Escape With Idols Season 1 [Survival Series]
Chapter 5
Warning: Typographical and Grammatical Errors.
RATED M (MATURE +17). May Contain Intense Violence, blood and gore, Sexual Content And/Or Strong Language____
Author's Point of View
Nang mapark na ni Pablo ang kotse sa tabi ng gas ay agad siyang bumaba pagkatapos ay nilagyan niya ng gas ang kotse niya.
Bumaba naman sina Justin at Stell para tignan ang paligid.
Agad na nahagip ng mata ni Stell ang palakad lakad na tatlong infected sa loob ng isang cafe sa di kalayuan. Hindi na niya lamang pinansin ito dahil baka hindi naman ito makalapit sa kanila.
Napatingin na lamang siya sa mini stop ng makarinig siya ng putok ng baril.
"Shit." Agad na tumakbo ito patungo roon at tinignan sina Cassandra na nakatayo lang tila nagulat.
Muli siyang napatingin sa cafe na mayroong mga infected at kinabahan ng makita na inuuntog na ng iba ang mga ulo nila para makalabas.
Agad na tumakbo si Stell patungo sa loob ng ministop at bumungad sa kaniya sina Josh at Cassandra na nakabantay sa pinto nito.
"Oh bakit nandito ka?" Tanong ni Josh.
"We need to get out of here. Parating ang mga iilang infected dito." Napalitan ng takot ang mga mukha ng dalawa at nagtungo sa mga kaibigan nila n busy sa pagkuha ng makakain.
Hinanap ng dalawang mata ni Stell si Andrea na at nang makita niya ito ay agad siyang lumapit dito. Hinawakan niya ang braso ng babae. Napaharap naman si Andrea at nagulat ng makita si Stell.
"Bakit nandito ka?" Tanong nito.
"Alis na tayo. May paparating na infected dito." May halong takot na saad ni Stell.
Tumango naman si Andrea at binitbit ang nakapatong na basket sa sahig. Kinuha niya rin ang nakapatong na baril niya at naglakad na paalis.
Nagkita kita naman ang mga ito sa pinto ng ministop at nagsensyasan.
Napatingin naman sila sa mga nilalang na papalapit na nga rito. Napaatras si Stell dahil natatakot nanaman siya. Napatingin naman si Andrea kay Stell ng bumitaw ito sa pagkakahawak ng mga kamay nila.
"Stell kalma..." Nagaalalang wika ni Andrea sa binata at hinawakan muli ang kamay nito.
"N-n-natatakot ako.." Takot na saad nito. Tinitigan naman siya sa mata ni Andrea at napatitig rin ang binata sa kaniya.
"Akong bahala sa'yo okay?" Nakangiting saad ni Andrea. Dahan dahan namang tumango si Stell kaya napangiti ng marahan ang dalaga bago binalingan muli ng tingin ang mga Infected na nasa harapan na ng pinto.
"Ang dami nila." Bulong ni Ken.
Agad namang lumingon si Cassandra sa paligid at naghanap ng pwedeng labasan.
Napangiti ito ng makita ang isang pinto na mukhang daan din palabas. Agad na kinalabit ni Cassandra si Josh at napalingon naman sa kanya si Josh.
"Bakit?" Tanong nito. Tinuro turo ni Cassandra ang pintong nakita niya at tumingin naman si Josh doon at ngumiti. Tumingin siya sa iba na nakatingin lang sa pinto ng ministop.
"Psst." Napalingon ang apat sa kaniya. Sinenyasan niya ang mga ito na magtungo sa pintong nakita nila.
Hinawakan ni Andrea ang kamay ni Stell at hinila ito sunod kila Ken at Francine na naglalakad na patungo sa pinto.
YOU ARE READING
Escape With Idols
AdventureIsang masaya at maingay na gabi lamang ang nangyayari sa loob ng Arena pero napalitan ito ng mga takot na sigawan nang mga tao dahil sa mga nakikita nila. Sina Cassandra, Francine, Andrea, Wendy at Xiane ay makakasama nina Josh, Pablo, Stell, Ken a...