Ano kayang ginawa ko sa past life ko para maging ganito kagulo ang buhay ko ngayon? Ang saya siguro ng sarili ko sa parallel universe.
I laughed at myself.
Sana maging bato na lang ako next life.
Kahit tinatapak-tapakan ng mga tao ay matibay, di basta-basta nadudurog. Walang iniintindi, walang iniisip, at walang pakiramdam.
Sunday ngayon at wala kaming klase kaya nandito na naman ako sa harap ng salamin, reflecting and contemplating. Inayos ko ang orange na headband at tinagilid ang ulo.
Nagiging hobby ko na yata ang pagmasdan ang sarili sa salimin.
Maybe because that girl on the other of side the mirror feels so foreign. I don't know her. That's not me.
I touched my lips. A genuine smile hasn't touched my lips. I touched my eyes. Emotions hasn't been visible here. What have I become, really?
Nag-aya ang mga kaibigan kong lumabas. That's good for me. I don't wanna stay in this hell.
I put my usual go to make-up and immediately left. I'm avoiding any possible interactions and conversations with the people here. I don't think I can even call them my parents.
Hindi na ako nagpahatid sa driver namin dahil for sure, malalaman nila daddy na umalis ako.
Daddy... kahit gaano ako kagalit sa ginawa niya, hindi ko maitatanggi sa puso ko na tatay ko siya at... mahal ko siya.
I hailed a cab. Sinabi ko lang kung saang mall ako ibaba at sumakay na. I looked at the window, I can see the tall and large buildings and skyscrapers standing high.
Lumilipad ang isip ko habang pinapanood ang paggalaw ng mundo sa maliit na bintana ng sinasakyan ko.
I remembered when someone told me that my second name, Alydia, means "a little winged noble girl having a unique vision and investigative in nature."
Siguro nga tama ito. I see things in different light and added deeper meanings in unusual things.
Bumalik ako sa reyalidad nang huminto ang sinasakyan ko. Nagbayad ako at nagpasalamat sa driver bago tuluyang bumaba.
Dumiretso agad ako sa restaurant na nireserve ni Gerica para sa amin. Nang igiya ako ng waitress ay natanaw ko sila pareho na mukhang may seryosong pinag-uusapan.
Lumapit ako para sana yumakap at humalik ngunit sabunot at hampas ang natanggap ko. Geez! Is this a new way of greeting?
"Ang lapit-lapit lang ng bahay mo dito pero ang tagal mo," reklamo ni Gerica.
BINABASA MO ANG
Opposite Souls [Soul Series #1] ✔️
JugendliteraturFrom being the famous instagram model that everyone follows, Summer Alydia Morada, became the most hated influencer in an instant. As a public figure, her life is for everyone to see, but what can be the secret she tries so hard to hide for so long...