Chapter 20

5 0 0
                                    


Kenneth POV

Hi babes. I'm kenneth Mendez. Tropa ko sa Smith Hahaha.

Nandito kami sa hide out namin. Ako, si smith, harvey at mike! Kulang kami ng isa dahil wala dito si rayne. Ewan ko kung saan nagpunta yun.

"By the way where's rayne?" Tanong ko.

"Baka nakikipagdate" -mike

"Tch"-Smith

Problema neto?

Tumayo sina harvey at mike at nagpunta sa mini fridge para kumuha ng mga can beer.

"Smith may tatanong ako"

"What?"

"Bakit ang ganda ng katulong mo?"

"Who?"

"Debbie. Ang ganda nya para siyang anghel, inlove na nga yata ako e" tuminghala ako at iniimagine ang malaanghel niyang mukha.

"What the fvck?!!!" Nabalik ako sa huwisyo ng batuhin nya ko ng unan.

"Hoy ano ba? Ba't namamato ka?!"

"Tch"

"Hay nako kenneth may gusto kasi si master kay ms.debbie" Sabi ni harvey kaya binato siya ni smith ng unan na agad naman nyang nasalo.

Hahaha. Kaya naman pala kung makareact. Di nako magtataka kung magkagusto sya kay debbie, walang duda ang ganda nya 'mukha pang mabait. Kung ako nga una ko palang kita sa kanya para ko nang nakita ang future. Pano pa kaya sya na ang tagal nya nang nakikita si debbie. Pero teka!

"Fvck you smith! Wag mong gagaguhin ang kapatid ko."

"Fvck you too mendez. Im inlove with your sister, so i don't have a feelings to debbie."

"Buti naman. Wala akong karibal kay debbie. Wahahahaha"

Di ko alam kung bakit bigla nalang nagsitawanan yung dalawa.
"Hahahaha. Akala mo lang yun kenneth."

"Hahahahahaha"

"Anong akala ko lang? Bakit may gusto rin ba kayo kay debbie?" Sinamaan ko sila ng tingin.

"Hindi, dahil mahal pa namin ang buhay namin oy." Natawa nalang ako ng sabihin nila yan ng sabay.

Kahit kelan talaga may saltek tong dalawang to.

"Kung hindi kayo, sino?"

"Edi..,. Si rayne" sabay parin nilang sabi.

"Si rayne... talaga lang huh? Pano kayo nakakasiguro?"

"Naalala kasi namin na kaya di makakapunta dito si rayne. Kasi aayain nya si ms.debbie ng date kasi day off niya. Diba master?" Tumingin ng nakakaloko si mike kay smith.

"Tch. Yeah"

"Takte kayo. Bakit di niyo agad sinabi edi sana kagabi palang inaya ko na siya magdate."

"Hahaha. Asa kapa kenneth, wala kanang pag-asa"

"At bakit naman?"

Tumabi sakin si mike saka ako inakbayan.

"Alam mo ba? Syempre hindi. Pero ngayon malalaman mo na. Wala kang laban kay rayne. Dahil bestfriend yun ni debbie at first love nila ang isa't isa" tinitigan ko sya na parang di makapaniwala. Nilapit nya yung mukha nya sa tenga ko. "Kaya kung ako sayo, sakin ka nalang kenneth. Papaligayahin pa kita" hinalikan niya yung leeg ko bago tumakbo kasama si harvey.

"FVCK YOU. KILABUTAN KA NGA!!!!"

Napatingin ako sa kaharap kong sofa. Wala na dun si smith. San kaya yun nagpunta?

"KUNG HINAHANAP MO SI MASTER. KANINA PA NAGWALK OUT. NAGSELO- AY EWAN BAKA MAY URGENT MEETING." Sigaw ni mike.

Ang sakit nila sa anit.

-

Debbie POV

Nandito kami sa manila zoo. Dami kong tawa dito kay raven. Inaasar niya kasi si rayne, kanina nung nasa kotse kami. Parehas kasi nasa backseat 'tapos hinahalikan nya yung pisngi ko kapag tumitingin sa rear mirror si rayne. Kaya tawa ako ng tawa.

"Kuya kain muna tayo bago tayo maglibot baka kasi magutom na tong future girlfriend ko." Hinawakan ni raven yung kamay ko.

"Tigil tigilan mo yang kakafuture girlfriend mo na yan raven."

"Nako. Inggit ka lang kuya e"

"Tch."

"Hahaha. Ang kulit niyo, tara na nga magsikain muna tayo"

-

Pagkatapos namin kumain. Naglibot libot na kami. Nag eenjoy talaga ako sa kanilang dalawa. Para kasing parehas na bata e, nag aasaran sila. Kanya kanya silang punchline, kung sino ba kamukha nung elepante,unggoy, nung mga ibon, at marami pang iba. Hahahahaha!

Umupo muna kami sa batong upuan, dahil nag aya kumain ng ice cream si raven.

"Pagod ka na ba raven?" Tanong ko sa kanya saka ko pinunasan yung bibig nya na puro chocolates.

"Opo" Humikab siya. Kaya halatang halata pagod na talaga siya.

"Gusto mo na ba umuwi?" Tumango lang siya."Sige. Pagkatapos mong kumain, uuwi na tayo."

-

Tulad nga ng sinabi ko. Umalis na kami ng manila zoo pagkatapos niyang kumain ng ice cream.

Tulog na ang bata kaya binuhat na siya ni rayne. Ang cute nilang tingnan...

"Nag enjoy ka ba?" Tanong niya sakin.

"Oo nag enjoy ako, sobra pa nga e. Pwede sa amusement park naman tayo sa next day off ko?"

"Sure."

"Sasama mo ulit si raven?"

"Hindi na. Para tayong dalawa lang.."

May binulong sya kaso di ko masyadong narinig.

"Huh, ano sabi mo?"

"Wala. Sabi ko, ewan ko kay raven kung gusto niya sumama."

Nabigla ako ng hawakan niya yung kamay ko.

"Ah O....kay"

-

Nagpasalamat ako sa kanya ng sobra, nang makarating kami sa mansion ni hambog. Saglit lang umalis na agad sila, para daw makatulog na ng maayos si raven.

Pumasok ako ng maid's room ng may ngiti sa labi.

Ngayon ko nalang ulit to naramdaman. Ang mag enjoy ng sobra. Puro nalang kasi trabaho ang ginagawa ko, kaya nakakalimutan ko nang ienjoy ang pagiging teenager ko. Pero okay lang, kailangan ko kasi ng maraming pera dahil malapit na ang pasukan at para makaalis narin ako sa mansion ng mga smith, at makahanap ako ng maliit na apartment dahil nakakahiya na sa parents ni leni.

Hay, ang saya ng araw ko. Thankyou rayne and raven.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall Inlove with HIM (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon