Chapter 1
Debbie POV
Nagising ako na masakit ang aking mata. Naalala ko sa ibang na ako nakatira ngayon. Hay ang saklap ng mga nangyayari sa buhay ko, tumingin-tingin muna ko sa kabuuan ng kwarto ni leni ' malaking kwarto to, may kaya naman kasi sila leni. Pero mas pinili kong matulog nalang sa lapag masyado na kasi nakakahiya kung makikisalo pko sa kama niya.
"Oh gising kna pala deb" sbe ni leni na nag-iinat inat pa ng mga braso.
"Hmm. GoodMorning" nakangiti kong sbe sa kanya.
"GoodMorning too ' tara baba na tayo mukhang ready na ang breakfast" at sabay kaming bumaba at pumuntang kusina.
"GoodMorning po tita" bati ko kila tita at tito.
"Hay nako ija ' mama narin ang itawag mo sakin tutal isang anak lang namin si leni,at dito kna rin naman titira" nakangiting sabi ni tita.
"Ah-eh" di ko alam kung ano isasagot ko.
"Ano ba naman deb ' sige na para magkapatid na magkapatid na tayo"
"Ah eh sige po m-mama" utal na sabi ko at tsaka isa-isa silang pinasalamatan at niyakap.
"Maraming salamat po talaga" gusto maiyak sa tuwa.
"Wala anuman ija ' at tsaka napalapit kana rin samin" saad ni tito este papa.
"Thank you po talaga" nakangiti kong sabi sa kanila.
Habang kumakain kme panay kwento si leni tungkol sa mga naging crush niya.
"Ikaw deb may crush kaba?" Tanong sakin ni leni.
"Ha wala ah" sa totoo lang wala pa talaga ako naging crush ' masyado kasi akong tutok sa pag-aaral ko noon.
"Okay sabi mo e, mag-aaral kba ng college sa pasukan?"
"Siguro kung makakaipon ako"
"Pano ka makakaipon niyan?"
"Maghahanap ako ng trabaho ' para narin may maibigay ako sa inyo"
"Wag kana mag abala pa ija'mag-ipon kana lang para sa pag-aaral mo" sabi ni mama,
"Bahala na po" at nginitian nalang sila…
-
Pagkatapos namin kumain ' umakyat na kami ni leni dito sa kwarto niya, na magiging kwarto ko narin.
"Leni may alam kbang trabaho kahit ano?" Tanong ko tsaka umupo sa kama niya.
"May kakilala akong pwede magpasok sayo."
"Sino naman?"
"Yung kaklase ko dati"
"Ano'ng trabaho naman? Dapat yung marangal ah" sabi ko pa sa kanya.
"Ou naman no' Maid ' pwede na ba yun?"
"Mapagtyatyagaan narin ' kailangan ba ng resume?"
"Ou ' sige tawagan ko yung kaklase ko para makipagkita siya satin mamaya at mapag-usapan natin yung tungkol dun sa pag-aapply mo" at kinalikot niya ang phone niya na parang may dinadial.
[Hello kris?] Tawag ni leni sa kausap.
[Ah oh sige… ah ganun ba? Sige kitakits nalang. Bye] tsaka binaba ang phone.
lumingon siya sakin"Deb be ready mamaya,magdala ka daw ng damit at isasama kana niya dun sa bahay na pinag-tatrabahuhan niya"
Napangiti ako. "Sige, ano daw ba oras?"