Chapter 16

7 0 0
                                    


Trevor POV

On the way ako sa hide out namin. May kailangan akong planuhin.

Pagkarating ko ng hide out agad kong nakita yung mga member ko na busy sa kani kanilang kagaguhan.

Agad lumapit si rayne sakin.
"What happened last night? Tell me. Is she alright? Huh?" Hinawi ko yung kamay niya na nasa balikat ko.

"Tch.Hangga't nasa poder ko siya 'wala ka dapat ipag-alala" saka ko siya nilagpasan, pumasok ako sa private room namin. Agad na sumunod sakin yung lima. Once na pumasok ako ng private room alam agad nilang may ipapagawa ako.

"Nagawa niyo ba?" Panimula ko. Tiningnan ko sina Harvey at Mike. Tinawagan ko sila kagabi para pwersahan nilang dalhin dito yung mga nambastos kay debbie at di naman sila nahirapan dahil may cctv naman ang buong mansyon ni jackson kaya nalaman agad nila kung sino.

"Oo naman yes 'kami pa ba?" Sagot ni mike saka sila nag apir. Tch napapoker faced nalang ako sa kakulitan nila.

"Asan sila?"

"Nasa kabilang kwarto" Agad ako tumayo at nagmadaling pumunta sa kabilang kwarto. Agad kong naitikom ang kamao ko.

*blag*

Padabog kong binuksan yung pinto at agad kong silang nilapitan. Pwersahan kong dinakot yung panga nung isa saka inilapit yung mukha niya sakin.

"HINDI DAPAT GINAGANUN ANG BABAE" saka ko siya sinapak. Lumapit ako dun sa isa pang lalaki sako ko kinuwelyuhan.

"TANGINA MO 'WALA KANG KARAPATANG HAWAKAN SIYA" sinuntok ko siya sa tiyan. Nilapitan ko naman yung isa pa.

"WAG MO SIYANG GAGALAWIN KUNG GUSTO MO PANG MABUHAY" tinuhod ko yung sikmura niya. At akmang susugod yung isang mukhang kulugo 'kaya inunahan ko na siya. Sinipa ko yung mukha niya 'saka ako sumenyas sa limang tukmol na ngingisi ngising nakatayo lang. Alam na nila kung ano ang gagawin nila. Kaya lumabas nako.

-
Bago ako umuwi 'dumaan muna ako sa isang restaurant at nag take out.

Pagkarating ko nang mansyon. Pinark ko na yung kotse ko. At dumiretso nang kwarto ko. Naabutan ko si debbie na nakayuko sa lamesa at humihilik pa habang may hawak pang basahan. Mukhang di niya na natapos ang paglilinis niya dahil nakatulog na siya. Umupo ako sa sahig at humarap sa kanya. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya.

Hindi ko akalain ang maid kong may pagkabaliw minsan 'ay may ganitong kaamong mukha.

Her messy hair.

Her face.

Her nose.

And her lip-

-

Debbie POV

"B-bakit ka nakatingin?" Taranta kong tanong ng mabungaran ko sa harapan ko si trevor hambog.

"Damn. What happening to me?" Rinig kong bulong niya. Bubulong bulong pa rinig ko naman. Saka baliw ba siya, sarili niya yan di niya alam kung ano nangyayari sa kanya. Kabaliwan nga naman oh! -__-

"Hoy trevor hambog ano tinitingin tingin mo dyan?"

Para siyang natataranta 'parang di niya alam ang gagawin.
"N-nothing. May laway kapa. Tch" mabilis siyang umalis sa harap ko. Rush hour lang?

Pero ano sabi niya? May laway daw ako?

Dali-dali akong tumakbo papunta cr at humarap sa salamin.

"ARGHHH" padabog akong lumabas ng cr nang wala naman akong nakitang laway sa mukha ko.

Nakita ko siyang nanunuod ng pba. Tumingin siya sakin, inirapan ko siya saka lumabas ng kwarto niya.

-

Nandito ako sa pool area nila. Nakaupo ako sa gilid at nakababad yung mga paa ko sa tubig. Para kong tangang nagtatampisaw dito 'wala kasi ko magawa tapos ko na lahat ng gawain ko.

Hayyy. Napapikit ako ng mariin ng maalala ko nanaman ang masamang nangyari sakin. Di ko man gustuhing alalahanin ang nangyari pero kusang rumerehistro sa isip ko.

Bakit kailangang mangyari sakin yun? Masama ba kong tao? Hindi naman huh.

Di ko na namalayan umiiyak na pala ko. Pinunasan ko yung pisngi ko at akmang tatayo na nang may tumakip sa mata ko.

"Guess who?" Natatawang tanong nang nasa likuran ko.

Psh. May paganyan ganyan pa siya 'boses palang at amoy niya kilala ko na. Kunwari nag-isip ako.
"Hmm. Panget ikaw ba yan?"

"Tss. Di ako panget 'Gwapo ako."

"Psh. Oo na rayne kabalbalan mo talaga 'napakahangin mo pa. Hahahaha" natatawa kong sabi. Tinanggal nya na yung kamay niya.

"Hahaha. Buti nalang nakilala mo parin ako" umupo siya sa tabi ko at nilublob din yung paa niya.

"Sus. Syempre naman no"

"Haha. May tatanong ako huh? Bakit ka umiiyak?"

"Di naman ako umiiyak huh" tanggi ko.

"Tch. Sakin kapa nagsinungaling' wag ka nang tumanggi, tingnan mo to" pinakita niya sakin yung kamay niya "Diba basa? Nabasa yan nung tinakpan ko yung mata."

Wala nakong kawala. Kaya kinuwento ko sa kanya ang lahat ng dahilan kung bakit ako umiiyak.

"FVCK!!!" Mura siya ng mura nang matapos akong magkwento. Napayuko ako 'at napahagulhol ako.

"Sshh. Don't cry 'Nandito nako. Babantayan kita"

Niyakap niya ko ng mahigit 'na para bang pinaparamdam niya sakin na wag na kong matakot dahil nasa tabi ko na siya.

Umiyak lang ako ng umiyak sa dibdib niya at di ko namalayan na pumipikit na ko.

***

Fall Inlove with HIM (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon