Chapter 18

3 0 0
                                    

Debbie POV

Kinaumagahan para akong zombie na naglilinis dito sa sala ni hambog. Madaling araw na kasi ako natulog kakaisip kay rayne.

Nagpupunas ako ng tv nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni hambog at laking gulat ko ng hindi si hambog ang lumabas, kundi yung girlfriend niya. Parang biglang may kumirot sa puso ko.

Magkasama silang natulog sa iisang kwarto? Imposibleng walang nangy... *iling iling iling*

Lalo lang naninikip ang dibdib ko sa mga posibleng mangyari.

"Hey maid" nabalik ako sa huwisyo nang magsalita siya.

"Bakit?" Tumalikod ako sa kanya at nagsimula nanaman magpunas.

"Kapag kinakausap kita wag na wag mo kong tatalikuran"

Lumingon ako sa kanya, tinaasan niya ko ng kilay kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. Kala mo ikaw lang ang marunong huh. Psh

"Oh ayan humarap nako sayo. Ano masaya kana?"

"Mas masaya kung ipagluluto mo kami nang breakfast ng babe ko" inirapan niya ko tsaka pumasok na ulit ng kwarto ni hambog.

Kung makairap naman parang ang ganda ng mata niya. Tsk

Pumunta ako sa kusina para maghanap ng pwedeng maluto. Magluluto ako para kay hambog, hindi para dun haliparot na babae na yun.

May nahanap akong ham,bacon at egg dun sa mini ref ni hambog. Sinalang ko yung kawali sa kalan, hininaan ko muna yung apoy saka ako pumunta dun sa rice cooker, hinugasan ko yung bigas saka ko pinindot yung cook. Bumalik nako dun sa kawali 'una kong niluto yung bacon, pagkatapos ng bacon nilagyan ko ng mantika yung kawali para naman sa ham at itlog.

Nang itlog na ang lulutuin ko may naisip akong kalokohan. Wahahahaha

-

"What the hell?!!! Ano ba to! Acck.." tumakbo siya sa banyo. Sumunod naman sa kanya si hambog.

"Pfft. Hahaha pft" pigil na pigil ko ang tawa ko ng bumalik na ulit sila dito.

"Hoy babae ano bang nilagay mo dun sa itlog at bakit sobrang alat ha? Gusto mo ba kong patayin?!!" Para siyang tigre kung makatingin.

"Oo ay este h-hindi. Hindi po mam" yumuko ako para di niya malaman na nagpipigil ako ng tawa. Napakagat ako sa labi ko.

"Argh. I lost my appetite" pagkasabi nya nyan nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto.

Pag-angat ko ng ulo ko nasa harap ko na si hambog.

"Anong ginawa mo?"

"W-wala ho sir"

"Makakalabas kana" tinalikuran niya na ko kaya lumabas nako.

Paglabas ko pinakawalan ko na ang kanina ko pa pinipigil.

"HAHAHAHAHAHAHAHA TAKTE NA Y-YAN PFT HAHAHAH LAPTRIP WAHAHAHA H-HAH A-ARAY! Aray naman leni bakit ka nangongotong?!"

"Kasi naman kanina kapa tawa ng tawa dyan muka kang baliw dyan"

"E kasi naman si a-ano. Pfft Hahahahahahahahahahaha. Aray naman!" Asik ko ng kotongan niya nanaman ako.

"Magkekwento ka o kokotongan kita?"

"Oo na. Dun tayo sa maid's room baka marinig tayo dito"

Hinila ko siya pababa at nang makasalubong namin si kris hinila ko narin siya papuntang maid's room para naman updated siya sa kalokohan ko. Hahahahaha! Laptrip to mamaya.

flashback.

Natatawa ako sa naiisip kong kalokohan.

una kong niluto yung para kay hambog, konting asin lang ang nilagay ko. At ang sumunod para kay haliparot, halos lahat na yata ng asin nilagay ko dun sa itlog na para sa kanya. Hahahahaha

Pagkaluto ng lahat, inayos ko na ang mga kakainin nila nang may ngiti sa labi. Ngiting may kalokohang ginawa. Mehehehehe

End of flashback.

"TANGNA MO DEBBIE. HAHAHAHAHAHAHA G-GOODJOB H-HAHAHA"

"HAHAHA KAYA NAMAN PALA SOBRA ANG TAWA MO DUN HAHAHAHA"

Sabi na e, laptrip to. Nyahahahaha

"Hahahaha pigil na pigil ko nga yung tawa ko nung kaharap ko yung maarte na yun. Haha kung nakita niyo lang kung ano ang itsura niya nung matikman niya yung niluto ko. Hahahahaha"

"Hahahaha buti di mo naisipan gawin yun kay sir"

"Grabe. Baka mawalan ako trabaho pag ginawa ko yun hahahaha"

"Haha bakit mo ba ginawa yun?" Tanong ni leni.

"E kasi naman kanina habang naglilinis ako dun sa kwarto ni hambog. Aba akalain mo ba naman na tarayan ako e mang-uutos lang naman. Tapos inirapan pako. Buti nga sa kanya"

"Buti nga talaga sa kanya. Alam mo bang ako ang nagbukas ng gate sa kanila ni sir kenneth, tapos bigla ba naman akong banggain kaya natumba ako tapos nagtatatakbo sa loob 'at buti nalang nasalo ako ni kennethmyloves. Kyaahhh" sabi ni kris habang tumitili. Kung pwede lang magkaroon ng mga puso ang mata niya baka punong-puno na yan.

"Kalandian mo nanaman kris" inirapan lang siya ni leni.

"Tse. Inggit ka nanaman sa kennethmyloves ko"

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo"

Oh sige. OP ako sa kanila -_-

"Suss. Babush na nga 'hahanapin ko pa si kennethmyloves" tumayo na siya saka siya lumabas.

Pero di pa nakakalipas ang sampung minuto, bumalik siya ng pulang pula ang mukha.

"Hoy bruha. Nangyari sayo?" Nilapitan ko siya.

"N-nandyan si k..kennethmyloves! KYAAAHHHH ANG GWAPOOO NIYA TALAGA WAAAHHHH OH MY GHAD IM GONNA DIE. IM GONNA DIE"

Napailing nalang ako.

"Now na. You said your gonna die right? Now na."

"Ang hard mo talaga sakin leni" nagpout pa ang bruha.

"Psh."

"Hoy tara na. Marami pa tayong trabaho" aya ko sa kanila.

Pumunta nako sa pintuan, pagbukas ko saktong bumungad samin ang isang napakagwapong lalaki.


"What's your name?"

Sino ba ang tinatanong niya? Ako ba, o yung dalawang nasa likuran ko?


***

Fall Inlove with HIM (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon