Som John Sawatee
KRRRIIINNNGGG....
KRRRIIINNNGGG....
Lumabas na ako ng banyo kahit hindi pa ako tapos magpunas ng katawan. Ibinalot ko lang ang towel sa aking ibaba para kunin ang aking cellphone - sino ba kasi ang tumatawag? hindi ba pwedeng mag antay ng reply.
Akin ng sinagot ang tawag at inilagay sa pagka speaker phone.
"Bakit?"
"Anung bakit? asan ka na ba? anong petsa na? inuugatan na kami dito kakaantay sayo!"
"Paalis na."
"Siguraduhin mo lang, 30-mins. pag wala kapa aalis na kami"
"Oo na. paalis na nga di...."
"Hello? hello? hello?. . . . F*cksh*t Thon!"Ibang klase talaga tong mga taong 'to. Sila na ang ng isturbo at hindi marunong mag antay pero ako ang pinatayan ng telepono. Kung hindi ko lang mga barkada baka binalian ko na sila ng leeg.
Kaya naman pinagpatuloy ko nalang ang pagbibihis; binuksan ko ang kabinet, namili ako ng susuotin. Kinuha ko ang pink shirt at black jacket, para sa pantalon naman ay black ripped jeans at ang sapatos - syempre isang white rubber shoes. Agad na akong nagbihis at tiningnan ulit ang aking sarili sa salamin, nagpacute at nag pose na parang isang model sa isang magazine. So! Let's party!
Ako nga pala si Som John Sawadee, isang Architecture student. Madalas ako at ang barkada na naiimbitahan sa mga party, dati naman hindi namin gaano pinapansin ang mga ganitong invitation pero habang tumatagal at napapadalas wala na din kaming magawa kung hindi puntahan ang bawat party na invited kami. Paraan na din namin ito para makapag pahinga sa nakaka stress na pag aaral.
Hindi naman porket madalas kami sa party ay mga chickboy na kami, hindi ganoon yun. Let me explain, ang party ay hindi kumpleto pag walang hot and sexy girls, tama ba? Hindi naman pwedeng pababayaan nalang sila at hindi aasikasuhin, so you need to give the best service you can offer and do it to make them happy. Ok ba?
Lumabas na ako ng unit at pasipol sipol na nag lakad papuntang elevator. Ngunit bago ko pa mapindot ang down button nagbukas na ito bigla at may lumabas na isang taong karton este taong may dalang karton at may malaking bag sa kanyang balikat. Ako na ang umiwas sakanya dahil maaaring masagi pa ako at madumihan.
Pero sa tingin ko kailangan nya ng tulong, makakapaglakad ba sya ng maayos na ganyan kalaki ang dala nya? Pwede namang gumamit ng malaking maleta, bakit hindi yun ang ginamit nya?
"Kailangan mo ng tulong?"
"Hindi."
"Sigurado ka?"
"OO."
"Fine."
End of conversation.Anung magagawa ko kung isang tanong isang sagot, ang taong yun. Kung ayaw nya ng tulong 'edi wag at inalis ko na ang tingin ko sakanya.
Pinindot ko na ang down button ng elevator para makababa na. Habang nasa elevator, minabuti kong i check ulit ang aking sarili - chineck ang buhok, mukha, damit kasama na ang jacket, pantalon at sapatos; ng may napansin ako sa repleksyon. Napatingin ako sa ibaba at dinampot ang bagay na yun - isang bracelet. Isang bracelet na may pendat na rectangular bar na may nakasulat ng VE. Ano to kalahati lang?
Pangalan ba ito - VE? Sino naman kaya ang nakahulog nito?
Siguro naman hindi masamang hihiramin ko muna ito at isusuot, bukas ko nalang hahanapin kong sino man ang may ari nito.
Sandali nga, anong oras naba?
Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa.
"Ay sh*t yari!"
*****My_Heart_Found_You*****
BINABASA MO ANG
My Heart Found You [BL] ✔️completed
Fanfiction"Posible bang makita ng puso ang hindi makita ng mga mata? Posible bang matulungan ng puso ang matang nabubulagan ng pagkalito, takot at pag-aalinlangan?" *UNEDITED* SD: 4/6/2021 ED: 5/29/2021