Chapter 13

1 0 0
                                    

Hunter POV

For the second of time i wake up again----here in the hospital,
Tahimik ang paligid---- ah i forgot i lost my ability of hearing kaya pala wala akong maririnig.

I'm useless, i can't hear anything.



Lumingon ako sa couch at nakita ko si Ella na natutulog doon, nasa isang upuan naman si Lyla, nakabukas ang laptop nya-----siguro nakatulugan nya.



Ilang segundo lang nung nakita kong gumalaw si Ella at nagmulat, tumingin tingin sya sa paligid at dumako ang tingin nya sakin.




Ilang segundo syang tulala at nang matauhan ay tumakbo sya papalapit sa kama ko, she cried.



Isinubsob nya ang mukha nya sa dibdib ko at iyak lang sya ng iyak, tumingin sya sakin at nagsalita----nakalimutan nya atang hindi ako nakakarinig.


"I can't hear you Ella" tumahimik sya at nanlaki ang mata, doon lang ata nya na realize na wala akong naririnig.


She mouthed 'Sorry'
Kaya tumango lang ako



Umalis sya sa kama ko at bumalik sa couch, binuksan nya yung bag nya at may kinuha sya sa loob nito, nakita kong inilabas nya doon ang isang notebook at ballpen.




Umupo sya sa gilid ng kama ko at nagsimulang magsulat sa notebook, pagkatapos nyang magsulat ay ipinakita nya ang sinulat nya saakin.


'Gusto mo na bang kumain? sandali lang at ibibili kita'


Yun ang nakasulat sa notebook, sasabihin ko na sana na wag nalang kase wala akong gana pero nakita kong nagising si Lyla at lumapit sa kinaroroonan namin.

May sinabi sya kay Ella at sumagot naman siya, ilang minuto lang nang lumabas si Lyla.

"San pupunta si Lyla, Ella?" tanong ko kay Ella

Lumingon sya sakin at nagsulat ulit sa notebook.

'Sya na daw ang bibili ng hapunan'

Gabi na pala? tumango nalang ako at nagsulat nanaman sya sa notebook

'May gusto ka bang itanong Hunter?'

Yan ang nakasulat sa notebook




"What really happened?" sabi ko,
Ngumiti sya ng mapait at nag sulat ulit sa notebook.



'Nabunggo ang kotse mo Hunter, nawalan ng preno ang van na nakabunggo sayo" aniya



"I know that Ella, what i mean is what really happened? why i can't hear? Habang buhay nalang ba akong ganto? anong mangyayari sakin?" sabi ko, ginulo ko ang aking buhok dahil sa frustration,
Hindi pwedeng mangyari to.




Nakita kong tumulo ang luha ni Ella at yinakap ako, tumigil ako sa pagsabunot sa sarili dahil sa panghihina.
Ella is sobbing, i know she is because i can see her shoulders shaking.



Ilang minuto lang at pinunasan nya ang kanyang pisngi at sumulat ulit sa notebook.



'Don't worry Hunter everything will be okay, the doctor said it's just temporary, naapektuhan ng aksidente ang pandinig mo kaya hindi ka makarinig, but soon you will hear again'




Iyan ang nakasukat sa notebook, pero hindi ko nakuha ang sagot na gusto kong makita.




"Hanggang kailan Ella?" tanong ko, yumuko si Ella at ilang segundo lang ng makita kong yumugyog ang kanyang balikat, nang tumingin sya sakin ay punong puno ng luha ang kanyang mga mata.



Kahit nanginginig ang kamay nya ay sinubukan nya paring sumulat





'I'm sorry I don't know Hunter, walang eksaktong araw kung kailan ka makakarinig but don't worry temporary lang yan, unti-unti karing makakarinig'






Ipinakita nya sakin ang nakasulat sa notebook at tuluyan na nga akong nanghina.
Hanggang kailan? what if hindi na ako makarinig? what if habang buhay na ito?






Lumingon ako sa bintana at doon ko hinayaang tumulo ang aking luha, yinakap ako ni Ella at hinaplos ang aking buhok.


She always do that when I'm breaking down, I'm lucky i have her, Even in second life i would still choose her to be my bestfriend.



Pinunasan ko ang butil ng luha na tumulo sa aking pisngi at ngumiti kay Ella, sakto namang pagdating ni Lyla.



Inalalayan akong umupo ni Ella at inilapag na nila ang pagkain namin, sabay sabay kaming kumain at nag kwentuhan-----well sila lang palang dalawa kase hindi ko sila naririnig.





Laging nagsusulat sa notebook si Ella para maintindihan ko ang usapan nila.
Natapos kaming kumain at nagtanong pa ako kay Ella kung wala ba syang trabaho at baka nakakaistorbo na ako sa career nya pero sinabi naman nya na naka leave sya sa pagiging artista ngayon.




Agad akong pinagpahinga ng doktor para daw makabawi ako ng lakas kaya wala na akong nagawa kung hindi ang humiga ulit sa kama.



Anong oras na ba? tumingin ako sa ibabaw ng pinto ng kwarto ko dito sa hospital at nakita kong merong orasan-----it's already 8:00 pm at doon ko naalala ang panaginip ko kanina nung natulog ako.

The sunset, i dream of Her----Herielle
I want to sleep again! i want to see her smile.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit kong makatulog, please i want to dream of her again.
Ilang minuto din akong nakapikit at sa wakas ay hinila na ako ng antok.









Same scene, same position
Nakatayo kami ulit at nakayakap ako sa kanyang likod, nakasandal sya saakin habang pinapanood namin ang paglubog ng araw.



I will never get tired of this, kung ganito lagi ang panaginip ko ay hinihiling kong hindi na magising pa kahit paulit-ulit ang panaginip na ito.

"Herielle?

"Yes?"

Pero this time ay hindi ko na tinanong kung bakit gustong gusto nya ang sunset sa halip ay sinabi ko ang mga salitang hindi ko nasabi noon...

"I love you so much"

Sa wakas ay nasabi ko na, kahit manlang sa panaginip ay masabi ko sakanyan na mahal na mahal ko sya,


"I miss you, please comeback"




Humigpit lalo ang yakap ko sakanya atsaka ko sinubsob ang aking mukha sa kanyang balikat, Ilang segundo lang ng yumugyog ang aking balikat at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha.




"I need you Rielle, please comeback please?"




"Someday Hunter, someday
sagot nya


"Where are you? what do you mean?" naguguluhan kong tanong

Sinubukan ko syang iharap saakin at nung pagkaharap nya ay iba ang aking nakita, hindi si Herielle ang nakita ko kundi ang grim reaper.


W-What the? Where is Herielle?


Natatakpan ng hood nya ang buo nyang mukha maliban sa kanyang labi-------labing naka ngisi saakin.





"Do you want to be useful? you said your useless right? then be useful to me, Hunter"

*****

Being with the person you love even if he/she can't love you the same way is the real definition of pure love.

My Sweetest Judgement (On-Going)Where stories live. Discover now