Som: nakakapikon! badtrip! Anong gagawin ko kung hindi ako makasabay sa klase? Kung makapagsalita akala mo sila lang ang nagpapakahirap sa project. Wala ba akong inambag? parang mga hindi kaibigan. Nakakaasar!
Dahil sa inis, lumabas na ng classroom si Som, dire diretsu syang naglakad at hindi manlang nilingon ang mga kaibigan. Nagpasya syang mag aaral nalang muna mag isa.
Pumunta sya sa library para kumuha ng mga reference books, bumili na din ng pagkain sa cafeteria at umakyat sa rooftop ng department building nila para doon mag aral at tapusin ang mga activity nya. Kahit alam nyang pinagbabawal ang pag akyat sa rooftop ng walang pahintulot, madalas pa din syang pumupunta dito.
Maaliwalas ngunit mainet ang panahon ngayon, nakakasilaw ang liwanag ng paligid. Kaya naman inayos nya ang mga nakatambak na upuan at lamesa sa lugar na hindi gaano mainet at doon inilagay ang kanyang dalang mga gamit. Habang kumakaen, seryosong nag aaral si Som para sa afternoon class nila. Kailangan nyang maipasa ang test nila ngayong hapon dahil gusto nyang makita nila Mhong at Thon na may kaya syang gawin mag isa.
Nang makasiguradong na review na nya ang lahat, ang activity naman sa design class ang ginawa nya. Ang activity na pinagtatalunan nilang magkakaibigan.
Som: Bakit ba kasi ang hirap mong gawin. Tsk.
Pinagbubuti ni Som ang pag gawa ngunit nauuwi padin sa hindi maganda ang kinakalabasan. Kahit anung isip nya hindi padin nagiging maayos ang kinalalabasan ng ginagawa nya.
sulat.punit.tapon!
sulat.punit.tapon!
sulat.punit.tapon!Ang paulit ulit na ginagawa ni Som, ang papel nyang kanina ay makapal pa ay ngayon halos paubos na. Dahil sa pag kainis, halos maitapon na ni Som ang mga gamit na nasa harapan nya. Kaya naman sumandal muna sya para pansamantalang magpahinga, ng bigla nyang maalala yung librong hiniram nya sa library. Agad syang napangiti at inayos ulit ang mga gamit sa mesa para simulan ulit ang pag gawa.
Som: Siguro naman hindi ito mahahalata. Hindi ko naman kukupyahin ang lahat, may kaunti lang akong babaguhin (salita nya sa kanyang sarili)
Ngunit bago pa maiguhit ni Som ang unang linya sa kanyang papel, ay may kung sinong nagsalita mula sa kabilang side ng mga sirang upuan.
Lalaki: Sigurado kang gagawin mu yan?
Som: Ay sh*t! kabayo ka!
Sa gulat ni Som ay bigla syang napatayo sa kanyang kinauupuan at naitulak ang ibang mga gamit dahilan para magkalat na ito ngayon.
Lalaki: Sinong kabayo? (At nagpalinga linga ang lalaki na parang may hinahanap)
Som: T*ng*na, sino kaba? paano ka napunta dyan? bakit kaba nang gugulat!
Lalaki: napakadami mo namang tanong.
Lumakad ang lalaki papalapit kay Som at umupo sa tabi nito, habang hawak ang mga papel na kanina ay itinapon na ito. At saka nya isa isa nyang tiningnan ang mga nakaguhit sa bawat papel.
Som: Anong ginagawa mo?
Lalaki: tutulungan ka (sumagot ang lalaki, ngunit hindi manlang tiningnan si Som)
Som: Sinong may sabi na kailangan ko ang tulong mo?
Lalaki: anong oras na?
Som: Oras? (tumingin muna sya sa kanyang relo) 1:30 na. bakit?
Lalaki: ballpen, yung red (sabay angat ng kanyang kaliwang kamay, nag aantay sya sa iaabot ni Som)
Som: bahala ka dyan!
