Chapter 10
Totoo ba tong nakikita ko?
"B-bie...."
Unti unti kaming lumapit sa isa't isa.
"R-rayne..." hindi ko na napigilan na mapayakap sa kanya, namiss ko'to!
"Oh god, antagal kitang hinanap, dito lang pala kita makikita" hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin.
"Andaya mo bakit ngayon ka lang? Antagal kitang hinintay" Di ko napigilan mapaiyak.
"Sshh.. stop crying ' Im here now" hinagod hagod niya yung likod ko.
"Excuse me! Who you ba?" Napahiwalay sakin si rayne, nang magsalita si keira.
Bumaba mula sa taas si hambog.
"He's my friend"
"Okay, bakit may yakapan effect pa kayo?" Nagpalipat lipat ng tingin samin si keira.
Napayuko nalang ako.
"Childhood friend ko siya"
"Okay"
"Let's go bro" aya ni hambog kay rayne, napaigtad ako ng hawakan ni rayne ang kamay ko.
"Im sorry bro next time nalang ' kailangan pa namin mag usap ni debbie" Hinila niya ako palabas ng mansyon. Masaya ako na bumalik na siya.
-
Third Person POV
Parang naestatwa ang magkapatid ng hawakan ni rayne ang kamay ni debbie palabas ng mansyon.
"San naman kaya pupunta yun?" Pabulong na sabi ni keira.
Hindi alam ni trevor kung anong gagawin niya ' pero nakita niya nalang ang sarili niyang nagddrive at sinusundan ang kotseng sinasakyan nila rayne at debbie
Habang nasa sasakyan sila rayne ' wala manlang ni isang nagsasalita.
"Sorry..." pagbabasag ni rayne sa katahimikan.
"Bakit ngayon ka lang? nung mga panahong kailangan kita wala ka, all this time hinintay kita!!" di na napigilan na maluha ni debbie.
"sorry...sorry" hindi narin napigilan ni rayne na maiyak.
Flashback!
Shane POV
2years ago
2nd year high school ako nang umamin sakin ang kababata kong si rayne.
Hinawakan niya ang kamay ko!
"bie gusto kita noon palang""Rayne bata pa tayo, papagalitan tayo ng mga magulang natin" gusto ko din siya, pero di pko handa pumasok sa isang relasyon.
"Pag nasa tamang edad na tayo, gagawin ko lahat maging tayo lang" yinakap ko siya para iparamdam na payag ako sa gusto niyang mangyari.
"D-DEBBIE" Sigaw ng kapitbahay namin na si harold.
Nilapitan ko siya.
"Oh bakit? May nangyari ba?""Y...yung nanay mo sinugod sa hospital" parang huminto ang mundo ko, Lord iligtas mo po ang nanay ko, wag mo po pababayaan ang nanay ko.
"S-saang ospital?"
"Tara hahatid ko kayo" sabi ni harold, tsaka ako inalalayan ni rayne.
Habang papasok kami ng ospital, parang bigat na bigat ako sa katawan ko at parang ayokong makapunta sa pupuntahan ko.
Pagkapunta namin sa emergency room ' nagulat ako sa mukha ng nanay ko, b...bakit ang putla niya?
"A...anak" mahina niyang tawag sakin, kaya lumapit ako sa kanya.
"Nay a-ano nangyari ha?" Kinakabahan na'ko para sa sasabihin niya.
"Anak i-im sorry...."
"ANO BA KASING NANGYARI? SABIHIN NIYO NAMAN OH!!!" napahagulhol na'ko, gulong gulo na'ko,
"Bie please calm down"
"Pano ako kakalma ha sabihin mu'nga?"
Pumasok ang doctor, lumapit ako sa kanya.
"Dok ano ang sakit ng nanay ko?"
"Sorry miss, may lung cancer ang nanay mo at stage 4 na ito." Para akong naistatwa sa sinabi ng doktor.
Yinugyog ko siya.
"Magagamot pa siya diba?""Sorry"
"Kahit magkano, kakayanin kong magbayad basta dagdagan niyo lang ang buhay niya"
"Sorry miss ' wala na kaming magagawa" hindi ako makapapayag, lumuhod ako sa kanya.
"Please"
Di niya ko pinansin.
"bie wag mu gawin yan ' tumayo ka jan."Nilapitan ko si nanay.
"Ikaw kasi nay e, tama na pagyoyosi ha" ngumiti ako kahit patuloy parin sa pag agos ang luha ko, para kahit konti mabigyan ko siya ng lakas,-
Lumipas ang mga araw at nadischarged na si nanay, hindi na siya masyadong maputla.
Pinapakain ko si nanay ng dumating si rayne.
"Debbie pwede ba tayo mag usap?" Tumingin muna ko kay nanay
"Sige na nak"
-
"Ano ba pag uusapan natin?"
"Aalis ako"
"Oh aalis lang pala e ' basta bumalik ka agad baka gumal-"
"Sa states ako pupunta ' dun na'ko mag aaral" para akong nastroke at di ko magalaw ang katawan ko '
"bakit ngayon kung kailan kailangan kita" hinayaan ko nalang umagos ang mga luha ko.
"Sorry sorry....." yayakapin niya sana ako pero umiwas ako.
"Rayne bakit ha? Wala bang eskwelahan dito at kailangan mu pang pumunta dun, kailangan ko ng masasandalan ngayon, pero mawawala kapa"
"B...babalik ako..." nakita kong may mga luhang pumatak sa mga mata niya.
"Mahal kita' mahal moko diba hihintayin mo yung panahon na pwede nang m-maging t...tayo"
"Pangako tutuparin ko yun"
"Di na kailangan kung iiwan mo lang din ako" tumalikod nako para sana umalis nang yakapin niya ko mula sa likod, sana panaginip lang ang lahat nang to.
Iniharap niya ko sa kanya. Hinalikan niya ko sa noo
"Goodbye iloveyou" yan ang mga salitang huli kong narinig sa kanya.-
Lumipas ang ilang linggo ' nahihirapan huminga ni nanay, isinugod namin siya sa hospital pero hindi na siya umabot.
noong araw na yun feeling ko pasan ko ang daigdig,Bakit ? B...bakit lahat ng mahal ko sa buhay iniiwan ako. Masama ba'kong tao?
End of Flashback.
***