Epilogue II

2.1K 40 251
                                    



"Cold Brew for Elle!"


Tumayo ako para kunin ang order ko.


Kukunin ko na sana nang sabay kaming umabot ng cup ng isang babae. I looked at her while she's still looking at her phone while holding my drink. Nanuyo ang lalamunan ko.


Kanina lang ay tinitignan ko lamang siya sa kanyang lamesa, ngayon ay nasa harapan ko na.


"Excuse me?" she said, inangat niya ang tingin sa akin.


"This is my drink," I said dryly.


"Oh my god, I'm sorry. I thought I heard Aly," she said blushing and flustered.


I chuckled. Cute.


"You can have it." 


Ibinigay ko ito sa kanya at mabilis na iniwan siyang hawak pa rin ang inumin. Malalaki ang mga hakbang na umalis ako roon.


Aly, huh?


Pinaglaruan ko ang labi para mapigilan ang ngisi na pilit kumakawala rito. Damn it, mukha akong tanga.


Sa mga sumunod na araw ay hindi ko na namalayang patuloy pa rin ang pagpunta ko sa Sweetums, the cafe. Hindi naman ako nabigo dahil lagi siyang nandoon.  Minsan kasama ang mga kaibigan, madalas nag-aaral.


I don't know what's gotten into me but I wanna see her every day.


She looks intimidating contrary to her style with bright colored things and clothes.


"Summer Alydia Morada," a voice out of nowhere.


Napatalon ako sa boses na nanggaling kung saan.


"You like her?" usisa ni Leo na bigla na lang sumulpot at umupo sa tabi ko.


I rolled my tounge inside my cheeks, "Mind your own business."


Sabay kaming natawa. Natuklasan kong madalas din siyang tumambay rito dahil may sinisilayan rin, isang working student.


Summer Alydia Morada. I chanted in my mind.


What a beautiful name for a beautiful lady. I shook my head, since when did I find a woman beautiful? It's always hot and wild, not beautiful.


It started with me just casually wanting to see her and now I had this fucking urge to talk to her.


Parang nabuhayan ako simula nang lagi ko siyang nakikita, may dahilan na ako para gumising nang maaga at pumasok. Sinimulan ko na ring ayusin ang pag-aaral dahil nakakahiya naman sa kanya na ginagawa yatang hobby ang pagre-review.

Opposite Souls [Soul Series #1] ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon