I don't know when I started to smile at him more often. For once, I feel comforted.
The way he consoles me that night, the way he caresses my hair, the way he whispers things in my ear. His actions made me at ease. I feel safe.
Huh. He's not only beautiful on the outside, but inside.
Napabangon ako nang makarinig ng ingay mula sa labas. It's the doorbell.
Napatingala ako sa orasan. Alas-singko pa lamang ng umaga. Sino naman ang bibisita nang ganito kaaga? Napakamot ako ng ulo.
In my pajamas while scratching my eye, I got out of my room. Kahit inaantok pa ay binuksan ko ang malaking pintuan ng bahay na ito.
"Susmaryosep! Sa wakas, may dinala na ring babae rito iyang si Elle. Anong pangalan mo hija?" nagagalak bungad na tanong sa akin ng isang may kaedaran na babae, namumuti na rin ang buhok nito at kitang-mita ang mga kulubot sa ang mukha.
Pinigilan kong humikab at sumagot. "Summer po, uh... sino po sila?"
"Ako si Esther, tawagin mo na lang akong manay, ganoon ang tinatawag nila sa akin dito," She smiled and that made her wrinkles appear more.
Nilakihan ko ang bukas ng pinto. Malambing na ngiti ang iginawad sa akin ni manay habang patuloy sa pagsasalita.
"Ito naman si Mary at Daniella," pagpapakilala niya sa dalawang kasama na ngayon ay nakangiti at kumakaway sa akin.
"Pwede mo akong tawaging Dadang," saad ng babaeng ipinakilala bilang Daniella.
Ngumiti ako sa kanila pabalik.
"Are you Everett's grandmother po?" I asked.
Baka siya ang may-ari ng hardin!
"Ay naku, hija. Ako ang mayordoma sa bahay na ito. Hindi na kasi ito inuuwian ng pamilyang Esquivel, buti nga ay napasyal kayo rito ng nobyo mo. Minsan na lang kasi kung bumisita 'yang si Elle rito at hindi rin naman nagtatagal ng ilang araw."
Hala! Nakalimutan ko na ngayon nga pala ang balik ng mga kasambahay nila mula sa pahinga.
Pero tama ba ang narinig ko? Napasyal? Hindi ba rito nakatira si Everett? Ilang linggo na nga rito ang lalaki. Not that I'm complaining.
I smiled shyly, Napagkamalan na naman akong girlfriend nitong si Everett. "Naku, hindi po ako nobya ni Everett. I'm also a maid here, I-I just got hired."
"Katulong ka lang din pala dito, pa ingles-ingles ka pa riyan. Tabi nga." Napasinghap ako matapos niya akong bungguin sa balikat.
Nagulat ako sa inasal ni Mary, kung tawagin ni manay, wala naman akong ginagawa sa kanya ah!
BINABASA MO ANG
Opposite Souls [Soul Series #1] ✔️
Novela JuvenilFrom being the famous instagram model that everyone follows, Summer Alydia Morada, became the most hated influencer in an instant. As a public figure, her life is for everyone to see, but what can be the secret she tries so hard to hide for so long...