Prologue
Third Person POV
"Lumayas kana dito ' wala kang kwenta, magnanakaw"sigaw nang isang matandang babae sa isang dalaga
"Tiya maniwala ka di ko kinuha yun ' di ko alam kung pano napunta sa bag ko yun" pagmamakaawa ng dalaga...
*PAK*
isang malutong na sampal ang natanggap ng dalaga."wag na wag mo kong matawag-tawag na tiya, wala akong pamangkin na magnanakaw ' wag na wag kang papakita sken" tsaka isinarado ang pintuan, walang nagawa ang dalaga kundi pulutin ang mga gamit na nagkalat sa kalsada. Siya si Debbie Sandiego , ulilang lubos ' nag-iisang anak, Tapos na siya ng high school at wala siya balak magkolehiyo,sa kadahilanang wala siyang pantwisyon, lalo pa ngayon ay pinalayas siya ng kanyang tiya ' lumaki siya sa piling ng maldita niyang tiya, at mga maldita nyang pinsan. kinupkop siya nito noong mamatay ang kanyang ina ' ang ama niya namang ay nasa tiyan palang siya ay iniwan na sila at kahit kailan hindi niya ito nakita.
Wala siyang nagawa kundi pumunta sa kaibigan niyang si Leni ' alam niyang eto lang ang makakatulong sa kanya.
Kumatok siya ng tatlong beses bago siya pagbuksan ng pintuan.
"Oh deb ano ang ginagawa mo dito? Bket ganyan ang itsura mo? Bket ka umiiyak ah may umapi ba sayo? ' gabing-gabi na ah" sunod-sunod na tanong ang ibinato ng kanyang kaibigan sa kanya. Hindi niya na napigilan mapayakap sa kaibigan niya at nagsimulang humagulhol sa balikat nito.
"T-tara muna sa loob ' at kailangan mong magpaliwanag samin nila mama at papa" iginaya niya papasok ng bahay si debbie.
"Oh ija anong nangyari sayo bakit may dala kang mga damit? Inapi ka nanaman ba ng bruhilda mong tiya" alalang-ala ang mama ni leni ng makitang pulang-pula ang mata ni debbie, concern ang pamilya ni leni kay debbie dahil itinuring nila itong parang tunay na anak, napaka bait kasing bata si debbie.
"Ma,mamaya niyo na po interview'in si deb ' kailangan niya muna pakalmahin ang sarili niya" paliwanag ni leni sa kanyang mga magulang.
"Oh sige' darling pakikuha nga ng tubig si Debbie" utos ng matandang lalaki sa kanyang asawa na agad naman nitong sinunod...
"Oh ija uminom ka muna ng tubig"
"S-salamat po"
-
Makalipas ang ilang minuto ay huminahon na din si debbie at nagsimula na syang ipaliwanag kung ano ang nangyari.FLASHBACK
Pagkatapos niya maglinis ay nagpahinga na siya sa kanyang silid, ilang oras ang lumipas ng marinig niya ang sigaw ng kanyang tiya.
"PRINCESS,PRIZZA,DEBBIE ' HALIKA NGA KAYO RITO" masama ang kutob niya may hindi nanaman magandang ginawa ang kanyang pinsan, kaya ihahanda nya na ang kanyang sarili para sa panenermon ng kanyang tiya.
"NASAAN ANG LIMANG LIBONG INIPON KO AT ITINAGO KO SA APARADOR?!! BAKIT WALA NA DOON! HALA SIGE ILABAS NIYO" galit na galit ang tiya niya at wala siyang nagawa kundi tumahimik, hindi rin kasi niya alam ang isasagot.
"Ma, wala po samin bka naman po na kay debbie ' tingnan niyo po sa mga gamit niya" turo sa kanya ng pinsan nyang si prizza. Kinabahan siya hindi dahil siya ang kumuha kundi dahil alam niyang mapapahamak siya.
"Isang tanong,isang sagot ?!! Nasayo ba ang pera ko?!!"
"W-wala po tiya"
"Wala talaga ah ' princess at prizza halungkatin niyo ang mga gamit ni debbie... at ikaw debbie siguraduhin mong wala sayo kundi mayayari ka sken" nagsimula nang kumilos ang mga pinsan niya, at hinayaan nya nalang ito at kampante naman siya na hindi siya ang kumuha, pero-
"Ma eto oh nasa durabox po ni debbie" itinaas ni princess ang pera na ikinagulat ni debbie.
"H-ha pa-pano nangyari yun ' tulog ako kani-" di niya na natapos ang sasabihin niya ng bigla siya sampalin ng tiya niya.
"Hayop ka pinalamon,pinatira,pinag aral kita tapos eto lang ang igaganti mo sken" nagsimula na siyang umiyak ' wala siyang magawa para sa sarili niya.
"Hindi ko po magagawa yun"
may kutob syang ang mga pinsan nya ang may gawa nito ' dahil simula't sapul ayaw na sa kanya ng mga pinsan nya kaya hinayaan nya nalang..."Sinungaling ' lumayas ka dito sa pamamahay ko ngayon din" tsaka pinag hahagis ang mga damit niya sa gitna ng daan.
End of Flashback
"Grabe naman pala yang mga pinsan mo debbie ' oh sige dun kna lang muna sa kwarto ko matulog" sbe ni leni
"Tsaka ija dito kna tumira ' welcome ka dito"
"S-salamat po" hindi na napigilan ni debbie ang maiyak sa tuwa ' dahil may mababait na tao na tumulong sa kanya
***
Vote & Comment ;)