Kabanata XIX

145 9 0
                                    

KRINGGGGGGG...  

KRINGGGGGGG...


Som: Ang aga pa! Sino ka ba? Pwede ba magpatulog ka!


Nasa kalagitnaan ng pagtulog si Som ng tumunog ng ilang ulit ang kanyang cellphone. Sinilip nya kung sino ang tumatawag ngunit dahil unregistered number ito, hindi nya ginustong sagutin ito. Bagkus hinila nya ang kanyang kumot, nagtalukbong at nagpatuloy ulit sa pagtulog.


Hindi pa nagtatagal ang pagtahimik ng kanyang cellphone ng may narinig naman syang kumakatok sa pinto. Noong una ay pinababayaan nya lang kung sino man ang kumakatok; ngunit ng nagsabay na ang pagkatok ng kung sino sa pintuan at pagtunog ulit ng kanyang cellphone.


Som: Bwisit naman! gusto ko  pang matulog!


Sa inis ay tumayo na din si Som at binuksan ang pinto.


Som: Ano bang problema mo?! (galit nyang salita habang nakapikit pikit at pupungas pungas pa)

Phon: Good Morning! (masigla at masayang bati ni Phon kay Som)

Som: Ay sh*t! . . Phon?! Bakit?


Imbes na sumagot si Phon, nginitian nya lang si Som. Sabay tiningnan nya ito ng dahan dahan mula ulo hanggang paa. Mula sa magulo nitong buhok, bagong gising na mukha, walang damit na katawan at pababa sa boxer short nito.


Som: Hoy! anong tinitingnan mo?!


Agad na itinago ni Som ang sarili sa likod ng pintuan. Nakaramdam sya ng hiya sa anu mang nakita ni Phon sakanya.


Phon: Anu yan? nahiya ka? Ganyan din naman ang akin, ganyan din ang itsura pag umaga - masigla at buhay (natatawang salita niya)

Som: Gago ka! (napasilip si Som sa kanyang katawan para makita kung ano man ang nakita ni Phon sakanya)

Phon: Kanina pa kita tinatawagan. Bilisan mo maligo kana. Samahan mo ko, mag almusal tayo. Gutom na ako.

Som: Wala naman saakin ang kutsara. Pwede ka naman kumaen mag isa.

Phon: Gusto mo ba paliguan pa kita, para mabilis?  (salita ni Phon habang nakangising nakatingin kay Som)

Som: Hoy! Tumigil ka dyan! Dyan ka lang wag kang papasok! Antayin mo ko dyan sa labas.


Dali daling sinara ni Som ang pintuan at huminga ng malalim. Bumilis ang kabog ng dibdib nya sa mga sinabi ni Phon.


Pagtapos mag asikaso ng sarili, dali daling lumabas na si Som; dahil sa labas nya pinag antay si Phon. Ngunit pag bukas nga ng pinto wala na si Phon dito, tiningnan nya ang buong hallway pero wala si Phon. Naisipan ni Som na tingnan ang kanyang cellphone, may bagong text message syang nareceived. Pagkabasa ay bumaba na agad siya at dumiretsu sa isang kainan malapit sa area nila.


Phon: Ang tagal mo naman, kaya umorder na ako.

Som: Sigurado ka bang masarap yung inorder mo?

My Heart Found You [BL] ✔️completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon