Kabanta XVI

137 15 0
                                    

Mula ng makauwi si Som ay matiyaga nyang inantay si Phon, alam nya at tiwala syang pupuntahan sya nito dahil sa iniwan nyang note.


Nakaupo sya sa isang upuan na nakaharap sa pinto, umaasang ilang minuto nalang ay may kakatok na para makipagkita sakanya.


Ngunit lumipas ang isang oras, dalawang oras, tatlong oras ngunit walang Phon na dumating.


Som: Anong oras na! (inis nyang salita pagtapos tumingin sa kanyang wall clock) Umuwi ba sya? Nabasa nya kaya? Baka sumama sya dun sa babae . Phon, nakakainis ka alam mo ba yun!


Tumayo si Som sa kanyang kinauupuan at tutuloy na sana sa may pinto para puntahan si Phon pero agad na nagbago ang isip nya kaya dumiretsu nalang sya sa kanyang kama at humiga. Halos di nakatulog si Som dahil sa kanyang pagkainis at pag iisip kay Phon.

Kinaumagahan, late na pumasok si Phon. Wala syang ganang pumasok sa kanilang klase kaya tinawagan nya na lang si Mhong na magkita nalang sila sa madalas nilang tinatambayan pagtapos ng kanilang morning schedule.


Mhong: Hoy Som! Anong karapatan mong mag cutting clases? (bungad ni Mhong sa kaibigan)


Ngunit hindi napansin ni Som ang pagdating nila Mhong at Thon, napansin nya nalang ang mga ito ng nakaupo na sila sa bakanteng upuan sa tapat nya. At saka nya tinanggal ang earphone na nakasuot sa kanyang magkabilaang tenga.


Thon: Anong itsura yan? bakit may problema ba? chicks na naman ba yan? (biro ni Thon, ngunit tingin na walang emosyun lang ang naging sagot ni Som sakanya).


Mhong: Hindi dahil tapos na ang evaluation test, relax ka na. Nakalimutan mo na bang may exam week pa.


Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha ni Som, habang nakikinig sa mga kaibigan. Ng matapos na silang magsalita, saka naman iniabot ni Som ang isang folder.

Som: Parte ko para sa research natin. Paki email nalang yung mga dapat ko pang gagawin. Alis na ako.

Thon: Sandali, at saan ka pupunta?


Imbes na sumagot ay nagpatuloy lang si Som - ibinalik ang earphone sa tenga saka nagpatuloy na sa paglalakad.


Thon: Ano yun? broken hearted?

Mhong: Wala namang girlfriend, anong heart broken ang sinasabi mo dyan.

Thon: 'E bakit ganun yun? Hindi kaya si . . . . (sabay lingon kay Mhong)

Mhong: Sino?

Thon: Si Kelsy?

Mhong: Kelsy ka dyan. Parang malabo. Hindi pa naman nakakabalik ang mga exchange student.


Ilang araw ding ganoon katamlay ang awra ni Som, papasok sa klase ng late at kung hindi naman ay nag cutting classes. Hindi nya din gaanong kinakausap sila Mhong at Thon, mas madalas pa syang tumambay at mag ubos ng oras sa rooftop kesa samahan ang mga kaibigan.


Thon: Nandito na ako, nakabili na din ako ng pagkaen natin.

Mhong: Bakit ikaw lang? Nasaan si Som?(nililingon ang paligid at hinahanap ang kaibigan)

My Heart Found You [BL] ✔️completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon