"Hey, bakit gising ka pa? Kumain ka na?"
Umiwas ako nang akmang hahawakan niya ako. I don't understand what I'm feeling, parang sinasaksak ang puso ko bawat salita niya.
How can he act normal after he kissed someone else? Not that I care!
Pumasok ako sa loob nang hindi sya pinapansin, ramdam ko naman na nakasunod ito sa akin.
Tahimik kong hinanda ang pagkain na niluto namin kanina at inilatag sa lamesa. I exhaled heavily.
Calm down.
Umupo siya roon at nanonood lang sa ginagawa ko. Naninimbang ang mga tingin niya na para bang tinatantiya ang mga kilos ko.
"Summer, I—" rinig kong pagsubok niyang kausapin ako.
Nilingon ko siya para pakinggan kung ano man ang sasabihan niya ngunit umiling lamang siya at hindi na tinuloy ang sinabi. He swallowed multiple times before he continued eating.
He looks like he wants to say something but couldn't.
Hinintay ko siyang matapos kumain at hindi na nagsalita. Tahimik lang rin siyang kumain pero ramdam ko ang mga titig niya. Pilit kong inaalis sa isip ang nakita kanina.
He kissed someone else, so what? Anong karapatan kong pagbawalan siya sa gano'n?
Iiwan ko na sana siya nang matapos siyang kumain at pumasok sa aking silid nang higitin niya ang braso ko.
"What's the matter? Why are you so silent?" nanunuyo ang boses na anito.
I smirked mentally. Huh. Alam niyang may ginawa siya kaya ganito ang tono niya.
Pero sino ba naman ako para magselos? Sino ba naman ako para masaktan? Ang sabi niya lang ay gusto niya ako pero hindi naman kami.
"Inaantok lang ako, it's late na rin. Don't mind me. Good night," I smiled and tapped his arm.
Sasagot pa sana siya nang sinarado ko na ang pinto at dumiretso tulog na.
Late akong nagising dahil na rin siguro sa puyat. Hinintay ko pa kasi si Everett, but it was not worth it.
Kung hindi ko kaya nakita 'yon ay ganito pa rin ang mararamdaman ko? Pero kung hindi ko nakita 'yon, siguro tanga pa rin ako hanggang ngayon.
Pagkatapos maligo at magbihis like my usual morning routine ay lumabas na ako ng kwarto, halos sabay lang kami ng gising ni Everett.
Nakabihis rin ito. I smiled bitterly. Aalis na naman?
I sighed.
![](https://img.wattpad.com/cover/236342817-288-k461186.jpg)
BINABASA MO ANG
Opposite Souls [Soul Series #1] ✔️
Ficção AdolescenteFrom being the famous instagram model that everyone follows, Summer Alydia Morada, became the most hated influencer in an instant. As a public figure, her life is for everyone to see, but what can be the secret she tries so hard to hide for so long...