Kabanata VIII

194 11 0
                                    

Tapos na ang tutoring class ni Phon. Habang inililigpit ang gamit ay palinga-linga sya sa paligid. Sinabihan nya si Paya na sa campus sila magkikita pagtapos ng klase ngunit walang sagot ang kanyang kaibigan. Maya maya pa ay may kung sinung nagsalita mula sa kanyang likuran na kanyang kinagulat.

Paya: Namiss mo ba ako baby?

Sa pagkabigla ni Phon ay napalo nya ng notebook si Paya.

Paya: Aray naman!

Phon: Paya? Bakit ba kasi ang hilig mong manggulat (pagtatakang tanong nya)

Umupo muna si Paya, hinawakan ang parte ng braso kung saan tumama ang notebook ni Phon.

Paya: Ikaw bawas bawasan mo ang pagkakape, lagi ka nalang nagugulat (masungit nyang salita) Ngayon, nananakit ka na din (dagdag pa nya)

Kaya naman minabuti ni Phon na umupo sa tabi ng kaibigan para humingi ng pasensya. Sumandal sya ng bahagya sa braso ni Paya at ipinatong ang kanyang ulo sa balikat ng kaibigan. Sinabayan pa nya ng ngiting nag papa awa.

Phon: Sorry na please.

Paya: Kiss mo muna ako (sabay lapit ng nguso sa kaibigan)

Dahil kabisado na ni Phon ang galaw ng kaibigan, inaasahan nya na ang ganitong reaction galing kay Paya. Kaya naman agad nyang kinuha ang isang basong inumin sa mesa at pinainom kay Paya.

Phon: Ayan i-kiss mo. Tagalan mo pa (sabay tawa)

Dahil sa pagkakasubo ng straw diretsu sa kanyang bibig, wala ng nagawa si Paya kung hindi inumin nalang ang juice. Nag-enjoy naman sya lasa kaya halos maubos na nya ang laman ng baso.

Phon: Mabuti naman nagustuhan mo. At dahil dyan, ito sayo na 'to lahat (sabay abot ng tatlong paper bag sa kaibigan)

Kinuha naman ni Paya ang mga ito at isa isang tiningnan ang laman. Hindi nya naitago ang pagkatuwa ng makita ang laman ng bawat paper bag.

Paya: Wow! Cakes. chocolates. Totoo saakin nalang? (sabay tingin kay Phon)

Ngunit ang ngiti ni Paya ay napalitan kaagad ng masamang tingin - tingin ng pagdududa. Inilapit nya ang kanyang mukha kay Phon at tiningnan ito ng diretsu sa mata.

Paya: Magsabi ka nga ng totoo, may nanliligaw ba sayo?

Nabigla si Phon sa naging reaksyon ni Paya. Tumayo sya at nagpaliwanag.

Phon: Ano kaba? tulad pa din ng dati - bigay ng ilang student ko at yung iba bigay ng kung sinung kakilala.

Tumayo na din si Paya at humarap kay Phon na hindi binabago ang expresyon ng kanyang mukha.

Phon: Hay nako! ayan ka na naman sa mga hinala mo. Tara na nga umalis na tayo.

Kinuha na ni Phon ang kanyang bag at iba pang mga gamit. Pinasuot nya na din kay Paya ang bag nito. Nang maayos na ay hinawakan na nya ang kamay ng kaibigan at saka sabay silang naglakad palabas ng campus.



-----------------------


Sa kabilang banda...

Ang magkakaibigang Som, Mhong at Thon ay pumunta sa mall pagtapos ng kanilang klase para bumili ng materials na gagamitin nila para sa kanilang design class.

Ng makasiguradong nabili na nila ang lahat ay napagkasunduan nilang kumain na muna bago sila umuwi. Kumain ang magkakaibigan sa paborito nilang kainan - umorder ng paborito nilang pagkaen at desserts.

My Heart Found You [BL] ✔️completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon