Kabanata XXVIII

137 7 0
                                    

Ang family dinner ng pamilya ang naging daan para mag kausap ang mag amang Pawadee - maipaliwanag ang sarili sa bawat isa, makahingi ng kapatawaran sa pagkakamaling nagawa at handang magpatawad at tumanggap muli. 


Ito ang nag silbing pinaka magandang regalo na natanggap ng mag ama. 


Ms. Lora: Phon, are you sure you will go home tonight? there are guest rooms available, pwede kayong mag overnight ni Som dito and go home tomorrow.

Phon: Salamat Tita, pero kasi hindi ako sanay na hindi nakikita si Mama bago matulog. 

Ms. Lora: I see. Valid naman pala ang reason (sabay ngiti sa anak), but kailangan ihatid kayo ng driver, no more reasons. 

Phon: (bigla nyang binigyan ng yakap ang kanyang Tita) Si Tita Lora talaga, masyadong nag aalala. Sige na nga po. 


--------------------


Sa kabilang banda.

Pagtapos mag ayos ng sarili ni Som, napadaan sya sa kusina kung saan nakita nyang nagtitimpla ng maiinum si Mr. Pawadee. 

Som: Sir, ang bango naman po nyan.
 

Architect Pawadee: Ikaw pala Som, Mocha coffee, gusto mo? 

Som: Nga po pala, Maraming salamat sa pag imbita saakin dito, Happy Birthday po ulit. 

Architect Pawadee: Wala yun, family dinner naman ito. Kaya dapat invited ka. Kumuha ka dito, tikman mo masarap.

Som: oo nga po Sir... family dinner? Hehe (tumawa nalang sya ng bahagya dahil hindi nya gaanong naintindihan ang gustong ipunto ni Mr. Pawadee) 

Architect Pawadee: Si Lora tinatawag mong Tita, kaya Tito nalang din ang itawag mo saakin. 

Som: Sige po Sir, ay sorry. Sige po Tito. Nga po pala, mas ok po ang lasa ng mocha coffee kung lalagyan nyo po ng kaunting cinnamon. 

Architect Pawadee: Talaga ba? can you do that for me? 

Som: Pwedeng pwede po Tito, hiramin ko po muna ang kape nyo. 

Architect Pawadee: Ito (saka iniabot ang tasa ng kapeng kanyang hawak), hindi ko nga lang alam kung nasaan banda dito ang cinnamon.


Napangiti nalang si Som sa sinabi ni Mr. Pawadee, dahil naka pag luto na sya sa kusina itong kanina alam na nya kung saan saan makikita ang mga kakailanganin nya. Ang simpleng Mocha Coffee ay dinagdagan nya ng kaunting low-fat milk at cinnamon na nagpadagdag ng mabangong aroma at nakakatakam ng kulay nito. At naghanda din sya ng isa pa, para sa kanyang sarili.


Architect Pawadee: Wow! impressive ang lasa. Hindi lang sa pagkain pati sa coffee magaling ka Som. 

Som: Salamat po at nagustuhan nyo Tito.

Architect Pawadee: If this is your talent, why you choose Architecture? Sabagay, Food industry and Architecture, you can combine it. 

Som: Actually po, simpleng restaurant ang family business namin, ang pagkuha ko naman po ng Architecture ay (huminga muna sya ng malalim bago sumagot) ibang usapan na po, wala sa plano. Kailangan lang po talaga (natatawa nyang salita)

Architect Pawadee: OK, but whatever reason it is, do not forget where you will be happy, being happy and content will ease the heavy burden of life. Ma eenjoy mo ang buhay pag masaya ka sa ginagawa mo. 

My Heart Found You [BL] ✔️completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon