Kabanata XXIII

128 8 0
                                    

Pumayag na din si Phom sa request ni Som sakanya, na itutor sya ulit para sa darating na final exam. Kahit nag aalangan ay pumayag na din sya, kahit na mismong si Paya ay hindi pumayag tungkol dito. Iniisip nalang ni Phon na, tumatanaw lang sya ng isang pasasalamat sa kaibigan.

Araw araw pagtapos ng kanilang klase nagkikita sila Som at Phon para sa tutoring class at may pagkakataong sumasama naman sila Mhong at Thon sakanila.

Ngayong araw nagkasundo silang apat na sa library mag aral, para makakuha na din ng iba pang lecture reference. Naunang dumating si Som, kaya humanap na sya ng magandang pwesto - yung sa hindi gaanong dinadaanan ng ibang estudyante at malapit sa airconditioning. At hindi nagtagal dumating na din si Phon, hindi sya nahirapan na hanapin kung nasaan si Som dahil kilala na nya ito pag nasa library.

Phon: oy Som, ikaw palang? nasaan sila?

Som: (lumingon muna sa kanyang kanan at kaliwa) Mukha ba akong may kasama na?

Phon: HA...HA...HA.. kahit kailan ka talaga (masungit nyang salita)

Ibinaba ni Phon ang kanyang gamit sa bakanteng upuan sa harap ni Som, saka umalis para kumuha ng ilang mga libro, habang inaantay pa sila Mhong at Thon. Tiningnan lang din sya ni Som na umalis habang nakapangalumbaba ito.

Som: Ang cute mo talaga mapikon (pangiti ngit nyang salita)

Ng makabalik si Phon, bitbit na nya ang tatlong libro na pwede nilang magamit ngunit wala pa din ang dalawa. Naabutan nyang nakapikit na si Som habang nakapangalumbaba.

Phon: Kaya naman pala dito sa library ang gusto, gusto malamig pag natulog. Tsk.

Dahan dahan nyang ibinaba sa lamesa ang mga libro at umupo sa tapat ni Som. Gigisingin sana ni Phon si Som para makapag umpisa na sila habang inaantay ang dalawang kaibigan, ngunit natigilan sya ng matingnan ng malapitan ang mukha ni Som.


[Phon POV]
Nakakaidlip ka ba talaga sa ganyang lagay? . . . Ang ganda ng mukha mo, ngayon lang ata kitang nakita ng ganito kalapit at ka kalmado ang itsura, nakakagaan ka ng loob tingnan. Kaya naman hindi matatanggi na kilala ka talaga dito sa Department natin, maraming babae ang napapatingin at nagkakagusto sayo - you have charming looks, ang kinis ng mukha mo, nakaka attract yang kilay mo, yung maganda mong ilong, ang ganda ng hugis ng mukha mo, yang labi mo, yang ngiti mo, alam mo bang.......
[end of POV]



Som: mas gwapo ba ako in a close up shot? (dahan dahang binuksan ni Som ang kanyang mga mata at ngumiti) Hinay hinay lang baka bigla kang ma fall.

Hindi agad naka galaw si Phon sa pagkabigla, natitigan nya pa ng malapitan si Som. At dinig na dinig nya pa ang lakas ng kabog ng puso nya na bumabasag sa tahimik na paligid.

Ng ibinaba na ni Som ang kamay na nakapangalumbaba saka lang nakapag isip si Phon ng maayos. Agad niyang kinuha ang librong na nasa tabi nya, binuksan nya ito ng nakapatayo para matakpan ang kanyang mukha at kunyaring may hinahanap na lecture sa libro.

Hindi naman mapigilan ni Som na matawa sa nakita nyang reaction sa mukha ni Phon. Ang librong nakaharang sa pagitan nilang dalawa, ay kanyang hinawakan at unti unti nyang ibinaba sa lamesa.

Som: Anong nangyayari sayo? nag uusap lang naman tayo diba? Bakit namumula ka dyan? (pag aasar nya pang salita)

Phon: (hindi nya magawang tingnan si Som ng diretsu dahil sa nangyari) A-anong si-sinasabi mo dyan? may hinahanap akong topic. Mag aral ka na din, pwede.?

Som: Talaga ba? alam mo minsan kahit gaano katalino ang isang tao hindi sya makaka pagbasa ng maayos pag nakabaliktad ang libro (inikot nya ang libro at inayos nyang hinarap kay Phon) ayan! ayos na, mag basa ka na ng maayos (nakangiti nyang salita)

My Heart Found You [BL] ✔️completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon