8-Trevor Girl

40 5 0
                                    

Chapter 8

O_____O

B-bket kaya ako yinakap neto? Ngayon ko lang naman siya nakita, maski pangalan niya di ko alam.

Ilang segundo bago niya ko bitawan.

"B-bakit mo'ko yinakap ' nawawala ba kitang kapatid?bakit sabi ng mama ko only girl lang ako?" Tanong ko sa kanya.

"Pfft. No no no, na amaze lang ako" bakit naman kaya?

"Bakit po?"

"maganda ka naman pala e sexy pa ' kaya nagulat ako na ikaw ang maid ni kuya" sinamaan niya ng tingin ang kuya niya.

"H-ha?" Anu daw? Ako maganda? Bet ko na tong babaeng to. Hindi sinungaling hehe.

"Sabi kasi ni kuy-hmmp" di niya na natapos yung huli niyang sasabihin kasi tinakpan ni hambog yung bibig ng kapatid niya.

"Dont mind her'paki ayos nalang yung mga gamit niya na nasa maleta" sabi niya tsaka hinila palabas si ano, basta yun na yun. Matanong nga kay kris mamaya kung ano pangalan nun.

-

Busy ako sa pag aayos ng biglang pumasok yung kapatid ni hambog.sakto naman at tapos nako.

"May kailangan pa po kayo?" Tanong ko sa kanya.

"ano kba naman ' wag mo nko po-poin bata pa kaya ako"

"Okay, sige una nko" palabas nko ng pigilan niya ko.

"Mamaya kna umalis ' kwentuhan muna tayo, tsaka itutuloy ko pa yung sasabihin ko dapat kanina" sabagay wala pa naman akong gagawin.

"Ah sige" umupo ako sa one-seater sofa niya, ngayon ko lang napansin all pink yung color ng kwarto niya maski yung doorknob at carpet.

Sinundan ko siya ng tingin ng pumunta siya sa gilid ng pinto.

"Hey ' bring two pie and two orange juice here in my room" tsaka siya bumalik sa pwesto niya.

"Dapat ako nalang ang inutusan mo maid naman ako dito"

"Ayoko ' hindi ka maid kapag ako ang kasama mo" nakakatats naman.

"Thank you" nginitian niya ko ' kaya lalo siyang gumanda.

"Maganda ka naman pala e sabi kasi ni kuya pangit daw yung maid niya, ang bad ni kuya' whats your name nga pala?" Ansama niya talaga, porket gwapo siya. Yari siya sakin...

"Im debbie sandiego' ikaw?" Sa wakas malalaman ko na din ang name niya.

"Im keira smith ' i like you na" tsaka niya ko niyakap, kota na to ha. Kokotongan ko na to! Joke lang hehe.

"Hehe" ganda naman pala ng pangalan niya.

"Layo ng name ko kay kuya ko no?" Malay ko, di ko naman alam pangalan nun.

"Huh?" Patay. Pangalan lang ng amo ko di ko pa alam.

"Dont tell me di mo alam name ni kuya"

"Ah eh"

"Iba ka ' kaya naman pala hanggang ngayon di kapa napapa alis" ngumiti siya na parang hangang hanga.

"Panung iba?" Lito kong tanong sa kanya.

"Iba? Kasi ikaw lang ata yung di nakakaalam ng name niya, yung iba niya kasing maid kaya niya pinapaalis mas inuuna pa nilang alamin ang name niya bago mag trabaho" pagpapaliwanag niya, ah now i know.

"Ah ganun ba?"

"Ou ' at dahil maganda ka sasabihin ko sayo yung name niya" bago niya pa masabi yung name ni hambog. Dumating yung maid na may dalang mga pagkain, nagutom tuloy ako.

"Thank you" sabi nya sa maid bago ito lumabas.

"Oh kain muna tayo ' bago tayo mag chikahan" kaya naman kumain na kami, nawala sa isip namin yung name ni hambog.

Pagkatapos namin kumain ' may pinakita siya sakin na album na may nakalagay ng Trevor Girl.

"Sino'to? Ikaw to?" Tanong ko sa ipinakita niyang pic na babae na nakasuot ng dress.

"Pfft... No ' si kuya yan hahaha" Tinitigan ko ulit yung bata sa picture.

Si hambog to?

Si hambog to?

Si hambog to?....


"Weh?" Di talaga ko makapaniwala.

"Ou nga hahahaha" tawa pa siya ng tawa. Pinakita niya pa sakin yung ibang picture. Kaya daw ganun yung itsura ni hambog ay trevor pala, nalaman ko na name niya dahil dun sa nakasulat sa album. Kasi daw gustong gusto daw ng mommy niya na magkababy na ng babae. Limang taon bago magkaanak ng babae si mrs.smith at ang babaeng yun ay si keira, nagkaproblema kasi yung matres niya nung ipinanganak niya si hambog, kaya limang taon din pinag mukhang babae si hambog.

"HAHAHAHAHAHA A-ANG GANDA NIYA DITO"tawa nko ng tawa habang tinuturo ko yung pic ni hambog na nakaswim suit at nakapameywang habang naka flying kiss, hahahahahah epic.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAH" puro tawanan namin ang maririnig dito sa apat na sulok ng kwarto niya. Marami pakong nakitang picture, yung iba nakapose pero pilit lng yung smile.

Naputol ang tawanan namin ng biglang pumasok si hambog.

"What's goin' on here? Abot yung tawanan niyo sa baba" pigil na pigil namin ni keira ang mga tawa namin ' at buti nalang naitago agad ni keira sa likod niya yung album, at bka makita pa kami ni hambog.

Its my turn. Pangit pala ha!

Nilapitan ko siya at bumulong sa kanya.

"Bagay sayo maging babae ' trevor girl" at saka tumakbo palabas. Hahahahah epic yung mukha niya. Kala mo ha!!

***

Fall Inlove with HIM (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon