Chapter 4
"IKAW?" Napasigaw tuloy ako ' di ko kasi akalain na makikita ko to dito, akalain mo nga naman marunong pala pumuntang mall ang hambog na to.
"Tch" nilagpasan niya ko. Ayan nanaman siya sa pa tch tch niya.
Di ko na siya pinansin ' hinila ko nalang si leni palabas ng starbucks.
"Ano kaya problema ng amo mo di manlang tumawa oh ngumiti" takang tanong ni leni ' naku kung alam mo lang napatawa ko na yang si hambog.
"Tara na mag window shopping, wag muna pakialaman yang si hambog" sabi ko sa kanya.
"Bakit hambog?" Tanong ni leni.
Sumipsip muna ko sa caramel macchiato ko.
"Yabang e" simpleng sagot ko.
"Ah ' infairness gwapo ng amo mo" parang tangang aso si leni habang sinasabi niyang gwapo si hambog.
"Gwapo ka jan" pag de-deny ko ' totoo naman kasi gwapo si hambog.
"Kunwari kapa deb" siniko siko pako ni leni.
"Psh" dumiretso na kaming department store.
-
Pagkatapos namin mamili ' nagpunta na kami sa counter.
"2,054 po mam" sabi nung cashier kaya inabot ko na sa kanya yung credit card ko Joke lang hehe. Syempre cash yung binigay ko.
-
Pumunta muna kami sa Quantum ni leni, naglaro muna kami ng kung anu-ano. Last na nilaro namin ay basketball bago namin naisipan umuwi.
-
Nandito kami sa kwarto at inaayos yung mga pinamili namin.
"Hay may pasok na naman tayo bukas" sabi ni leni tsaka nahiga sa kama niya.
"Nakakatamad" sabi ko tsaka humilata sa sahig, kahit sa mall lang kami pumunta nakakapagod rin pala. Di ko na natapos yung pag aayos kasi inantok nako.
-
Mansyon.Kararating lang namin dito sa mansyon. Naghuhugas muna ko ng plato tutal di pa naman ako pinapatawag ni hambog.
Ilang oras na ang lumilipas pero di parin ako pinapatawag ni hambog. Baka naman umalis, patay ako dun pag naabutan niyang di pako nag lilinis ng kwarto niya.
Tinapos ko muna ang pag wawalis ko ' bago ko naisipan pumunta sa kwarto ni hambog.
Pagkapasok ko-
O___O
Nagulat ako sa nadatnan ko.
S-si hambog O___O
Nakabulagta sa sahig. Agad ko nilapitan si hambog at sinipat yung mukha niya kung may tama ba nang baril oh ano, pero wala naman akong nakita kaya hinawakan ko siya.
"H-hala ang init mo" nasabi ko ng mahawakan ko siya ' inaapoy siya ng lagnat.
Agad ko siya itinayo ' kahit mabigat pinilit ko ang sarili ko na dalhin siya sa kwarto niya. Agad ko siyang inihig , pumunta akong cr para kumuha ng bimpo at planggana at buti nalang may initubig sa termos nya.
-
Napapalunok ako ng unti unti kong itinataas ang tshirt niya ' kailangan ko kasi siyang hubaran para mapunasan ko siya. Nang mahubad ko na-
Ginahasa ko na siya.
Syempre joke lang.
"Uno,dos,tres,kwarto,singko,sais Amazing *__*" Yummy daming pandesal.
*iling iling iling* tumigil ka nga debbie may sakit yan kaya tigilan mu yang pagnanasa mo.
Kaya naman tinigil ko na ang pagnanasa ko baka di ako makapagpigil ' kaya naman pinunasan ko na siya.
Pagkatapos ko siya punasan binihisan ko siya ng sando. Nilagyan ko siya ng bimpo sa noo para bumaba kahit konti ang lagnat niya.
Tatayo na sana ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at sa sobrang lakas nun napahiga ako sa matigas niyang dibdib *__* ayan ka nanaman debbie.
Bumangon nako at tatanggalin ko na sana yung kamay ko nang magsalita siya.
"W-Wag mo ko iwan ' dito ka muna" mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko kaya hinayaan ko nalang gusto ko rin naman este wala naman akong magagawa.
Inihilig ko nalang ang ulo ko sa gilid ng kama niya.
***