Debbie POV
Sino ba ang tinatanong neto? Pwede naman kasing ituro diba, para di nako nanghuhula kung sino ba ang tinatanong niya ng 'what's your name'
Tinabig ako ni kris, pumunta siya sa harapan ko 'bale magkaharap na sila nung lalaki.
"Hi kennethmylove- ay este Sir. Ako po ba yung tinatanong mo? Ah..eh My name is Kris Mene-"
"Im not talking to you" putol sa kanya nung lalaki. Nagtaka ako ng tumingin siya sakin. Tumingin din sakin si kris, si leni naman no comment lang sa tabi ko. Kahit kelan talaga di ko nakitaan ng interes sa lalaki to si leni, konti nalang talaga iisipin ko tomboy to.
"Ah Sir kenneth, siya ba? Si debbie yan. Ang ganda no? Pero mas magan-"
Sir Kenneth daw? Ibig sabihin siya yung kinukwento ni kris? Infairness gwapo. Pak na pak Mehehehehe.
"I said i'm not talking to you"
"S-Sorry po" yumuko si kris saka tumabi sakin.
Napaatras ako ng lumapit sakin yung lalaki.
"Bakit po sir?"
"What's your name?"
"Ako po ba?"
"Yes"
"Eh. I'm debbie"
"Nice name. Nice meeting you ms.beautiful" kinuha niya yung kamay ko at humalik sa likod ng kamay ko. Ene beyen kenekeleg eke.
Lumabas na siya. Pero ako nakatulala parin. Feeling ko namumula ang mukha ko. First time lang kasi may gumawa sakin nun.
Pero kahit anong mangyari si hambog parin ang gust-
A-anong sabi ko? G-gusto ko si hambog? Juicecolored no way! Erase...erase...erase...
-
Trevor POV
Pagkahatid ko kay kendra. Pinatawag ko si debbie bago ko umakyat.
Ilang saglit lang, nandito na siya.
"Ano pong iuutos niyo sir?"
"Linisin mo yung mga kalat sa kitchen"
-
Nakaupo ako malapit sa kitchen. Kanina ko pa napapansin 'kanina pa nakakunot yung noo nya habang naglilinis.
"May problema ba?"
"WALA HO"
"SINISIGAWAN MO BA KO?"
"HINDI PO. IKAW PO ANG NANINIGAW"
"MAY KARAPATAN AKONG SIGAWAN KA. DAHIL AMO MOKO"
"EDI WOW"
"What the....." Napailing nalang ako. Ibang klase tong babaeng to. Sino ba talaga ang amo samin dalawa, ako o siya? Tch.
Pumasok ako sa kwarto ko.
Ano bang meron sayo? At payag akong sigaw sigawan moko. Walang may karapatan manigaw sakin , dahil kung sino man ang susubok ay mapapalayas'pero siya ginawa niya? At di manlang ako nagalit.
Ano na bang nangyayari sayo trevor smith? Tch.
Nang di ako mapakali, lumabas ako. Naabutan ko siyang nag-aayos ng sofa.
Nagtaka ako ng bumukas ang pinto. At pumasok si rayne.
Napansin siya ni debbie. "Oh rayne. Ano ginagawa mo dito?"
"Binibisita ka. Di mo kasi sinasagot ang mga tawag ko e."
May cellphone siya?
"Sorry sorry. Busy lang talaga ko"