Tatalikuran na sana ni Som ang lalaki ngunit bago nya pa ito nagawa ay nahawakan na sya nito sa kamay, na kanya namang kinabigla. Sa pagkakahawak nito sakanya ay nakaramdam sya ng kakaiba - na para bang isang kuryente na gumapang sa kanyang buong katawan, ni hindi sya nakatanggi sa pagkakahawak nito.
Lalaki: Hawak muna, ayaw mo pang iabot.
Hindi agad nakapagsalita si Som, nablanko ang kanyang isipan kaya naman kinuha nalang ng lalaki sa kamay nya ang ballpeng hinihingi. Pagkakuha ay agad na nyang inayos ang mga design na kanina ay tinapon na ni Som.
Lalaki: tatayo ka lang ba dyan? umupo ka dito para makita mo kung paano ko gagawin ito para hindi kana mahirapan mamaya (hindi man sya nakatingin kay Som habang nagsasalita ngunit makikitang sincere ang pagtulong nya)
Som: Huuh.. A.. E.. oo sige (nauutal na sagot nya)
Kahit nahihiya ay sumunod pa din si Som. Dahan dahan syang umupo sa upuang katabi ng lalaking tumutulong sakanya. Namamangha si Som kung paano nito inaayos ang gawa nya na kanina na itinapon na nya. Habang nakatingin sa kanyang ginagawa, hindi din maiwasan ni Som na hindi mapatingin sa mukha ng lalaki - namangha sya kung gaano ka amo ang mukha nito sa malapitan.
Napapatitig si Som habang nakatingin sakanya - sa makinis nitong mukha, sa matangos na ilong at sa mapupulang labi; kakaibang saya ang nararamdaman ng kanyang puso.
Lalaki: Tapos na. Iayos mo nalang ito, at para naman sa measurement lakihan mu nalang yung scale (napatingin sya kay Som dahil wala syang naririnig na reaction galing dito) may problema ba?
Som: huh? A..E.. wala naman.. Ano ... Kasi... Pawis (sabay turo sa pisngi ng lalaki) pinagpapawisan kana. Mainet na masyado.
Lalaki: Aah.. OK. Ito na. Hayaan mo na yan, pawis lang pala... tapusin mo na 'to (sabay abot ng mga papel kay Som)
KRINGGGGG.....
Tumayo ang lalaki at humakbang papalayo para sagutin ang tawag nya. Ng matapos makipag usap humarap ito kay Som at nagpaalam na.
Lalaki: Huwag mo na ulit dadayain ang design na ipapasa mo. At galing pa talaga sa libro. Tsk. Sige mauuna na ako, tapusin mo na yan. Late na yan.
Nagpasalamat naman si Som sa tulong nito at tiningnan syang naglakad palabas ng rooftop.
Nang makaalis na ang lalaki, tiningnan ni Som ang ginawa nitong design. Napapangiti syang tinititigan ito - may kung anong sayang nararamdaman ang kanyang puso habang inaalala kong paano ginawa ng misteryosong lalaking yun, ang project na kailangan nya ng ipasa.
Ngunit ilang sagli lang, para syang nagising sa isang panaginip - binitawan nya ang papel at saka napapailing.
Som: Hoy Som! Ano bang ginagawa mo!? Umayos ka nga! nakakahiya ka! (sabay palo ng papel sa ulo nya).
Minabuti nalang ni Som na ipagpatuloy na ang ginagawa. Sinundan nya ng maayos ang draft na ginawa hanggang sa matapos nya na lahat.
*****My_Heart_Found_You*****
![](https://img.wattpad.com/cover/263254686-288-k337440.jpg)
BINABASA MO ANG
My Heart Found You [BL] ✔️completed
Fanfiction"Posible bang makita ng puso ang hindi makita ng mga mata? Posible bang matulungan ng puso ang matang nabubulagan ng pagkalito, takot at pag-aalinlangan?" *UNEDITED* SD: 4/6/2021 ED: 5/29/2021