Pagtapos makausap ni Som si Paya ay nagpasya na syang umuwi.
Habang naglalakad ay nag iisip sya ng kung anong magandang bilhin para may maiabot kay Phon - isang thank you gift para sa pagpayag na maging tutor nya.
Naisipan ni Som na dumaan muna sa paborito nyang pastry shop.
Som: Mahilig kaya sya sa cake?
Isa isang tiningnan ni Som ang mga available na cake na mayroon ang shop ngayon.
Crew: Yes Sir, good afternoon. May napili na ba kayong flavor?
Som: Ano bang pwede mong i recommend saakin?
Crew: Try our black forest heart cake Sir, siguradong magugustuhan ito ng girlfriend nyo po.
Som: Hindi, guy friend ang pagbibigyan ko. Served as thank you gift lang.
Crew: Try our red velvet cake Sir, fit po in any occasion.
Som: Red velvet? (naalala ni Som na mahilig si Phon sa blue lemonade, kaya posibleng mahilig din ito sa cake na may shade of blue) Ahm. How about Blueberry kaya, my available?
Agad namang kinuha ng store crew ang order na cake ni Som. Pagkakita palang ay napangiti na sya at agad na pina box ang cake.
Som: Hope you like it.
--------------------
Si Phon Pawadee ay galing sa isang mayamang pamilya. Ang kanyang ama ay isang Architect, kilala sa pag de design ng mga malalaki at state of the art building at ang kanyang yumaong ina naman ay isang Engineer sa isa sa malaking construction company ng bansa.
Kahit anong success ng career ng mga magulang ni Phon hindi pa rin sila nakatakas sa problemang pampamilya.
Nasa grade school pa lang si Phon ng maghiwalay ang kanyang mga magulang. Nagkaroon ng ibang pamilya ang kanyang ama at nagkaroon din sila ng anak na babae. Ngunit kahit ganun man ang nangyari hindi naputol ang pinasyal na suporta ng kanyang ama sa kanila.
Kahit hindi maganda ang nangyari sa pamilya, hindi naisip ni Phon na magalit o magsalita ng masama laban sa kanyang ama. Dahil pinaliwanag ng husto ng kanyang ina ang lahat ng dapat nyang malaman at maintindihan. At pinangako nya din na susundin nya ang lahat ng sasabihin ng kanyang ama dahil ito ang alam nyang magpapasaya sa kanyang mahal na ina.
Naglalakad na pauwi si Phon. Ng makarating na sa harap ng condo building, may napansin syang isang pamilyar na asul na sasakyan. Agad syang lumapit dito at kinatok ang bintana ng sasakyan. At saka namang dali daling bumaba ang babaeng sakay nito.
"Kuya Phon!" pagbaba ay agad nyang niyakap si Phon.
Phon: Sabi na, Sherrie ikaw nga. (masayang salita nya habang yakap yakap ang dalaga) Kanina ka pa ba nag aantay dito?
Sherrie: Hindi naman kuya (sabay alis sa pagkakayakap kay Phon)
Si Sherrie ang kapatid ni Phon sa kanyang ama. Si Sherrie ay isang malambing at masayahing babae. Alam nilang magkapatid ang kwento ng kanilang pamilya ngunit kahit ganun hindi ito naging dahilan para magkaroon sila ng agwat sa isat isa.
Phon: Bakit hindi mo ko tinawagan?
Sherrie: Gusto ko kasing i surprise ka. Kaya eto, Surprise! (sabay taas ng mga kamay)
Phon: Ay sus! ikaw talaga. Tara akyat na tayo.
Sherrie: Hindi na Kuya, pwede namang mag usap dito (sabay lingon sa paligid)

BINABASA MO ANG
My Heart Found You [BL] ✔️completed
Fanfiction"Posible bang makita ng puso ang hindi makita ng mga mata? Posible bang matulungan ng puso ang matang nabubulagan ng pagkalito, takot at pag-aalinlangan?" *UNEDITED* SD: 4/6/2021 ED: 5/29/2021