Wendy's Point Of ViewISANG BUWAN narin ang nakalipas. Narito na kami sa bagong siyodad kung saan kami mamalagi.
Sa ngayon wala pa rin daw silang alam kung paano malulunasan ang sakit na kumalat o kaya kung paano ito maiiwasan. Wala pang vaccine about sa sakit na 'yon.
Kaya lumayo muna kami sa dating siyodad. Actually nandito kami sa U.S. Tinulungan kami ng U.S at dito kami pinamalagi.
Medyo okay pa naman ang buhay dito, kaso 'di tulad sa pilipinas mas maraming mga masasamang tao dito.
Ang SB19? Ayon dahil nga wala na si Ken, Yup, hindi na siya bumalik. Pero hindi ako naniniwala na patay na siya o kaya maging infected siya. Nangako siya sa'kin, alam ko magkikita pa kami.
_
Author's Point Of View
"Wendy!" Tawag nila Andrea at Xiane kay Wendy na nagaayos ng kusina.
"Nandito na pala kayo, kasama niyo ba sina Stell?" Tanong ni Wendy.
"Oo, nandiyan sa labas nagkakamustahan na akala mo tagal na hindi nagkita." Natatawang saad ni Andrea.
"Siya nga pala si France?" Tanong ni Xiane.
"Nasa kwento niya yata." Tumango lang si Xiane at umakyat sa taas para puntahan si Francine.
"Alam mo, grabi nakita ko si Josh at Cassandra. They kissed." Kinikilig na ani ni Andrea.
"Weh? Saan mo nakita?" Tanong naman ni Wendy.
"Last night nagpunta kasi kami sa isang bar for something tas 'di ko sinasadyang makita sila."
"Anong, hindi sinasadya?" Bigla namang sumulpot si Cassandra kaya kinabahan si Andrea.
"Hindi sinasadyang natapon ni Andrea yung kape na ibibigay ko sa kaniya kaya ayon pinupunasan ko..." Palusot naman ni Wendy at kinindatan si Andrea na ikinatawa ng babae.
"Ahh okay.."
Natawa naman sina Wendy at Andrea.
"Mahal..." Napatingin naman sila kay Stell na pumasok dito sa kusina. Umakbay naman ito kay Andrea.
Almost 1 Week ng sila ni Andrea. Si Josh at Cassandra naman ay two weeks mabilis kasi si Josh. Sina Justin at Xiane naman ay nagliligawan pa gano'n din si Pablo at Francine.
Samantalang si Wendy, ayon may hinihintay pa rin na 'di niya sigurado kung babalik pa.
Bigla namang sumulpot sina Francine at Xiane. Sumulpot din ang mga boys.
Hindi nagtagal ay kumain silang lahat ng sabay sa terrace.
"Alam niyo, hindi pa rin ako makapaniwala na nalagpasan natin ang pagsubok na 'yon." Ani ni Stell.
"Nagpapasalamat nga akong ngayon, hindi ka na matatakutin Stell." Asar naman ni Andrea sa kaniya.
"Hindi na. Nandiyan ka naman para protektahan ako eh." Anito at kinindatan pa si Andrea.
Nag "Ayiee" Naman ang lahat.
"Ikaw wendy, kamusta ka na?" Tanong ni Cassandra. "It's been 1 month since na nawala si Ken.." Dagdag pa nito.
"Cass.." Tawag sa kaniya ni Josh.
"It's okay. Ngayon siguro medyo masasaktan pa rin. Pero alam ko na babalik pa siya."
Wendy's Point Of View
Hindi 'man ngayon. Naniniwala ako balang araw babalik si Ken, sa buhay ko at sa buhay naming lahat.
Kung matagal pa mangyayari 'yon, ako na mismo ang babalik sa Pilipinas.
Babalikan ko si Ken, doon...
___
5 Months Later
Living buwan na naman ang nakalipas, heto ako naghihintay. Hindi ka na nga siguro babalik.
"Magmove ka na." 'Yang mga salitang iyan ang lagi ko ng naririnig sa mga magulang ko at kay Ate.
Hindi na nga siguro ako aasa na babalik pa si Ken. Pagod na akong maghintay, pagod na ako Ken.
Baka umaasa lang ako sa wala...
"Wendy!" Tawang sa'kin ni Ate Francine.
"Hmm?"
"Nandito na yung chopper ni Daddy." Anito kaya agad akong nagtungo sa labas at sinalubong sina daddy at ang mga kasama niya.
"Dad?" Aniko sa kaniya. Tumingin lang ito sa'kin at umiling dahilan para mapaupo ako sa lupa.
"Wala na talaga siya. Pinuntahan namin lahat ng lugar sa manila pero wala siya..." Ani pa niya.
"No... Hindi pa siya patay O kaya infected Dad.." Naluluhang wika ko.
"Sorry Anak. But you need to face the truth, hindi na babalik si Ken.." Anito. "He's totally gone..."
Doon na tumulo ang mga luha ko. Alam kong buhay pa siya, alam kong ang pagasa pa! Ken please bumalik ka na...
Napatingin ako kay Ate Francine ng hawakan niya ang balikat ko.
"You need to move on..."
"No! Ako nalang mismo ang pupunta do'n! Ako ang babalik do'n at ako na lang ang hahanap sa kaniya kung ayaw niyo siyang hanapin!" Aniko at tumakbo patungo sa kwarto ko.
Ken...
_____
Stell's Point Of View
Nandito ako ngayon kasama si Andrea sa isang cafe.
"Mahal?" Nabaling nag attensyon ko sa kaniya ng tawagin niya ako.
"Hmm?" Tanong ko.
"Bumalik na daw si uncle galing sa Manila at gano'n pa rin daw..." Anito.
Ilang buwan nanaman ang nakalipas at hindi ka parin nakikita. Ken.
We missed you so much, Suson. I hope makita pa kita, makita ka pa namin.
"Tingin mo, buhay pa siya?" Tanong ni Andrea na tila ikinahihina ko.
"For sure, buhay pa siya. Nangako siya kay Wendy kaya alam kong babalik siya.." Nakangiting ani ko.
Babalik ka pa nga ba, Ken?
___
Thank you for your support.
More Story In Here:
Facebook Page:
https://www.facebook.com/Zeileexwrites/Wattpad Account:
https://www.wattpad.com/user/Zeileex_writesFacebook Account:
https://www.facebook.com/zeileexwrites16/
YOU ARE READING
Escape With Idols
مغامرةIsang masaya at maingay na gabi lamang ang nangyayari sa loob ng Arena pero napalitan ito ng mga takot na sigawan nang mga tao dahil sa mga nakikita nila. Sina Cassandra, Francine, Andrea, Wendy at Xiane ay makakasama nina Josh, Pablo, Stell, Ken a...