Chapter 21: Kiss Mark

2.3K 118 60
                                    




"Cousin?!" sabay na sigaw namin Gerica.


What?!


"Ang sabi mo nasa ibang bansa ka, Mary? A-Ano... Anong ginagawa mo rito?"


Tinitigan ko ang kaibigang naghahanap ng sagot sa mga katanungan. Talagang nakakamangha na kaya niya maging ganito kakalmado kahit mahihimigan ang galit sa boses nito.


Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.


Isang luha ang pumatak sa mukha ni Mary na kanina pa niya pinipigilan, "Tingin n'yo ba ay katanggap-tanggap ang pinag-aralan ko sa ibang bansa?!"


Nagpatuloy ito, "Oo, Rosea! Heto na ako ngayon, ang mapangmataas mong pinsan ay katulong na lang ngayon!" malakas na sigaw ni Mary at saka padabog na umalis habang pinupunasan ang mga luha.


I looked at Mary, concerned if I should follow her or console my friend.


Hinarap ko si Rosea at hinawakan ang kanina pang naka-kuyom niyang kamao.


Ganito s'ya lagi pag nagagalit, hindi s'ya nagtataas ng boses at kinikimkim lang sa sarili niya ang nararamdaman.


"Rosea," I called.


"Y-You know, I look up to her. Masungit at maarte iyon pero mabuti ang kalooban. I told myself I will be like her in the future. Successful. Pero kasinungalingan pala ang lahat ng iyon," pagkukwento niya habang may suot na malungkot na ngiti.


Hinayaan ko siyang maglabas ng saloobin habang kami ni Gerica ay tahimik na nakikinig.


"You never told us you have a cousin," Gerica said.


"She's my only cousin, sa amin siya nakatira dahil wala na siyang magulang. Paborito siya ni Mama dahil matalino siya. Samantalang ako, ito, ganda lang," she laughed to conceal the pain in her voice.


I don't know their relationship, but I know it's something deep para magalit siya nang ganito. I listened quietly.


"Masungit iyon sa akin at lagi akong iniinsulto dati pero alam ko sa likod ng ugali niya na iyon ay mabait siya. Pinagtanggol niya ako sa iba kapag nakatalikod ako."


She's not crying but I can feel her pain.


I caressed her back.


"Hindi ako galit sa kanya. Galit ako dahil nagsinungaling siya sa amin. I know her, I know she's working here para may maipadala lang sa amin. Kung sana sinabi niya lang, sana natulungan ko siya o kaya..." Yumuko siya hindi na tinuloy ang mga sinasabi.


Alam kong alam niya na hindi rin siya makakatulong kahit ngayong nalaman na niya dahil estudyante pa lang rin naman siya gaya ko.

Opposite Souls [Soul Series #1] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon