Chapter 12
Pagkalabas ni rayne ' isa isang nagsipasukan sila kris, pinalibutan nila ko na akala mo'y may nagawa kang kasalanan.
"Ano ba nagawa ko at nakapalibot kayo sakin?"
"Ano pinagusapan niyo? Landeee ha gwapo ni sir rayne" sabi ni joana.
"May pinag usapan lang kami"
"Ano ang pinag usapan niyo aber?" Napaka tsismosa talaga neto.
"Past"
"WHAT? NAGING KAYO BA?" Makasigaw naman to, pasakan ko kaya ng kamao yung bibig neto.
"Debbie come here"
Buti nalang tinawag nako ni hambog' kundi raratratin nanaman ako ni joana. Pumasok muna ko ng cr para maghilamos.
O__O
Nakita to ni rayne????
"Kyaah nakakahiya! Nakakahiya!" Pinagpapadyak ko yung paa ko ng may mapansin akong tuyong laway sa mukha ko..
Nakakahiya di ko manlang naisip na maghilamos muna bago harapin si rayne. Bago pako maiyak naghilamos nako at pumunta kay hambog.
Pagkapasok ko nagulat ako ng biglang magsalita si hambog.
"Pagong kba?" Taray pumipick up line si hambog, oh sige sakyan natin.
"Oh bakit?"
"Ambagal mo' kanina pa kita tinatawag" pisti talaga to si hambog, kala ko kikiligin nako -_____-
"Sorry ah' ang layo kaya ng kwarto mo, ikaw kaya utusan ko, kung makarating ka a--" hindi ko na natuloy yung cnasabi ko nang talikuran niya ko,Grrr! Hambog talaga. Sinundan ko siya sa kusina.
"Ano ba papagawa mo sakin?" Naabutan ko siyang naghihiwa ng mga sibuyas. Di niya ko sinagot kaya naupo nalang ako sa couch. Dinampot ko yung magazine na nakapatong sa mini table.
Matry nga maging amo hehe
"Tubig please" utos ko kay hambog.
"I said tubig! Ano ba!!" Tiningnan ako ng masama ni hambog.
"Hehe joke lang to naman" tumayo ako tsaka kumuha ng tubig.
*tok tok tok*
Binuksan ko yung pinto.
"Oh kris bakit?"
"Nasa labas si sir rayne, hinahanap ka"
"Okay wait lang kamo" pagkaalis ni kris, pinuntahan ko sa kusina si hambog.
"A-ah sir wait lang po"
"Why?" Panu ko ba sasabihin na hinahanap ako ni rayne' baka mamaya sabihin neto aga aga lumalandi ako.
"A-ah basta"
"Why?"
"K....kasi a-ano"
"i said why?"
"Nasa baba po kasi si rayne"
"Stay here"
"Bahala ka jan" lumabas agad ako, stay here stay here kapa jan!
Naka...kahingal naman tong h...hagdan na to mala highway.
"Joana asan si rayne?" Tanong ko kay joana nang makasalubong ko siya.
"Nasa garden"
"Okay"
Agad kong pinuntahan si rayne' nakita ko siyang nakasandal sa pader at nakapamulsa.
"Ano ginagawa mo dito?" Pero imbis na sagutin niya ko, may inabot siya sakin
"Wow red roses" tinanggap ko yung bulaklak.
"Alam kong favorite mo yan kaya yan ang binili ko"
"Thank you" humalik ako sa pisngi niya na ikinapula ng tenga niya.
Tinuro niya yung kabila niyang pisngi. "I...sa pa nga?"
"Tse' ano nga ang ginagawa mo dito?"
"Aayain sana kita"
"Saan naman?"
"Sa birthday ng kaibigan ko"
"Kelan?"
"Tomorrow night"
"Ah gusto ko sana' pero baka di ako payagan ni sir"
Tinap niya yung ulo ko
"Ako'ng bahala"
"HINDI.SIYA.SASAMA" napalingon kami sa nagsalita sa likuran.
Ano'ng ginagawa ni hambog dyan,
Kanina paba siya dyan?
"Bakit?" Tanong ni rayne
"She will be my date" anu daw date as in date????
"Teka teka san naman yan?" Singit ko sa usapan nila
"Same place" sagot ni rayne
"Pumayag na ba siya?"
"Sa ayaw at sa gusto niya sakin siya sasama"
"Hindi porket amo ka niya sayo na siya sasama"
"Tss" tiningnan ako ni hambog parang cnasabing *pag sa kanya ka sumama, you're fired* seryoso ba siya?
"Para walang away tanungin natin siya" parehas nila kong tiningnan' napayuko nalang ako. Di ko alam kung ano ang irereact.
Di naman ako maganda, konti lang hehe' my god! Dalawang pogi to ang hirap mamili.. si rayne na nag aksaya pa ng oras na puntahan lang ako dito para lang maaya o si hambog na anytime anywhere ay ififired ako pag di ako sa kanya sumama???
Kinuha ko muna yung bulaklak na pinatong ko kanina sa lamesa, sayang din to favorite ko pa naman.
Isa lang ang naisip ko, 1........2......3......
"DEBBIE"
"BIE"
Sigaw nila nang takbuhan ko sila' pumunta agad akong maid's room,sinara ko agad yung pinto.
"HELP ME' HUHUHU" sigaw ko agad naman nila akong nilapitan at pinalibutan..
"Bakit anong nangyari?"
"Ginahasa kaba nila sir?"
"Di kana virgin?"
"Ano sumagot ka?"
OK! ANG OA NILA-______- buti nalang ako hindi.
"Hindi ganito kasi yun" kinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari.
"Kyaahh"
"OMG"
"Ang swerte mo deb"
"Mahirap talaga yan"
Yan yung mga reaksyon nila matapos kong magkwento.
"Kung ano yung cnasabi ng puso mo ' ayun yung sundin mo" tinap ni leni yung balikat ko.
ARGHH... RAYNE AT TREVOR MGA BWISIT KAYO!!!! GINUGULO NIYO YUNG MAGANDA KONG UTAK!!!!!!
***