filipino idol na nag perform internationally. 'Di ba nakakaproud talaga.
"Medyo nakakakaba naman dito." Nabaling ang attensyon ko kay Francine.
"Oo nga napakatahimik..." Ani naman ni Ken.
"Ihanda niyo mga armas niyo." Wika naman ni Josh na iniangat ang hawak niyang baseball bat.
Isang malalakas na ungol naman ah biglang umalingaw ngaw sa buong paligid na ikinatakot ko. Ano nanaman nangyayari?
"Sa likod nanggagaling yung ungol." Wika naman ni Pablo.
"W-we should run!!" Sigaw ni Francine.
Agad naman kaming tumakbo nang malapit na ang ungol. Hayop kailan ba matatapos 'to?
"Look guns!" Masayang wika ni Andrea. Huminto kaming lahat at pinulot naman nina Andrea, Pablo at Ken ang limang handgun na nahulog yata ng kung Sino dito.
"Josh!" Inihagis ni Ken ang isang baril kay Josh at nasalo niya naman ito.
"Cass!" Napatingin naman ako kay Andrea. Hinagis niya ang isang baril na hawak niya sa'kin. Nasalo ko rin ito.
YOU ARE READING
Escape With Idols
AventureIsang masaya at maingay na gabi lamang ang nangyayari sa loob ng Arena pero napalitan ito ng mga takot na sigawan nang mga tao dahil sa mga nakikita nila. Sina Cassandra, Francine, Andrea, Wendy at Xiane ay makakasama nina Josh, Pablo, Stell, Ken a...