Chapter 6: Confrontations

2.9K 289 234
                                    

"Hindi nga pwede, Everett!"


"Bakit? Make me understand," he pleaded softly with the wind.


We've been talking about 'us' for the past thirty minutes now. He's taking advantage of the traffic.


"Sa mata ng lahat, hindi tayo pwede. Sa mata ng lahat, hindi tayo nararapat para sa isa't isa. Sa mata ng lahat ako ay-"


"You care too much on what people think. Ano man ang nakikita nila ay hindi importante sa akin. When will you think about us?" his voice cracked a little.


I scoffed. "There's no us."


His bloodshot eyes looked straight at the road na para bang may kasalanan ito sa kanya. Nakita ko na humigpit ang hawak niya sa steering wheel, his veins are protruding in his arms. I can feel his neverending patience about our topic right now.


"Tigilan mo na ko, Everett. Please! Iwan mo na lang ako, umalis ka na sa buhay ko. Hinayaan ko na kayo. Niloko mo ko. Pinagpalit mo 'ko. Ngayon kung makahabol ka sa akin ay parang mahal na mahal mo ako? Ang kapal naman ng mukha mo!"


Gumuhit ang sakit sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit pati ako ay nasasaktan sa mga lumalabas sa bibig ko.


"Talaga bang... naniniwala kang kaya kong gawin iyon sa 'yo?" tanong niya nang hindi makatingin sa akin.


Natahimik ako. Iyon ang alam ko. Iyon ang gusto kong paniwalaan.


He smiled but it never reached his eyes.


"Alam kong pagod ka na. Let me be our strength now. Let me fight for us. I will make this right," nagsusumamong aniya.


Hinanap ng kanyang mga kamay ang akin at marahan itong hinaplos. I bit my lips to stop it from quivering.


"I promise, it will all be fine in the end. It'll be fine, Summer. Just don't fucking give up on us right now. Dahil hindi ko kayang lumaban kung maging ikaw ay sumuko na,"his voice cracking with every word he uttered.


Maingat niyang dinala ang kamay ko sa kanyang labi. Mariin niya itong hinalikan na para bang kapag pinakawalan niya iyon ay hindi na niya muling mahahawakan.


"You did well, love," paos na usal niya.


"You did well on living your life without me because I can't even call what I did living after you left," nanghihinang bulong niya.


Hindi ako sumagot. Nakapikit kong isinandal ang ulo sa upuan ng sasakyan niya.


"Ang hiling ko lang ay mapakinggan mo at kung hindi ka pa handa ay kaya kong maghintay kahit gaano katagal," he pleaded.


Umiling ako. Ayoko na. Hindi ko na kayang marinig pa ang boses niyang pumipilipit sa puso ko.

Opposite Souls [Soul Series #1] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon