Kabanata VI

223 11 0
                                    

[Som POV]

"tandaan mo pagbumagsak ka sa evaluation test nyo, babalik ka sa school dorm"

"Malapit na ang deadline ng final activity"

"yung part mo sa presentation tapos na ba?"

"yung research paper mo para sa lab class, i ready mo na din"

Paulit-ulit kong naiisip ang mga kailangan kong gawin, hindi ko alam kong paano matatapos lahat ng sabay sabay. Sobrang toxic at pagod na ang nararamdaman ko, parang gusto ko ng sumuko sa Architecture. Pakiramdam ko, wala naman talagang dahilan para mag stay pa ako sa faculty na ito.

Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko namalayang dinala na pala ako ng mga paa ko dito sa rooftop. Pagbukas ko ng pinto, sumalubong agad saakin ang malamig na ihip ng hangin. Kaya naman naglakad ako papunta sa gitna at umupo sa mga tambak ng sirang upuan at tinanaw ang buong paligid - sa ganitong paraan na rerelax ang aking isipan at pansamantalang nakakalimutan ang aking mga dapat tapusin. Bigla ko tuloy naisip: Paano kong hindi ako tumuloy ng architecture na mas pinili ko ang Hotel and Restaurant Management? Paano kung mas pinili ko ang gusto kong gawin kesa sa kung anung gustong ipagawa saakin? Mahihirapan ba ako ng husto tulad nito? Mas ma eenjoy ko ba ang ang college life, pag sandok at kawali ang hawak ko kesa sa lapis at papel? Nagsasayang lang ba ako ng panahon sa Architecture? Ano bang dahilan bakit nandito pa ako sa Architecture?

Napapabuntong hininga nalang ako kakaisip sa mga tanong na wala namang kasiguraduhang sagot. Kaya minabuti kong tumayo papunta sa may railings at itinaas ko ang aking mga kamay. Inilibot ko ulit ang aking paningin, ngunit ngayon ay mas malawak na ang aking tinanaw - sinumulan ko mula kaliwa pa kanan ng may bigla akong nakita na hindi inaasahan.

"AY SH*T!" (napasigaw ako sa takot)

Isang tao ang nakatayo sa dulo ng railings - isang lalaki. Pero sandali, ang alam ko walang tao dito kanina. Ibig sabihin ba nito multo sya?

"Ano ka ba Som, tanga ka ba? Multo talaga? Sa tirik na araw?" (sabay batok ko sa aking sarili)

"HOY ANONG GINAGAWA MO DYAN!" sigaw ko sakanya

Dahan dahan akong humakbang papalapit sakanya, habang minamasdan sya ng mabuti - nakapikit sya na parang may pinakikinggan mula sa malayo. Hindi ko lang maalala pero parang minsang nagkita na kami, hindi ko lang matandaan kong saang lugar.

Habang tinitingnan ko ang kanyang mukha, hindi ko maitatanggi na gwapo din sya. Para syang isang napakaputing anghel na nakatayo sa maliwanag na sikat ng araw. Mula sa kanyang itim na buhok, kilay, matangos na ilong, makinis na mukha, mapupulang labi at . . . . Sandali nga, ano ba itong ginagawa ko? Bakit ganon ko sya tingnan? Napailing at napapikit ako habang nagtatakang tinatanong ang aking sarili. Bumibilis ang pintig ng puso ko na para bang gustong kumawala sa katawan ko.

Hindi pa nagtatagal ang pagpikit ko pero pakiramdam ko may kung sino ng nakatayo sa aking harapan. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata para malaman kung sino ito.

Tumigil ang galaw ng paligid, nakakabingi ang katahimikan, tanging ang malakas na tibok ng puso ko lang ang aking naririnig.

Isang magandang mukha ang nasa harap ko ngayon. Hindi ko maalis ang pagtitig sa kanyang mga mata at mapulang labi, para akong nakatingin sa mukha ng isang anghel. Sa sobrang lapit ng mukha nya saakin, pati ang kanyang paghinga ay naririnig ko na. Sandali nga, humihinga ba ang isang anghel?

Dahan-dahang bumubukas ang kanyang mga labi na parang may gustong sabihin. Nakuha nya ng buong buo ang aking atensyon, ni hindi ko namalayan kung kailan lumapit ang kamay nya sa aking mukha basta ang alam ko lang, naramdaman kong dumikit ang kanyang daliri sa aking ilong.

Para akong nagising sa isang panaginip, na sa pagkabigla ay napaatras ako ng ilang hakbang sabay hawak sa aking ilong; naging dahilan ito para magkaroon kami ng distansya sa isa't isa.

Lalaki: Ang sabi ko, kung ayos ka lang ba?

Tanging tango lang ang nagawa ko bilang sagot sa kanyang tanong. Hindi ko na magawang tumingin ulit sakanya ng maayos. Habang nakatingin sa ibaba, nakikita kong humahakbang sya palapit saakin ngunit hindi ko alam kung anong nangyayari dahil hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Hanggang sa nakalapit na sya saakin at tinapik ang aking balikat.

Lalaki: check your phone, kanina pa may tumatawag sayo, sagutin mo na yan baka importante. At tsaka, may sakit ka ba? namumula ka. pumunta ka sa clinic para matingnan ka.

Sandali, Ako? namumula? tama ba ako ng pagkakarinig sa mga sinabi nya?

Kaya naman agad kong hinawakan ang aking pisngi, naramdaman ko ang init ngunit nilingon ko pa din sya sabay sigaw ng "HOY GANITO TALAGA AKO MESTISO". Ngunit wala syang reaction sa sinabi ko, dire diretsu syang lumabas ng rooftop.

"Ano kaba naman Som, umayos ka nga! nakita mong lalaki din yun. Pero kang nakakita ng babaeng anghel na bumaba galing sa langit. Kung tingnan mu sya parang tinamaan ka sakanya. Nagkagusto ka sakanya? Nahiya kapa talaga, namula? Ano yun?" salita ko sa aking sarili

Napabuntong hininga nalang ako at napakamot sa aking ulo. Ano ba itong nangyayari saakin? Bigla kong naramdaman na nanlambot ang aking mga tuhod kaya minabuti ko munang umupo sa sahig habang nakasandal sa railings , para isipin ulit ang lahat ng nangyari. Hindi ako makapaniwala - dahil ba ito sa sobrang stress?

Itinaas ko ang aking ulo at tumingin sa langit. Naguguluhan ako sa nangyari kanina. Hinawakan ko ang aking dibdib, normal naman na ang tibok nito ngayon, pero kanina sobrang lakas parang......



KRRRIIINNNGGG....

Habang iniisip ulit ang mga nangyari bigla tumunog ang aking cellphone. Kaya naman kinuha ko ito sa aking bulsa at agad na sinagot.

"OK Pupunta na"

Maikli kong sagot sa aking kausap at binalik na ulit ang cellphone sa aking bulsa. Agad na akong tumayo mula sa aking pagkakaupo sa sahig at nilingon muli ang lugar kung saan ko sya nakitang nakatayo.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago naglakad palabas ng rooftop.





*****My_Heart_Found_You*****

My Heart Found You [BL] ✔️completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon