Chapter 6

103 5 0
                                    

Escape With Idols Season 1 [Survival Series]
Chapter 6

Warning: Typographical and Grammatical Errors.
RATED M (MATURE +17). May Contain Intense Violence, blood and gore, Sexual Content And/Or Strong Language

____

Author's Point Of View

Inilapag nina Stell, Josh, Cassandra at Andrea ang mga baril sa sahig at napatingin naman ang mga nasa sofa.

"Woah." Manghang wika ni Wendy. Lumapit siya roon at hinawakan ang mga baril. "Sa'yo 'to?" Tanong niya kaya Andrea. Tumango naman si Andrea at ngumiti.

"Ang tanong. Bakit mo tinago sa'min na may mga ganyan ka pala sa bahay mo?" Bigla namang sumulpot si Francine at katabi niya naman si Pablo.

"Wala lang. Ayaw ko lang na malaman niyo kasi baka pagsinabi ko sa'inyo—"

"Baka isumbong ka namin?" Napabuga ng hangin si Andrea bago tumango.

"Tsaka ayaw ko na kapag nalaman 'to ng iba mapahamak kayo." Sagot niya naman.

"Oh tama na 'yan. Buti pa magisip nalang tayo ng plano." Sabat naman naman ni Pablo.

Napatahimik nalang ang dalawang babae at nakinig nalang kay Pablo na nagsisimula ng magsalita.

"So ganito ang plano natin makapunta sa grandstand." Inilahad ni Pablo ang isang mapa, mapa ng lugar nila na nakuha niya lang sa kung saan. "Nandito tayo ngayon." Itinuro niyo ang isang pulang tuldok. "Nandito naman ang grandstand." Itinuro niya naman ang  malaking bilog at ginuhitan ito ng pulang marker. "Tatlo lang ang posibleng daanan papunta doon. Una ito." Itinuro niya ang isang daan na nasa gawing kaliwa. "Ito yung dinaanan natin papunta dito, so ekis na 'tong daan na 'to dahil maraming infected diyan panigurado." Nilagyan niya ng ekis ang daan na 'to at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Dito naman itong dalawang daan na 'to hindi ko sigurado kung may infected ba diyan pero baka meron. Ang dadaanan lang natin yung pinakamalapit na daan. Which is ito." Itinuro niya ang pangatlong daan. "Kasi kung dito sa isang 'to tayo dadaan medyo malayo dahil madami pa yang pasikot sikot na dadaanan."

"So okay na tayo? doon nalang." Ani ni Josh.

"Ay hindi Josh, hindi." Pilosopong wika ni Justin na ikinatawa ng iba.

"Ah mamimilosopo ka pa talaga eh 'no." Inakbayan at kinutusan naman ni Josh si Justin.

"Tama na 'yan." Away ni Ken sa kanila.

"Pagusapan naman natin yung mga baril na nakuha niyo." Ani ni Xiane.

Tumango tango naman si Josh at ang ibang kumuha ng baril.

"Umpisahan mo na Josh Cullen." Utos ni Cassandra kay Josh. Tumango lang si Josh.

"So unahin natin itong crossbow." Kinuha niya ang crossbow at ibinigay ito kay Wendy. Nagulat naman si Wendy dahil hindi siya masyadong magaling sa ganito sa katana ayos pa siya pero sa mga baril hindi.

"Bakit sa'kin?" Tanong niya. Nginitian lang siya ni Josh at kinindatan.

"Bagay 'yan sa'yo. Wag ka magalala ituturo ko sa'yo kung paano 'yan." Muli itong kumindat.

"A-ako nalang magtuturo sa kaniya."  Sabat naman ni Ken. Ngumisi naman si Josh at tumango tango.

"Sige, galingan mo pagturo sa kaniya ah." Muling kumindat si Josh at inirapan naman siya ni Ken.

Escape With IdolsWhere stories live. Discover now