Kabanata III

327 13 0
                                    

[Phon POV]

Asan na? Nasaan naba kasi? nakakainis naman.

Sa kama, pati sa ilalim, sa loob ng cr, sa kabinet, sa mga drawer pati sa lagayan ng mga plato at baso pero wala. Hindi ko makita kung nasaan yung bracelet ni mama. Suot ko pa yun kahapon, hindi ko naman inalis sa kamay ko yun, pero anong nangyari? nasaan na yun ngayon.

KRINGGGG...KRINGGGG...

helloo?

sandali, nandito pa ako.

saglit lang nawawala ang bracelet ni mama hinahanap ko pa.

oo yung bracelet.pero kasi?

hayst! oo na sige na, paalis na.


Pinasok ko na ulit sa aking bulsa ang cellphone at kinuha na ang bag ko, saka tumingin sa picture ni mama bago umalis.

"Ma promise, hahanapin ko yun. Sorry kung naiwala ko ngayon. Papasok na muna ako Ma, iloveu."

Habang naglalakad sa hallway pa elevator - sa sahig ako nakatingin baka sakaling nahulog ko dito ang bracelet kahapon. Pero hanggang sa nakapasok na ako sa elevator walang bracelet akong nakita.

--------------------

[Som POV]

"sh*t naman! Bakit ba kasi hindi tumunog ang alarm. Bakit ngayon pa, mayayari ako nito"

Dali dali kong inilagay lahat ng gamit ko sa bag at isinuot na ang uniform ko. Kahit hindi ko pa naiaayos ang pagkakabotones agad na akong lumabas ng unit. Takbo lakad na ang ginawa ko papuntang elevator.

Sandali! Sandali! sasabay ako! going down!

Pero kahit anung sigaw ko hindi pa din ako umabot, sumara na ang elevator.

"T@ng*na hindi nya ba ako nadinig? badtrip!"

Kaya naman pinindot ko ng pinindot ang down button ng elevator sa subrang inis ko.

--------------------

Pagdating sa classroom...

Prof: Class ilang linggo nalang evaluation test na. Pero madami pa din sainyu ang kulang sa mga activity, kung gusto nyong pumasa - be responsible.

Natapos na ang klase nila Som for morning schedule. Habang nag aayos sya ng gamit, nag uusap silang mag kakaibigan - sila Mhong at Thon ang mga kaibigan ni Som.

Som: Problema?

Mhong: Late ka na naman. Ano bang pinag gagawa mo?

Thon: Kamusta yung 4th activity mo? natapos mo na ba?

Som: Bwiset kasi yung lalaki sa condo, kung sinabay nya ako sa pagbaba edi sana. . .

Hindi na natapos ni Som ang kanyang sasabihin dahil agad ng nagsalita si Mhong.

Mhong: Hay nako naman! Late ka dahil late kang gumising, wag mong sisihin ang ibang tao. Anong oras ang usapan natin?

Som: Pasensya naman. Sorry na, sa last group activity natin, promise gagalingan ko, 101% kong gagalingan.

Ngunit makikita sa mukha ng dalawa na hindi sila naniniwala sa sinasabi ni Som. Napapabuntong hininga at napapailing na lang sila pareho.

Thon: Asus! ito na naman tayo sa puro pangako. Alam mo Som, kung nakakamatay ang pagiging paasa baka inuood kana.

Som: Grabe naman! mag kakaibigan tayo dito oy!

Mhong: Ganito Som, kung hindi mo maiiayos ang mga pending mo, hindi ka namin isasama sa grupo for the final activity. Maghanap hanap ka na ng ibang ka group

Som: hoy! sobra na 'tong panggigipit mo.

Nagulat din si Thon sa mga nadinig galing kay Mhong at hindi na din naitago ni Som ang pagkapikon sa sinabi ng kaibigan. Kaya naman minabuti na nyang lumabas sa classroom bago pa humaba ang usapan nila.

Thon: (inakbayan nya si Mhong) Hindi ba sobra naman yung sinabi mo? hindi naman natin gagawin yun diba?

Mhong: Oo naman. Pero kasi hindi pwedeng aasa na naman sya, kailangan nyang kumilos din. Kilala natin sya parehas, hindi naman sya ganito dati 'diba. Kailangan natin syang bumalik sa dati, hindi pwedeng masanay syang ganoon nalang.

Thon: Tama ka naman dyan.

At sabay ng lumabas ang dalawa ng kanilang classroom.




*****My_Heart_Found_You*****

My Heart Found You [BL] ✔️completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon