Chapter 14: Head Over Heels

2.4K 222 138
                                    



Ilang araw na ang nakakalipas at ang ginagawa ko sa araw-araw ay paulit-ulit lamang. Maglilinis, magluluto, maghuhugas ng pinggan, mag-aayos ng mga kwarto, at marami pang iba. Hindi naman iyon ganoon kahirap dahil lagi akong tinutulungan ni Everett! Lagi ko siyang pinipigalan sa pagtulong pero ang hilig magmatigas ng isang 'yon!


Buti nga ay naawa pa yata sa akin ang lalaki kaya tinutulungan ako. Nahihiya na rin ako dahil trabaho ko ang mga ito pero pakiramdam ko ay siya halos ang gumagawa lahat! I'm really thankful for his help, I just can't help but be embarassed. Sa tingin ko ay alam niya hindi ako ganoon kasanay sa mga gawain.


"Ako na riyan, Summer." Kinuha niya ang mop sa kamay ko, isang gabi na nakita niya akong naglilinis sa sala.


"Huh? Trabaho ko 'to. Anong gagawin ko?" litong tanong ko.


"Umupo ka riyan at hintayin mong matuyo itong nilalampaso ko." Inirapan ko ang mapaglarong ngiting iginawad niya sa akin.


Minsan din ay inuunahan niya pa akong gumising para siya na ang magluto ng breakfast na ihahanda niya para sa amin.


"But that's my job! Inaagawan mo na ako ng trabaho baka paalisin na ako dito ng papa mo," pagrereklamo ko habang magkakrus ang mga braso.


Nilingon niya ako at mukhang nagulat sa sinabi ko. Panic flickered in his eyes.


"Halika dito," tawag niya na kaagad ko namang sinunod.


"Tanggalan mo ng plastic 'tong mga hotdog," utos niya sa mapagmataas na boses.


Natawa ako roon at inirapan siya nang pabiro. Pinilit niya pang ikunot ang kanyang noo para mas maging kapani-paniwala ang pag-uutos niya na akala mo naman ay ang hirap-hirap ng pinapagawa niya. Wala namang hotdog sa breakfast na niluluto niya! Halatang binigyan lang ako ng gawain para hindi na ako magreklamo.


Napailing ako nang maalala ang mga iyon. 


Pero mas ayos na ito kaysa manatili sa bahay. I've never thought I'd be this comfortable outside our house. I feel like the invisible chains that keeps me from doing things I want to do is untied. I feel free. I feel comfortable in someone's home. How is that even possible?


How I wish my friends are here pero hindi pa nila alam ang kalagayan ko. Simula nang dumating ako dito ay hindi ko pa binubuksan ang phone ko. I feel comfortable here now. I feel safe. The world outside is scaring me that's why I'm keeping myself hidden.


But they're my friends and I miss them. Should I tell them now?


Mariin kong ipinikit ang aking mga mata bago magdesisyong buksan ang mga social media accounts ko. First thing I did was to open my messages. I went to our group chat to check on my friends.


Rosea:
What if puntahan na natin ang bahay nila?


Gerica:
Girl, her family literally said she's on a vacation /with a clown emoji.

Opposite Souls [Soul Series #1] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon