Kabanata XVIII

135 12 0
                                    

Dahil sa nangyari ginusto ni Architect na umuwi na lang at hindi na tapusin ang event. Lumakad sya papunta sa parking lot para kunin ang kanyang kotse. At nag iwan na lang ng mensahe kay Ms. Lora para ipaalam na aalis na sya.


Ng mabasa ito ni Ms. Lora ay nagpasya na syang umalis at umuwi na din. Dalawa sila ni Sherrie na nagpaalam na sa ibang bisita. Habang nasa byahe kinuwento ni Sherrie ang naabutan nyang pangyayari kanina. Nag alala si Ms. Lora sa narinig nyang kwento galing sa kanyang anak. Kaya naman tinawagan nya agad si Phon para alamin ang lagay nito. Ngunit ilang beses nya mang subukan, hindi sumasagot sa tawag si Phon - kaya naman lubha syang nag aalala.


Pag uwi sa kanilang bahay, naabutan ni Ms. Lora na nakaupo si Architect Pawadee sa kanilang sala. Nakapikit ang mga mata nito ngunit mapapansin ang tensyon sa kanya - kung paano nya tinatapik ang mga daliri sa armchair at ang pagpadyak ng paa sa sahig.


Ms Lora: We need to talk Bernard. And Sherrie go to your room now.


Sinunod naman ni Sherrie ang kayang ina at umakyat na sa kanyang silid. Ngunit si Architect Pawadee ay wala man lang naging reaction.


Architect Pawadee: Talk about what? (malamig nyang salita)

Ms. Lora: This is too much, Bernard. Hanggang kailan mo titiisin at pahihirapan si Phon ng ganito?

Architect Pawadee:Yung batang yun na naman, Lagi nalang syang pinagsisimulan ng gulo.

Ms. Lora: What? You know what, you're so unfair pagdating kay Phon. Lahat ng mali at problema laging sakanya mo sinisisi. Pero ikaw, ni minsan ba nakita mo ang pagkakamali mo bilang ama sakanya?

Architect Pawadee: Lora! Stop this nonsense!

Ms. Lora: Ano pa ba ang dapat patunayan ni Phon para matanggap mo sya?

Architect Pawadee: Listen Lora. Wala akong anak na bakla! Pinapahiya nya ako! sinisira nya ang pangalan ko!

Ms Lora: You're an architect, a business tycoon pero bakit pagdating sa anak mo ang ikli ng pang unawa mo? Alam kong alam mo na si Phon ang anak na dapat na pinagmamalaki mo. Mahal ka ng anak mo, napakataas ng respeto nya sayo. Mahalaga ka sakanya. Paano mo natitiis na saktan sya ng ganito?


Hindi na nagsalita pa si Architect Bernard, bagkus umakyat na lang sya papunta sa kanyang silid para makapag pahinga na.

Ms. Lora: Bernard, ganito ba talaga katigas ang puso mo? Pati sarili mong anak matitiis mo? sana hindi dumating ang panahon na kailangan mong umiyak sa harap nya para humingi ng tawad. Dahil baka pag dumating ang pagakakataong yun, ay nakalimutan ka nya bilang kanyang ama.


---------------------


Mula sa taxi na sinakyan nila Phon at Som hanggang sa makarating sila sa condo hindi nagsasalita si Phon. Kaya naman hindi umalis si Som sa tabi ng kaibigan.


Ilang beses tumunog ang cellphone ni Phon ngunit wala ni isa syang sinagot. Ang tanging tumatakbo lang sa isip ni Phon ay ang makita ang kanyang ina.


Habang tinitingnan ni Som si Phon, hindi nya maiwasang hindi ma guilty sa nangyari. Kung hindi sana sya nakialam sa pamilya nito, hindi na sana mauuwi sa ganito ang lahat. Ngunit may parte sa utak ni Som na nagsasabing tama lang ang kanyang ginawa - na ipinagtanggol ang kanyang kaibigan.


Nang makarating sa kanilang condo, tahimik pa ding sinundan ni Som si Phon hanggang sa makarating at makapasok ito sa kanyang unit. Dahil sa pag aalala sumunod at pumasok na din si Som sa unit ni Phon, gusto nyang mabantayan ang kaibigan. Gusto nyang nandoon sya kung sakaling may kailanganin si Phon.


Pagpasok ay agad na kinuha ni Phon ang picture ng kanyang ina saka umupo sa kama.


