Chapter 8

83 4 0
                                    

Escape With Idols Season 1 [Survival Series]
Chapter 8

Warning: Typographical and Grammatical Errors.
RATED M (MATURE +17). May Contain Intense Violence, blood and gore, Sexual Content And/Or Strong Language
___

Author's Point Of View

"Fuck! Fuck! Fuck! Pablo! Bilisan mo!" Sigaw ni Josh.

Agad namang itong sinunod ni Pablo at binilisan ang pagpapatakbo ng humvee. Agad namang tinutok ni Josh ang Machine Gun ng humvee sa mga infected na sobrang dami at pinaputukan ang mga ito.

Sunod sunod naman ang pagtumba ng mga ito, may mga nadadapa pang infected dahil sa mga natutumba pero patuloy pa rin sila sa paglalakad at pagtakbo mahabol lang ang humvee.

"Cass!" Tawag ni Andrea Kay Cassandra. Tumingin naman ito sa kaniya at nagsenyasan lang tapos ay pumwesto ulit sa mga pwesto nila kanina at tumulong na rin sa pagbaril sa mga papalapit na infected.

"Ang dami nila!" Sigaw ni Josh na tinigil na ang machine gun dahil umiinit na ito. Kinuha niya ang sniper niya at nagpatuloy sa pagpapaputok ng baril.

"Ken tulong!" Utos ni Andrea kay Ken. Agad namang kinuha ni Ken ang baril niya at ginaya ang dalawang babae. Gaya nila ay tinutok din ni Ken ang baril at pinaputukan ang mga ito.

Binilisan lalo ni Pablo ang pagpapatakbo ng kotse at patuloy lang sa pagbaril ang mga may hawak ng baril.

"One down, two down, three down, four, five, six down." Bulong ni Josh. "Bakit parang chill lang ako?" Tanong nito sa sarili niya at napailing bago tinutok ulit.

Patuloy lang sila sa pagbaril at patuloy din sa pagtumba ang iilang infected.

"Bakit hindi sila nauubos?" Tanong ni Ken habang nagpapaputok ng baril.

"Chill ka lang Ken mauubos rin ang mga 'yan.." Ani naman ni Josh.

"Hindi sila mauubos kailangan na rin silang iligaw!" Sigaw ni Francine. "Pablo iliko mo!" Ani nito.

Agad namang niliko ni Pablo ang kotse at tumama ang mga iilang infected sa isang pader. Pero Patuloy pa rin sila sa paghabol.

Kinuha ni Francine ang isang fireworks na nakita niya lang sa bahay ni Andrea. "Pablo, patayin mo ang ilaw ng humvee." Ani nito. Sinunod naman iyon ni Pablo, pinatay niya ang ilaw at sinindihan naman ni Francine ang hawak niyang firework. "Pag bilang ko ng tatlo iliko mo doon." Ani ni Francine, tumango lang si Pablo. "Isa, dalawa, tatlo!" Pinutok na niya ang fireworks padiretso sa dinaanan nila at kasabay no'n ang pagliko ni Pablo ng humvee.

Napatingin naman sina Josh sa mga infected na sinusundan ang mga ilaw ng fireworks.

"Wow, ang talino talaga." Manghang saad ni Andrea kay Francine. Ngumiti naman si Francine ng palihim.

"Sa wakas, may nagawa narin ako para sa'inyo." Bulong nito. "Pablo diretso ka lang diyan tapos may lilikuan pa tayo para makabalik sa daan kanina." Utos pa niya. Tumagngo lang si Pablo at sinunod ang utos ng babae.

"Tignan niyo." Napatingin ang lahat sa labas, nakikita nila ang isang hotel. Sikat na hotel ito sa buong bansa pero dahil lang sa isang pangyayari ang hotel na ito ay nasira ng husto.

"Maganda diyan, diyan kami minsan nagchecheck-in kapag may event kami malapit sa dito." Ani naman ni Justin.

"Sobrang ganda diyan." Ani naman ni Pablo.

"Sana kahit minsan nakapunta ako diyan, kaso hindi." Malungkot na saad ni Xiane.

"Wag ka magalala, pagdating natin doon for sure naman makakapunta tayo sa bagong siyodad. Kapag nangyari 'yon dadalhin kita sa pinakamagandang hotel." Ani pa ni Justin. Napatingin naman ang mga lalaki sa kaniya maliban kay Pablo na patuloy s apag dadrive.

"Bakit?" Kunot noong tanong ni Jah. Umiling lang ang mga nakatingin.

"Talaga ba Jah? Sige gusto ko 'yan." Nakangiting saad naman ni Xiane.

"Malayo pa pala 'to." Ani ni pablo ng mapagtanto na malayo pa sila sa Grandstand.

"Okay lang, wala naman tayong hinahabol na oras." Ani ni Francien sa kaniya. Napatingin si Francien sa mga natutulog niang kasama.

Halos sila Ken at Stell lang ang gising dito sa baba habang si Josh ay gising rin na nagmamasid sa taas.

"Josh? Ayos ka lang ba diyan?" Tanong ni Francien.

"Ayos pa naman." Sagot namna nito. Tumigin ulit si Josh sa scope ng kaniyang sniper at wala pa naman siyang nakikitang kakaiba kaya inilapag niya muna ang baril niya at tumingala sa langit.

"Why is this happening?" Tanong nito sa kawalan. "Kahapon lang ang saya saya ng mga tao, tapos sa isang iglap mawawala ang kasiyahan nila." Ani pa niya. Napabuga siya ng hangin at binalik ang tingin sa paligid.

"Josh? gusto mo ba ng tubig?" Tanong ni Francine.

"Sige, salamat." Sagot lang ni Josh.

Inabot naman ni Francine ang tubig sa kaniya at agad niya ito ng ininom. Naubos niya naman ang laman ng maliit na boteng iyon kaya itinapon niya sa kung saan.

"Pablo. Mabuti pa ihinto mo na muna dito para makatulog din kayo. Bukas nalang tayo bumiyahe." Ani ni Josh kay Pablo.

"Baka delikado Josh." Ani ni Pablo.

"Hindi 'yan. Ako bahalang magbantay you can sleep konting oras nalang naman ang biyahe natin at sobrang dilim na kaya dapat matulog na kayo."

"Paano ka?" Tanong ni Francine.

"I'm fine. Kung gusto kong matulog gisingin ko nalang isa sainyo." Sagot naman ni Josh.

"Okay. Sige." Ani lang Francine.

Sumunod nalang din si Pablo at inihinto ang kotse sa gilid katabi ng iba pang kotseng napagiwanan.

Nagsenyasan lang sina Pablo at Francine tsaka natulog.

Muling tinignan ni Josh ang paligid. "Mabuti, clear pa sa ngayon." Aniya.

____

To Be Continued...

Escape With IdolsWhere stories live. Discover now