Chapter 4
Weeks passed
"Oh debbie 25k sayo at leni 20k ' 25k kay debbi kasi personal maid siya" paliwanag ni mayordoma at ibinigay samin ang mga sahod namin.
Kakasahod lang namin ngayon at uuwi kami mamayang hapon ni leni, day off namin bukas.
"Uuwi ba kayo mamaya?" Tanong samin ni kris.
"Ou" sagot ni leni.
"San gala niyo bukas?" Tanong ni kris.
"Sa mall siguro ' sama ka?" Aya ko kay kris, kaso tumanggi siya. Gusto niya daw kasi makabonding ang mga kapatid niya. How sweet!
"Hey come here" may nagsalita sa intercom, pinapatawag nanaman ako. Epal talaga to si hambog, aalis na nga lang mag uutos pa.
"Oh?" Bungad ko sa kanya ng makapasok ako sa kwarto niya.
"Clean my room" utos niya tsaka binuksan yung tv.
"Ayaw mo lang ako paalisin e" asar ko sa kanya tsaka kinuha yung vacuum.
Nilingon niya ko.
"What did you say?"
"Nothing sir"inirapan ko siya tsaka nagsimula nang maglinis.
-
Tapos nako maglinis kaya nag paalam nako sa kanya.
"Aalis nako" palabas nako ng tawagin niya ko.
"No ' di kpa tapos linisin mo yung cr" ano ba naman to ' konti nalang talaga iisipin ko na ayaw talaga ako neto paalisin, mamimiss siguro ako neto.
Wag ka assuming. Sabi ng utak kong matino.
"Ano ba naman to di sinabay sabay" reklamo ko nagpapadyak padyak ako tsaka pumasok sa cr.
Pagkatapos ko sa cr, pinuntahan ko siya sa kwarto niya.
"Oh sir tapos na ho ako ' baka naman may iuutos pa po kayo. Iutos mo na at oras na lumabas ako bahala kana jan, ano ba mer-" natigil ako sa pagsasalita ng takpan niya yung bibig ko.
"Hmmm" piglas ko tsaka hinawakan ko yung kamay niya ' ayaw niya parin bitawan.
"Andaldal mong babae ka!" Natatawa niya sabi.
O__O
Natulala ako sa mukha niya ' Grabe first Time to. Binitawan niya na yung bibig ko.
"Alam kong gwapo ako ' wag ka naman matulala" hambog talaga!
"Asa ' natulala ako kasi first time kong makita kang tumatawa" amaze ako sa mukha niya kanina ' lalo siyang gumagwapo pag tumatawa siya *__*
"Tch get out pwede kanang umalis" ayan nanaman po siya back to sungit nanaman -___-
"Opo kamahalan ' eto na nga oh hawak ko na yung door knob" sabi ko tsaka lumabas.
-
Nasa byahe na kami, malapit na kami sa bahay.
"Mama we're here" sigaw ni leni pagkapasok palang namin ng gate, kababaeng tao napaka ingay -___-
"Mga anak ko namiss ko kayo" sinalubong kami ni mama ng yakap kasunod niya si papa' nakakatouch yung sinabi niyang mga anak ko.
"Namiss din namin kayo mama at papa" yinakap din namin sila.
-
Kinagabihan nagkwentuhan at tawanan kami nila mama ' at pagkatapos namin kumain umakyat na kami sa kwarto at kailangan daw namin matulog ng maaga, mag b-beauty rest daw siya.
-
Kinabukasan.
Nandito kami sa mall ni leni ' para mamili ng kaunting gamit.
"Ano bibilhin mo deb?" Tanong ni leni.
"Damit ' tara starbucks muna tayo, namiss ko yun e" nakangiti kong aya kay leni tsaka siya hinila sa loob ng starbucks.
Umorder ako ng caramel macchiato at kay leni naman vanilla latte. Tinake out nalang namin ni leni para makapag libot libot na kami.
Palabas na kami ng may makita akong lalaki na di ko inaasahan na makita.
"IKAW?"
***