Kahit madilim ang kwarto at kaunting liwanag lang ang pumapasok na nanggagaling sa bintana, malinaw na nakikita ni Som ang mukha ni Phon. Malinaw nyang nakikita ang tahimik na pag iyak nito habang yakap yakap ang picture frame. Malinaw nyang nakikita ang sakit at hirap na dinadala ng kaibigan. Ngunit wala syang magawa, ni hindi nya malapitan si Phon dahil alam nya na isa sya sa dahilan ng pagluha nito ngayon.


Phon: Umuwi kana.

Som: Pero kasi . . . . Phon . . . Ahmm baka gusto mong kumaen. Tara kaen muna tayo. . . Ay hindi ganito nalang, kukuha nalang ako ng pagkaen sa unit ko. Antayin mo ko, saglit lang.


Dali daling tumayo si Som sa pag kakaupo sa sahig at lumabas ng unit ni Phon. Dumiretsu sya sa kanyang unit at kumuha ng maari nilang makaen ngayon. Ng ayos na, minabuti nyang bumalik na agad kay Phon.


Nakahawak na si Som sa doorknob ng pintuan ngunit natigilan sya sa pagpihit nito ng magbalik sa alaala nya ang walang siglang mukha ni Phon habang patuloy sa pagbagsak ng mga luha. Ngunit nangibabaw kay Som ang pusong nag aalala, kaya huminga sya ng malalim para humugot ng lakas ng loob saka pumasok na ulit sa unit ni Phon.


Nadatnan ni Som na nakahiga na si Phon sa kama habang yakap yakap pa din ang picture frame - nakatulog na sya dahil sa pagod at sakit na nararamdaman.


Iiwan nalang sana ni Som ang pagkaen para sa pag gising ni Phon ay may makaen na ito. Ngunit napansin nyang bukod sa kama, at isang maliit na lamesa bilang patungan, ay wala ng ibang gamit dito sa unit ni Phon.


Kinuha ni Som ang kanyang cellphone at binuksan ang flashlight nito. Gusto nyang makita ng maayos kung tama ba talaga ang nakita nya. Ngunit hindi nga sya nagkamali, walang ibang gamit ang unit ni Phon. Pati sa unit ni Phon, nakikita ni Som ang kalungkutan at madaming pagkukulang.


Ipapatong na sana ni Som ang dalang pagkaen sa maliit na lamesa, ngunit napansin nya ang mga papel at ibat ibang uri ng lapis na nakakalat dito. Habang inaayos, isa isang tinitingnan ni Som ang mga nasa papel - mga drawing ng mga eksena sa isang fairytale story. Kung saan nag sasayaw ang mga bida, nag uusap sa parang hardin na madaming bulaklak, kumakaen sa isang lamesa, nag iinum gamit ang mga makukulay na kupita, nakadungaw sa bintana, nagkakasiyahan. Ngunit sa drawing ni Phon parehas na lalaki ang mga character nya. Kung titingnan sa korona at kapa, malalaman mong isang hari at prinsipe ang magkasama sa drawing nya - na masaya.


Nilapitan ni Som si Phon, umupo sya sa tabi nito. Pinagmasdan nyang mabuti ang mukha ni Phon at dahan dahan nyang hinawakan ang buhok at ang pisngi nito.


Som: Kamusta ka Phon? Sobrang pula ng mata mo, ilong at pisngi. Ang dami mong luhang nasayang ngayon at siguradong napagod ka ng husto. Sorry talaga . . . Sorry kung dapat na makatulong sayo, dapat ipagtanggol kita, ako pa ang naging dahilan ng pag iyak mo. Dahil saakin nasaktan ka ng husto. Kung pwede lang sana na hatian kita sa sakit na nararamdaman mo ngayon para hindi ka mahirapan ng ganito. . . . Hindi ko alam kong ano talaga ang tunay na kwento ng pamilya mo, kung bakit ganito sila sayo. Pero kahit ano mang dahilan ang meron sila, nandito ako sasamahan at tutulungan kita (ibinaba ni S ang tingin sa mga kamay ni Phon at saka hinawakan nya ito) Bakit ako ganito sayo? Sa totoo lang hindi ko alam, ang tanging alam ko lang ay ayaw na kitang makita na umiyak ng ganito ulit - mahalaga ka saakin. Matulog at magpahinga ka ngayon, para may lakas ka para bukas. Goodnight.

Sinigurado muna ni Som na maayos nyang iiwan ang natutulog na si Phon. Saka nya nilock ang pinto at lumakad na pabalik sa kanyang kwarto.




*****My_Heart_Found_You*****

My Heart Found You [BL] ✔️completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon