Rayne POVBinuhat ko siya ng makatulog na siya sa dibdib ko dahil sa kaiiyak. Buti nalang pinuruhan ko yung mga g*go kanina na nambastos sa kanya. Kahit sa ganong paraan naiganti ko man lang siya.
Naaalala ko noon na sa tuwing may mang aaway sa kanya. Isusumbong niya sakin para gantihan yung mga yun. Napangiti ako 'ang saya balikan ng mga araw kung saan walang umiiyak at walang nasasaktan, yung tipong araw-araw lagi lang saya. Pero nagbago ang lahat ng mawala ang nanay niya at nang..... iwan ko siya.
Pinagsisihan ko ang pag iwan ko sa kanya. Kung alam niya lang.... kung alam niya lang kung ano ang dahilan...
Ipapasok ko na sana si debbie sa guest room para dun patulugin nang makasalubong ko si trevor.
"What are you doing here?"
"Binibisita si debbie."
"Okay"
"Okay lang ba na dito ko siya patulugin sa guest room?"
"No. Sa kwarto ko siya matutulog" walang anu-ano kinuha niya si debbie sa mga bisig ko. At pumasok sa kwarto niya. Wala akong nagawa kundi ang umuwi.
-
Trevor POV
Kinuha ko sa kanya si debbie saka ipinasok sa kwarto ko. Inihiga ko siya sa sofa, umupo ako sa harapan niya. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko kanina nang bumaba ako para magpahangin nakita ko silang dalawa na nag-uusap sa swimming pool area. Nakita ko kung anong ngiti ang meron siya sa tuwing si rayne ang kaharap niya di tulad kapag ako ang kaharap niya, lagi niya kong iniirapan. Tch Parang gusto kong sugudin si rayne at banatan at sabihin na ako lang ang dapat ang nginingitian ni debbie, pero pinigilan ko at baka kasi mahalata niyang may gusto ako sa kanya.
W-wait?! What did i say? M-may gusto ako sa kanya?
Napahampas ako sa ulo ko at pilit na inaalis sa isip ko na may gusto ako sa kanya. Hindi maaari... hindi maaaring magkagusto ako sa mismong katulong ko.
Pinagmasdan ko ang malaanghel niyang mukha, lumapit ako sa kanya at humalik sa no-
"Yo, Maste- Damn!" Napabalikwas ako ng may biglang pumasok. Sh*t! Napatingin ako sa pinto. Nandun sila harvey at mike na parehong nanlalaki ang mata.
"WHO GAVE THE TWO OF YOU A PERMISSION TO ENTER MY ROOM?!!!!". Hininaan ko lang ang boses ko pero may diin para mapalunok sila, baka kasi magising siya.Sinamaan ko sila ng tingin.
"O-ow easy master. Malay ba namin na may ginagawa kang kababalaghan dyan sa babaeng yan" pangangatwiran ni Mike. Lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
"GET OUT!"
"Diba siya yung kadate mo nung nakaraan?"
"I SAID GET OUT!!"
"Ang ganda niya huh. Pahalik nga din sa noo niya" singit pa ni harvey.
"ONE!"
"Hahahaha sabi nga namin lalabas na kami" kumaripas sila ng takbo.
Napahawak ako sa sentido ko. Ugh! That two assholes.
-
Nandito kami sa garden. Nandito parin sila. May mahalaga daw silang sasabihin.
"Spill it"
Huminga ng malalim si mike at seryosong tumingin sakin.
"Ngayon ang flight ni kenneth pabalik ng pilipinas at baka bukas nandito na siya kasama ang kapatid niya or should i say.. ang girlfriend mo"Biglang kumabog ang dibdib ko.
-
Debbie POV
Tanghali nako nagising, kaya tanghali ko na nasimulan ang trabaho ko, kaninang paggising ko muntik nakong maghysterical dahil nasa ibang kwarto ako, at buti nalang napagtanto ko agad na nasa kwarto ako ng hambog. Tinanong ko pa siya kung bakit ako nandun' pero di niya ko kinibo. Kanina ko pa nga siya napapansin na para siyang tulala.
Nandidito ako sa garden, nagdidilig. Nandito din si hambog, nakaupo at ayun nanaman siya... tulala.
"Hoy hambog anyare sa-" di ko pa tapos ang itatanong ko sana sa kanya ng may biglang sumulpot na isang lalaki at isang babae. Napatayo agad si hambog at yung babae naman agad na lumapit sa kanya at walang anu ano'y hinalikan niya si hambog. At si hambog naman yumakap dun sa babae at ginantihan rin ng halik yung babae.
Di ko alam kung bakit parang unti unting dinudurog ang puso ko habang pinapanuod ko silang dalawa na naghahalikan.
"Ang masokista mo rin e no? Alam mo nang nasasaktan ka, tinitingnan mo parin. Tara nga dito" hinila ako ni leni papunta sa pinakalikod ng mansyon.
Nangilid ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit.
"Masyado kanamang halata be."
"Huh?" Pinunasan ko ang luha ko.
"In denial kapa dyan. Halata namang may gusto ka dun kay sir"
Napabuntong hininga ako.
"Hindi ko alam leni.""Pero pano nga kung may gusto kana sa kanya. Pano na si rayne?"
"Syempre si rayne parin. Alam mo naman kung gano ko kamahal si rayne, noon palang"
"Sigurado ka ba dyan?" Ilang segundo ang nakalipas bago ako nakasagot ng 'oo' pero parang tutol ang puso ko.
-
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni leni. Tinapos ko na agad ang lahat ng gawain na nakatoka sakin para makapagpahinga narin ako. Mag isa lang ako dito sa maid's room, nagpapahinga.
Kamusta na kaya si hambog, wala ba siyang iuutos sakin? For sure, busy sila ng girlfriend niya.
Biglang may pumasok, si leni.
"Oy tumatawag si rayne kakausapin ka daw" inabot niya lang sakin yung cellphone niya tapos lumabas na.
[Hello rayne? Napatawag ka yata?]
[A-ano ka...si]
[Kasi ano?]
[M...ma]
[Ano ba kasi yun? Sige ka ibababa ko n-]
[M...mahal mo parin ako diba?] Yan ang nakapagpahinto sakin, di ko alam kung ano ang isasagot ko. Di ko alam kung ano ang irereact ko kaya mabilis kong pinatay ang tawag.
Sorry rayne...
***