Chapter 7: Fiancée

2.8K 271 188
                                    



Pababa pa lamang ako ng sasakyan namin ay sinalubong na agad ako nina Gerica at Rosea.


"Tara," hatak ni Gerica ang sumalubong sa aking pagbaba. Hinigit niya ang braso ko na muntik na magpatumba sa akin! 


Tinakbo namin mula parking lot hanggang girls'restroom. Mind you, dalawang building pa ang dinaanan namin. Pagdating tuloy namin doon ay pawis na pawis ako! Akala ba niya ay training ito ng volleyball team nila? 


"Aray, bitaw na," reklamo ko at inayos ang butones ng aking long sleeves blouse nang matanggal ito dahil sa paghila nila sa akin. 


Hinihingal pa sila at halos di makapag-salita sa pagod. We're all catching our breath. Matalim kong tinignan si Gerica na nakatukod ang mga kamay sa tuhod habang hinihingal pa sa pagtakbo. 


"'Di ako, sabi ni Rosea hilahin daw kita," pag-eexplain nito habang nakataas pa ang dalawang kamay na para bang sumusuko. 


"'Wag... 'wag na tayong... pumasok," hinihingal pa rin na saad ni Rosea. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito puro hingal lamang ang pumapasok sa tainga ko. 


"Huh? Wait, kumalma nga muna kayo. 


Inhale-"We breathed in.


"-Exhale"Then we breathed out. 


"Inhal-" 


"Tangina, ang baho." Napatakip ng ilong si Rosea. 


Kinalampag ni Rosea ang pinto sa may kaliwa niya gamit ang kaliwang kamay at sinigawan. Napalingon kami roon. 


"Hoy, dapat tumae ka muna bago pumasok. Dito ka pa naghasik ng kabahuan," inis na sigaw ni Rosea sa taong nasa loob. 


I tried to suppress my laughter. Mas lalo akong natawa nang sumagot pabalik ang kung sino mang tao doon sa loob ng cubicle. 


"Mga tanga! Bakit kasi dito kayo nag b-breathing exercise sa restroom?" galit na sigaw ng babae sa cubicle na lalong ikinatawa ko dahil ang tono ng pananalita niya ay halatang nasaktan sa sinabi ni Rosea. 


"Oo na, aalis na! Nakakahiya naman sa tae mo na feeling air freshener," sigaw ko bago kami nagmadaling tumakas ng restroom. 


'Di pa rin natigil ang tawanan naming nang umupo kami sa isa sa mga bench malapit sa likod ng building namin. Kahit magulo ang mga suot at mukha ay hindi namin ininda. 


Sana lagi na lang ganito. Nakangiti ako habang tinitignan ang mga kaibigan ko na masayang tumatawa. This is the genuine happiness that only they can make me feel. Sila lang. Sila lang ang meron ako ngayon. 


We spent our day there. Laughing at each other nonstop. This is what I want. This is what I need. I need a break. Hindi kami pumasok sa mga klase namin. Minsan lang naman kami mag skip ng klase and this is one of those rare moments.

Opposite Souls [Soul Series #1] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon